3. Brother

74 5 2
                                    


TEN thirty PM, nasa kuwarto pa rin si Angeline. Handa na siyang tawagan si Amart. Close na ang computer shop ni Tito Lio nang ganoong oras. Si Amart, nahulaan na niyang nagbababad pa sa games na kinababaliwan. Hindi nga lang nakalusot sa kanya ang kapatid nang gabing iyon. Natakot sa banta— na siya mismo ang pupunta sa bahay ni Tito Lio para magtanong. Nag-set ng oras si Amart na puwede na siyang tumawag.

"Amart?" agad na tinanggap ng kapatid ang tawag niya. "Nagi-games ka pa rin?"

"Hindi na, sungit! Sa bahay ka na? 'Musta ang gala?"

"Okay naman. Nag-enjoy ako. Ikaw diyan?"

"Ayos ako! Hindi na ako bata, Ate. Kayang kaya ko na 'to. 'Wag mo na akong isipin."

"May hindi ka sinasabi sa akin?"

"Ano naman? Wala!"

"Meron."

"Wala, Ate!"

"Meron."

"Ano nga?"

"Pictures na nakita mo daw—sabi ni Ana May. At makita mo rin siya na nasa kotse? Totoo ba?"

"Daldal talaga ni maldita. Sabi nang 'wag nang sabihin, eh—"

"Gusto ko ang version mo mismo."

"Wait lang, Ate—"

"'Wag mong ibababa, Amart!"

"Advance mag-isip," sabi ni Amart at tumawa. "Magla-lock lang ako ng pinto, sungit!"

"Okay."

Stay-in sa computer shop si Amart. Ang duty ng kapatid, pagkatapos ng school hanggang closing time. Sa holidays at weekends na hindi umuuwi sa kanila, whole day ito sa shop. Ang pagkain ni Amart, hinahatid na lang ng maid ni Tito Lio. Mga ten minutes walk lang naman ang distansiya ng bahay at ng computer shop.

"Ate?"

"Okay na? Safe na? Wala nang makakarinig?"

"Patayin ko lang ilaw para 'di ako kita sa CCTV," sabi ni Amart. "Baka mag-isip na naman ng kung ano ano si Tito Lio. Sermon na naman ang almusal ko bukas."

"Sermon ang almusal mo? Lagi ba 'yan? Ano'ng kasalanan mo?"

"Minsan, nakakalimutan kong i-off ang wi-fi or nakita niyang nagi-games pa rin ako hanggang alas dos. Minsan naman, advance lang talaga siya mag-isip. Nagse-sermon na sa kasalanang 'di ko pa nga ginawa."

"Okay ka lang ba talaga diyan?"

"Oo naman, Ate. Ako pa ba? Kayang kaya ko 'to."

"Basta 'pag nahirapan ka, 'Mart, sabihin agad kay Ate, ha? O kaya, uwi ka agad. Wala naman tayong utang kay Tito Lio para pilitin ka niyang magtrabaho. Kakayanin naman natin na nandito ka. 'Di mo kailangan mahirapan diyan."

"Nagda-drama ka, sungit?" at tumawa. "Okay nga ako. 'Wag ka nang OA."

"Hindi ako nagda-drama, 'uy! Seryoso ako. Tandaan mo'ng mga sinasabi ko."

"Tanda ko lahat," sagot ni Amart sa malakas na boses. "Ako pa ba? Basta chill ka lang. Okay ako dito."

"Sabihin mo na ang gusto kong malaman. 'Yong sa PM muna. Ba't mo naisip na siya?"

"Parang siya talaga. May bigote lang..."

"Na-check mo 'yung profile ng sender?"

"Babae. May isang picture na public—parang nasa ibang bansa. Wala silang dating convo ni Tito Lio. Wala rin ibang message na kasama sa picture. Parang ginamit lang talaga ang account para mag-send ng picture."

"Wala ka nang ibang nakita?"

"Bumalik na si Tito Lio, muntikan na nga akong mahuli. Kung wala lang iyon, bakit pa siya nagtanong na parang may hindi ako dapat makita sa FB niya?"

Hindi na nagsalita si Angeline. Ano ba ang dapat at tamang sabihin sa teenager na kapatid na mula bata pa, naghahanap na lagi ng ama? Nine years old si Amart noon, sa isang activity sa school na dapat ay kasama ang parents, iyak nang iyak ito. Nagtatanong kay Lola kung bakit wala ang ama nila. Kung bakit kailangan nito na maging exempted sa game sa dalawang dahilan: Baka tumaas ang BP ni Lola Yeng kapag napagod. Walang partner sa game si Lola Yeng.

Gustong maranasan ng batang Amart ang may ama—o kahit father figure lang, ang naisip rin na dahilan ni Angeline kaya hindi napigilan maski ng Mama nila ang paglipat nito sa poder ni Tito Lio.

"Amart, makinig ka," si Angeline pagkatapos ng katahimikan. "'Wag umasa, ah? Alam mong masakit ang ma-hopia. Parang do'n sa crush mo—"

"Walang sakitan ng feelings, sungit! Nang-aano ka, eh!"

Magaang tumawa si Angeline. "Hindi nga, seryoso! Minsan, nakikita natin na totoo ang isang bagay kasi iyon ang gusto nating paniwalaan. 'Wag mo nang masyadong isipin muna 'yan. Focus sa work at sa school, okay?"

Hindi umimik si Amart. Ang pag-exhale ng kapatid ang narinig niya sa kabilang linya.

"Ate?"

"O? Haba ng exhale mo, ah?"

"Ni minsan ba, 'di mo naisip na sana may tatay tayong buhay?"

"Maraming minsan, 'Mart..." si Angeline naman ang napa-exhale. "Pero wala, eh. Mabigat lang sa puso kung laging iisipin."

"Kung buhay siya, ano'ng mangyayari, Ate? Kung—"

"Hindi siya buhay kaya 'wag na natin isipin 'yan," agad putol niya. "Sige na, rest ka na. 'Wag ka nang mag-games. 'Tulog mo na lang ang mga natitirang oras, inuubos mo pa sa computer. Mabilis na lalabo 'yang mata mo."

Hindi na umimik si Amart, tinapos na lang ang tawag. Ibinagsak na lang ni Angeline ang katawan sa kama. Ang tagal na nakatutok lang sa kisame ang tingin niya. Agad agad ang ginawa niyang 'pag-walis' ng mga negative thoughts na nagbabalik na naman sa utak niya. Hindi na talaga niya gustong magbitbit ng bigat. Mas pipiliin na ni Angeline na maging magaan lagi ang puso.

Hindi na welcome ang negative thoughts sa utak niya.

Inhale-exhale. Inhale-exhale, Geline!

May bagong natutuhan si Angeline—when you don't know what to do, just breathe. Natutuhan lang niya 'yan no'ng nasa bus na siya pauwi. May epekto pala talaga sa pakiramdam ang sunod-sunod at tamang paghinga.

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon