8. Hidden Truth

49 7 4
                                    

NANIWALA na ako na galing nga sa laro ang pera ni Amart. Nag-explain naman siya at pilit kong inintindi. Binanggit ni Amart na player din na taga-ibang bansa ang nag-transfer ng pera sa account ng pinsan namin. Tinawagan ko ang panganay ni Tito Lio, nag-confirm siyang may pumasok nga na pera sa account niya para kay Amart. Pinatunayan din niyang may mga kumikita talaga sa Dota basta daw magaling, ma-diskarte or sikat ang player. Pareho lang sila ni Amart ng binanggit na mga ways para kumita.

Naging at peace na ako. Hindi ko na naisip na nang-i-scam online ang kapatid ko para lang matulungan ako sa mga bills namin.

Pero nang mga sumunod na buwan, hindi na lang five thousand every month ang dala ni Amart pag-uwi o kaya ay naka-deposit sa bank account ako 'pag busy siya—ten thousand na!

May tiwala ako sa kapatid ko pero nagdududa na rin ako. Nag-google ako. Totoo nga na may ways para kumita sa Dota. Hindi sumasali sa tournament si Amart kaya sure akong hindi prize money ang pera. Busy siya sa shop at sa school. Kung taga-ibang bansa ang player na ka-transaction niya, posible ang malaking amount dahil sa value ng peso. Pero duda na ako talaga sa buwan buwan na pag-aabot ni Amart ng ten thousand. Hindi siya full time player para makapag-focus sa kung ano man na mga ibinebenta niya sa co-players niya.

Saan galing ang pera ni Amart?

Mas nagduda ako nang magpasa ng impormasyon si Ana May galing sa isang kaklase na player din daw. Mga super gagaling lang daw na player ang puwedeng kumita regularly. Kung average ka lang at hindi rin sikat, one time lang or kung maulit man, hindi buwan buwan unless ang Dota na lang ang focus mo at wala nang iba pang ginagawa.

Hindi ganoon si Amart. May work siya sa shop at may mga inaasikaso rin sa sa school, ibig sabihin, sa free time lang siya nakakapag-dota. Paano naging posible ang ten thousand every month?

Mas kinabahan ako nang sabihin daw ng player din na classmate ni Ana May na baka 'iba' na ang ibinebenta ni Amart. Nag-flash sa utak ko ang mga kabataang napapatay sa drugs—involve man o inosente. Nag-worry na na talaga ako. Tinawagan ko na si Amart na umuwi para mag-usap-usap kami nang seryoso.

Kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko nga lang naisip na idinamay lang pala ni Amart ang Dota. May iba siyang source ng perang inaabot sa amin ni Ana May...

MAY kabog sa dibdib ni Angelino Angeles. Nasa sulok na mesa siya ng isang kilalang fast food chain. Sa ilang buwan ng pagmamasid na hindi pa rin siya makalapit kay Art Marty, at maging numero nito ay hindi pa rin maibigay sa kanya ng kapatid sa maraming dahilan, sinubukan na niya ang isa sa huling dalawang paraan na plano niyang gawin bago pa man magtapos ang klase. Hindi talaga niya balak paabutin sa susunod na pasukan ang planong paglapit. Kabado man at may takot sa puso, kailangan niyang subukan. Hindi na siya maaring basta na lang maghintay. Maraming taon na siyang natakot. At dalawang taon na siyang pinigilan ng tadhana. Ngayong nakakalakad na siya nang maayos-ayos, hindi na niya palalampasin ang pagkakataon.

Isang hatinggabing hindi na naman siya makatulog, nagpadala siya ng private message sa kanyang bunso. Gamit niya ang bagong gawang Facebook account. Ang dati niyang account, napalitan ng password ng late girlfriend niyang sobrang selosa at na-deactivate pa bago ito naaksidente. Bilang amang nakagawa ng mga pagkakamali, kapal ng mukha na lang at kagustuhang makita ang mga anak ang pinanghahawakan niya. Tatanggapin niya ang galit at panunumbat kapalit ng maikling oras na makita niya ang tatlong anak. Kung hindi na posibleng magsama-sama sila, malapitan man lang niya ang mga ito at mahawakan nang maikling oras, sapat na. Hindi man siguro interesado ang mga ito sa balitang buhay siya, sapat nang makita ng tatlo na hindi man siya kasing lakas ng amang handang protektahan ang mga anak, may kakayahan pa rin naman siya. At kung bibigyan siya ng pagkakataon, ibibigay niya lahat ng natitirang mayroon siya.

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon