14. Present

79 9 7
                                    

Three years later...

(MGA TAONG NAGBABALIK AT ANG HINDI MAPIGILANG PAGBABAGO)

CHANGE, ito lang daw ang permanente sa mundo. True. Lahat nagbabago, walang hindi. Pangit o magandang sitwasyon, nag-iiba. Walang nag-stay sa kung ano ito dati. Nagbabago't nagbabago.

"Love!" with passion ang pagsigaw ni Ana May. Hindi daw nagbabago ang love. Tama ba? Mali. Nagbabago rin. Ang boyfriend na super mahal mo, 'pag naging ex na, wala na. Ang hirap man, makaka-move on pa rin ang nagmahal at nasaktan. Ang mga super in love? Hindi rin permanent 'yan. Sino'ng may sabing habang-buhay ang kilig? Ang 'feeling lutang?' Sa umpisa lang 'yan, sa first stage ng relationship. 'Yan 'yong mga araw na hanggang dawn ang text or phone calls. 'Yan 'yong time na parang hindi makahinga 'pag hindi magkasama ang couple. 'Yan 'yong time na lunod na lunod sila sa saya at kilig. Forever ba? Nope! 'Pag lumipas na ang kilig na 'yan, simula na ng real challenge. May selosan na. May argumento na. May away na. May mga nakikita nang mali sa isa't isa. Marami na ang mga pagdududa. Paulit-ulit na ang mga issues. Ia-accuse na ang isa't isa na nagbago, na may pagkukulang, na may third party ('oh, well, meron talaga 'yung iba, like my ex, beshy!) What's next? Ano pa, eh 'di alam n'yo na!

'Lang poreber! Ang pambara ni Amart sa hopeless romantic na yatang bunso namin. Nineteen na ang kambal at parehong nasa college. Nasa iisang school na sila. Si Ana May, mas pinili ang business course. Si Amart, Information Technology. Sa holidays, weekend at summer, kasama namin ni Papa ang dalawa. Si Ana May, in charge sa online store. Siya kasi talaga ang hinahanap ng mga buyers. Si Amart, all around boy namin ni Papa. Mas nauna pang matutong mag-drive si Bab kaysa sa akin.

Ang plans ko noon, natupad lahat. All out kasi si Papa sa support. Siya ang pinaka-unang teacher ko sa kitchen bago pa man ako nag-resign. Pagkatapos ng paulit-ulit naming cooking sessions, pinag-enroll niya ako sa Culinary School—six months. Alam daw niya ang sariling galing pero iba pa rin ang dumaan sa Culinary school. After six months, saka kami nag-start sa catering business. Maliliit na events lang ang tinatanggap namin at lahat ng clients, super satisfied. Mutual decision namin ni Papa na hindi tumanggap ng malakihang event sa first two years. Sa third year, kailangan na talagang mag-expand. Two months ago, binuksan na namin ang East A's restaurant sa Valenzuela. Twenty minutes away lang sa bahay. Sa kitchen na ng East A's ang 'war' sa bawat event, hindi na sa kitchen ng old house ni Lola Yeng.

For three years, naging okay sa amin ang change. Si Mama na nagulat nang malaman na kasama na namin si Papa. Pero wala naman nang ibang sinabi kundi best regards. Ang apartment na pinaghahatian namin dati ni Tita Munic ang rent, inutos ni Papa na ibigay na kay Tita Munic lahat. Ang mga naipundar ni Papa sa mahabang panahong wala siya sa Pilipinas, sapat para suportahan kami. Ang binti niyang mahina dati, mas okay na ngayon. Hindi pa rin normal ang lakad niya pero wala nang tungkod.

Pero wait lang, change and love ang topic dapat na sine-share ko, 'di ba? Kung saan saan na tayo umabot.

Back to love, si Geof, hindi pa rin nagsasawang manligaw. Paulit-ulit ko na siyang sinabihan na hanggang friends na lang kami, ayaw pa rin paawat. Three years na siyang lulubog lilitaw sa bahay. 'Pag busy sa trabaho, hindi nagpaparamdam pero kapag bumalik, consistent sa pagiging 'nagpapa-impress' na suitor.

Siguro, magtatanong kayo, kumusta na ang puso ko?

Tahimik.

Yes, tahimik—bago dumating ang isa na namang unexpected twist sa story ko...

"LAST na lang, 'to 'Pa, rest na tayo," si Angeline na kumapit sa braso ng ama. Sunday ang event na iyon. Hindi sila tumatanggap ng event 'pag Sunday pero dahil kaibigan ang client, tinanggap ni Angeline at in-approved naman ng ama.

Ang client, si Alisha, na after mag-resign noon, saka niya nalaman na rich kid pala kaya bratinella. Birthday ng baby nito kay Mr. Lee. Hindi nag-end up together ang dalawa gaya ng inaasahan ng lahat. Single Mom si Alisha pero ang laki ng nagawa ng baby sa maturity nito. Kahanga-hanga ang transformation ng dati niyang officemate. Mula sa childish bratty na puro ganda lang ang focus at laging naka high heeled shoes and stilettos, naging responsible mother si Alisha. Nalipat sa baby ang focus nito. At hindi kapani-paniwalang hindi nag-boyfriend ni isang beses mula nang nagka-baby.

Nakangiting sinalubong sila ni Alisha. Sa garden ng two-bedroom house nito sa isang subdivision sa Caloocan ang venue ng event. "Hi, baby," bati niya sa karga karga nitong celebrant. Ang laki ng hawig ng baby ni Alisha sa ama. "Set up na namin 'yong cake," nakangiting sabi ni Angeline sa kaibigan. Four layers ang cake kaya hindi nila madadala nang hindi nade-deform sa biyahe. Sa mga ganoong event, sa mismong venue na nila inaayos. Ang mga layered cake ang nag-iisang hindi pinapakialaman ni Angeline. Wala siya kahit half lang sa galing ng ama sa cakes. Paminsan-minsan na lang din tumatanggap ng cake orders ang ama. Nasa food lang talaga ang focus nila. Pero dahil kaibigan si Alisha, pati ang happiness cupcakes na bestseller nila sa dessert, ginawa pa rin ng ama. Ang happiness cupcakes ay inspired ng emotion cupcakes na natikman niya sa Corazon.

Two hours pa bago ang event kaya may sapat silang oras. Hindi aabot ng one hour, tapos na sila. Nag-assist siya sa ama hanggang nabuo nito ng perfect ang four layered cake.

"Done," sabi ng ama, may mga namumuong pawis sa noo at sentido. Si Angeline na ang nagtuyo ng pawis nito gamit ang panyo. "Makakauwi na rin."

"Mag-invite man ako, sure akong hindi na kayo kakain," sabi ni Alisha nang balikan sila.

"Rest day namin ngayon," sabi ni Angeline na nakangiti. "Special client ka lang talaga."

"I know," niyakap siya ni Alisha. "Thank you so much! Tito Lino," At niyakap din nito ang Papa niya. "Thank you."

Ngiti at tango lang ang reaksiyon ng ama. Sinamahan na sila ni Alisha palabas. Pero bago umabot sa gate, parang biglang may naalala. "Five minutes, Tito," sabi nito sa Papa niya. "May future client pala sa dining. Nawala sa isip ko," at hinila na siya pabalik uli sa venue at papasok sa bahay nito. "Hinahanap ang East A's staff," si Alisha ka kanya. May mga boses agad na narinig si Angeline. Mga boses lalaking nag-uusap. May special guest yata ang kaibigan. Mas nauna sa party ang lunch sa dining.

Pagdating nila sa dining area, magkakasunod nang tumayo ang apat na lalaking halatang parte ng corporate world. Katatapos lang yata kumain. Dalawa ang nakaharap sa puwesto nila—ang Daddy ni Alisha at isa pang lalaki. Mas mukhang nagmo-model ng corporate attire kaysa parte ng corporate world. Guwapo. 'Yong guwapo na parang anghel. Maamo ang rehistro ng mukha. Businessman ang ama ni Alisha kaya malamang, mga young businessmen ang mga kasama nito nito sa mesa. Hila-hila siya ng kaibigan palapit sa mga nagtatangkarang bisita nito. Nanliit si Angeline sa sarili. Noong nagsabog ng height ang Diyos, nasa labas siguro ang mga lalaking ito. Five feet two inches naman siya, ah. Bakit parang hindi man lang siya umabot sa balikat ng mga bisita ni Alisha?

Paalis na sa dining ang tatlo—ang ama ni Alisha at ang dalawa pang parang mga modelo ang dating. "Crush, we're here," pinigilan ni Alisha ang naiwang isa pang lalaki—ang bukod tanging naka-faded maong jeans at light gray jacket. Nakatalikod pa ito, busy sa cell phone ang isang kamay, may hawak na happiness cupcake ang left hand. Malapad na likod at balikat, clean cut hair—'yon pa lang ang napansin ni Angeline. "Friend ko na ang bahala sa cravings mo ng happiness cupcakes."

Ibinulsa ng lalaki ang phone bago sila hinarap—na ngumunguya pa ng happiness cupcake.

Tumigil ang mundo ni Angeline nang magtama ang ang mga mata nila.

Phillip...

Si Phillip Latorre na clean cut ang gupit ng buhok at may defined stubble ang nasa harap niya. Three years pero walang nagbago. Ang mukha pa rin na lagi niyang naalala, at ang mga matang...mga matang nagpapabilis ng heartbeat niya.

Ramdam ni Angeline ang parang pagpitlag bigla ng kanyang puso nang ngumiti si Phillip.

"Si Phillip, isa sa engineers ng Valle Construction," si Alisha sa kanya. "Phil, si Geline, prinsesa ng East A's at brain ng happiness cupcake."

"Hi."

--- :) ---

Note: Free at complete na naka-post ang An Encounter To Love--para sa mga curious kung sino ang dalawang greek god na kasama ni Phillip. 😁

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon