12. Papa Stranger

49 6 4
                                    

"ATE! PAPA!"

Muntik nang mabitawan ni Angeline ang hinuhugasang plato. Nasa lababo siya at naghuhugas ng mga pinagkainan nila. Ang ama na naghanda ng dinner kaya may matinong pagkain pagdating niya galing sa office, nakaupo sa isa sa mga wooden chair sa dining. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa trabaho niya at sa paglipat ni Amart sa apartment nito. Hindi na gusto ng ama na magtrabaho pa ang kapatid sa computer shop ni Tito Lio. May dalawang buwan na lang naman at tapos na ang klase. Malapit na silang magsama-samang pamilya.

Nasa gitna sila ng kuwentuhan nang biglang dumating si Ana May na parang may emergency. Hawak nito ang sariling cell phone.

"Bal, ano na naman 'yan?" si Angeline sa kapatid. "Hindi sanay si Papa sa mga baliw-baliwan moments mo, 'wag kang nanggugulat—"

"This is it, Ate! This is it pancit!" at tumawa nang tumawa na may kasama pang talon. Hindi pa na-kontento, tinakbo siya at nag-back hug. "Natupad na ang dream ko!" biglang bumitaw sa kanya at niyakap ang ama. "Ikaw ang lucky charm ko, Pa!"

Napangiti na lang din ang ama nila pero obvious na walang naitindihan. Niyakap lang si Ana May. "Lucky charm?" ang ama nila na niyuko si Ana May. "Ano'ng contribution ng pilay na Papa mo, bunso?" hinalikan nito sa buhok si Ana May. Si Ana May na parang lutang na sa saya.

May naramdamang init sa puso si Angeline habang pinapanood ang ama at kapatid na ganoon. Pakiramdam niya, ang parang malaking space na blank sa bahay nila, napunuan na. Parang ang laking nag-iba sa bahay nang nakasama na nila ang ama.

"Look, Pa, viral na! Ang daming likes, comments at shares. Twenty four hours pa lang 'yan!" inilapit ni Ana May sa ama ang cell phone na hawak. "Kuha ko 'yan lahat. 'Ganda 'di ba? Ang saya lang!"

Lumapit na si Angeline para makisilip rin kung anong post ang sinasabi ni Ana May. Sa dami ng mga pinopost nito, hindi na niya alam kung alin ang nag-viral.

"Ano'ng post ba?"

Inilapit ni Ana May sa kanya ang cell phone.

MY PAPA STRANGER, ang nakita ni Angeline sa itaas ng uploaded photos ni Ana May na more than ten. Kasunod ng all caps na 'My Papa Stranger', ang mahabang kuwento ni Ana May tungkol sa amang naisip nitong wala na. Hindi muna binasa ng buo ni Angeline ang kuwento, bumaba ang tingin niya sa mga picture. Silang buong pamilya pala ang bida. Sa van, sa labas ng rest house, sa dining, kasama ang unang picture nila na magkakasama, selfie ni Ana May kasama ang ama at ang isang solo picture na nakatalikod ang Papa nila, nakatitig sa foggy view, hawak ang tungkod na sumusuporta sa mahinang paa. Sa caption ng solo picture ng ama, nakalagay ang: A leg that leads home...

Napanganga si Angeline nang makitang sunod sunod na parang hindi natatapos ang mga comments. Padagdag rin nang padagdag ang libo-libong bilang ng likes at shares. Kinagat ng netizen ang kuwento ni Ana May tungkol sa nagbabalik na ama.

"Natupad na ang dream mong mag-viral," si Angeline sa kapatid. "Sikat ka na, Bal. Ikaw na."

"Sikat ka na rin, Ate!" ang kapatid niya at tumawa. "May nag-comment nga na artistahin ka daw. 'Di ka ba nag-check ng FB mo?"

"Three days ago ang last log in ko. Walang time." Tumalikod na siya para balikan ang mga hinuhgasan sa lababo. Tumunog ang text alert ng cell phone ni Ana May.

"Si Amart 'to. Dami na daw niyang new fans. Feel na feel ng loko ang pagiging famous. Feeler!"

"Alam na agad ng netizens ang FB ni Amart?"

"Hello, naka-tag kaya kayong dalawa—"

"Naka-tag!" ang lakas na nasabi ni Angeline, binitiwan ang basong kakahawak lang. Bumalik sa tabi ni Ana May at ng ama. "Oh my...no!"

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon