15. Love hurts

231 12 7
                                    

"HI lang? As in H and I 'tapos wala na?" si Ana May na busy na naman sa harap ng salamin. Nagpa-practice ang kapatid para sa next makeup tutorial gamit ang sponsored products. Kung ano anong produkto ang natatanggap ng kapatid galing sa iba't ibang brands para i-review.

Kung dati, walang pambili ng mga beauty products si Ana May, ngayon, dumarating na lang ng free sa bahay nila ang mga produkto. Si Ana May na ang namimili ng gusto nitong bigyan ng review. Kung dati ay kulang na lang tumulay sa alambre at i-video ang sarili para mapansin ng netizens, ngayon, isang beses na lang mag-post si Ana May sa Q-tube channel nito. Busy na rin kasi ang kapatid sa online store nila at sa school. Proud siya sa bunso nila. Ang galing nitong mag-balanse ng oras.

Lahat sila, naging busy na pero may isang hindi nawala, mga pag-uusap—bonding moment gaya ng sandaling iyon. Nasa kama siya ni Ana May, nakatulala sa kisame. Si Ana May, busy sa 'pagpintura' ng mukha.

"Wala na," sagot ni Angeline. "Nag-smile and hi lang talaga, Bal!" kasunod ang pag-exhale. "Mas interested sa contact number ng East A's kaysa sa akin, eh." Inabot niya ang unan sa tabi at niyakap. "Sa happiness cupcake ang focus. Parang accessory lang ako bigla ng East A's food!" dagdag pa niya. "Sarap na sarap sa cupcakes! Hindi na...hindi na siya gaya dati. Parang okay na siya."

"Hindi na sad eyes?"

"'Di ko naman natitigan nang matagal, Bal. Busy akong maghanap ng business card, eh. 'Tapos si Papa, naghihintay sa venue kaya nagmadali na rin ako. Hindi rin naman na-excite no'ng nakita ako, eh. Three years na nga naman kasi..."

"Baka may new girl na?"

"Baka nga. Crush tawag sa kanya ni Alisha. Close 'ata sila. Small world!"

Tuloy lang si Ana May sa ginagawa sa mukha. "Kumusta naman ang puso mo, Ate?"

"Laglag sa floor."

Ang lakas ng tawa ni Ana May. Namali ng lagay sa bloody red na lipstick.

Hingang-malalim naman si Angeline. "Hindi na magulo ang buhok niya..."

"Guwapo pa rin?"

"Oo, eh..."

"Kung naka-move on na sa wife, maging happy na lang tayo for him. Ano bang mas gusto mo—makita siyang okay na, o makita siyang gaya pa rin ng dati after three years?"

"'Yong first siyempre—makitang okay siya."

"Kaya mag-move on ka na rin, Ate!"

"Magmu-move on na 'di naman naging kami?"

"Uso 'yan ngayon!" itinuro pa siya gamit ang lipstick. "In ka, Ate!"

Huminga na lang nang malalim si Angeline. Nagbalik na naman sa isip niya ang last scene nila ni Phillip sa Puting Paraiso. Tama lang pala na pinili niya ang tuldok na kaysa comma. Tama nga ang naisip niya noon, na needy lang si Phillip dahil sa lagay ng emosyon. At magbabago ang nararamdaman kapag nakaahon na sa miserableng sitwasyon nito dati.

Hindi nagkamali si Angeline. Ngayong okay na si Phillip, hindi na siya kailangan. Hindi na, dahil wala nang silbi ang handrail. Kayang-kaya na nitong mabuhay uli na walang kinakapitan—ibig sabihin, tapos na ang role niya sa buhay nito.

"Naging okay siya after three years," si Angeline, para sa sarili na lang. "Nakalimutan na niya lahat. I wish, ako rin. Pero bakit hindi, Bal?"

"Sa akin talaga nagtanong?"

"Eh, 'di ba, lagi ka naman mas maraming alam kaysa sa akin?"

"Kasi nga, na-fall ka!"

"Pero three years na, 'di ba? Ba't 'di nawala?"

"Naging okay ka naman, Ate," sabi ni Ana May busy na mag-check ng mukha sa salamin. "Okay tayo. Happy ka sa life mo, busy ka sa business, tahimik ang heart mo—nagulo lang talaga ngayon."

"Ganoon exactly," sabi naman ni Angeline. "Three years na tahimik ang puso ko, 'tapos ilang seconds lang, basag ang katahimikan, Bal. Ganoon ang effect niya!"

"Napana ka ni Cupid."

"Pero wala na dapat, 'to! Three years na!"

"As if maipipilit mong mawala. Walang way para hugutin 'yan paalis sa puso, Ate. Kung may nabebenta nga na pang-hugot, for sure, laging sold out. Ang daming gustong hugutin ang mga unwanted feelings nila."

"Ikaw din ba?"

"Kanino pa ba ako magmamana?"

"'Got you! May crush ka na 'di ka crush? Walang effect ang pagiging famous mo?"

"What can I do? Friend ko ang crush. Ang sakit, bes. Cruel world."

Si Angeline naman ang tumawa. Nilingon siya ng kapatid at inirapan.

"Pretty ka naman at famous, Bal—"

"Hindi pa rin ako mahal."

"Mahal agad? 'Di naman tayo ambisyosa niyan? Sana man lang dumaan sa crush muna 'di ba?

"Same lang 'yon, Ate. Do'n din naman mapupunta."

"Ang advance masyado."

"So ano'ng plan mo kay sad eyes?"

"Plan? Wala! Ba't kailangan ng plan? May sariling buhay 'yong tao. I'd just wish him happiness and good life."

"With someone else?"

"Ano pa nga ba?"

"Love hurts, eh?"

"Yeah. Love hurts."

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon