2. Home

100 5 4
                                    

"ATE!"

Beso sa magkabilang pisngi at sobrang higpit na yakap ang salubong ni Ana May kay Angeline. "Sabi ko nga, eh. Overseas talaga ang one week vacation ko. Overseas! Overseas—Bal!" at nauwi sa tawa nang inulit na naman ng kapatid ang pag-beso. Hindi pa na-kontento, hinawakan ang mukha niya para titigan.

"Lips, ayos lang," at bumaba sa leeg niya ang titig. "Walang kiss mark—ouch!" hinampas ni Angeline ang lukaret na kapatid.

"Hindi kami nag-sex, hoy! Dumi ng utak mo talaga!"

"Ano lang ang ginawa n'yo?"

"Wala!" binitbit niya uli ang duffel bag para itabi, kasunod ang pagbagsak ng sarili sa upuan. Agad agad siyang naglatag ng mga binti sa sofa.

"Wala? Wala?"

"Wala kang malalaman!" sabay ngisi sa tsismosang teenager. "Balik ka na sa room mo. Matutulog na rin ako agad—"

"May promise kang kuwento, Ate!"

Sinundan na lang ng tingin ni Angeline si Ana May. Pagkapasok nito sa kuwarto, sa bahay naman umikot ang tingin niya—ang mga pamilyar nang spaces at corners, ang wall, ang ceiling, ang furnitures at fixtures, ang mga indoor plants, ang mga paboritong painting ni Lola Yeng...

Ah, home. Nakabalik na ako talaga...

Pumikit siya at nag-exhale. Ang dilim sa isip ni Angeline, napalitan na naman ng liwanag. Nakita na niya ang sarili sa beach, nakangiting tumatakbo, open arms, playful niyang sinasalubong ang hangin—bigla siyang hinuli ni Prince—ni Phillip.

Ang linaw ng tunog ng mga boses sa isip ni Angeline—masayang tawanan. Seconds later, dalawa na silang nasa beach, naghahabulan na parang mga bata...

At nahuli siya ni Phillip.

Sunrise, nakaupo sila sa seashore. Naka-back hug sa kanya si Phillip. Pinapanood nila ang perfect view ng sunrise...

"Sa Kiltepan Peak o dito, ang ganda talaga ng sunrise, 'no?"

"Parang ikaw."

"Humirit talaga ng bola sa last day? Gulay ka ba?"

"Hindi. Gabi ako."

"Bakit?"

"Kasi ikaw ang araw."

"Naks! Puwede. Puwede na!"

"Ilang minutes ka pa puwede mag-stay?"

"Mga thirty minutes pa."

"Thirty minutes? Dito ka..."

At naramdaman niya ang warmth ng yakap.

"Bakit feeling ko magna-nap ka?"

"Shhh. Twenty minutes lang."

"Hindi nga?"

"Mga one hour lang akong nakatulog sa rooftop."

"Ano lang ang ginawa mo?"

"Naghintay ng shooting star."

"May dumaan?"

"None, but it was okay. I held the sun in my arms."

"Ate Geline!"

Napapitlag si Angeline, naputol ang scene sa isip. Hinanap ng mga mata niya si Ana May. Nakaangat ang kilay ng kapatid nang magtama ang mga mata nila. "O, ano?"

"Pasalubong ko?" si Ana May at ngumisi. "Please, 'wag keychain!"

Ang lapad ng ngiti ni Angeline. "Alam mo agad eh, 'no?"

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon