5. Reality

72 5 1
                                    

SA scene na iyon nag-start ang continuation ng journey ko sa firm. Nakabalik na ako talaga sa dati, sa buhay na ginusto kong takasan ng one week. Naroon na naman ako, sa reality ko na hindi perfect pero ang dami pa rin naman ang dapat kong ipagpasalamat. Focus na lang ako sa blessing—una na, naging maayos pa rin kaming tatlo mula nang mawala si Lola Yeng. Healthy rin kaming magkakapatid. May work pa rin ako, at safe kaming lahat na nakakauwi sa bahay sa bawat pagtatapos ng araw.

Sa short scene namin ni Alisha that day, may na-realize na naman ako: Na iba-iba talaga ang timeline ng bawat tao. Sa one week na nagdaan na nasa magkaibang lugar kami ni Alisha, pareho ang oras sa bawat araw pero magkakaibang experiences ang mayroon kami. At sa pagtatapos ng huling araw, magkaiba rin ang dala namin sa pagbabalik sa mga realities naminako, memorable scenes and realizations, at may bagong taong nakilala; habang si Alisha naman ay pain at heavy heart ang bitbit, at may taong nawala sa buhay niya.

Magkakaiba talaga ang journey ng bawat tao. At walang ibang maglalakad nang katulad ng kung paano natin lalakaran ang way na laan sa atin kundi tayo rin lang.

And each of us has a unique journey...

"ANO'NG say mo, Ate?"

Pagkapasok ni Angeline sa front door galing sa pakikibaka sa traffic pauwi—na hindi niya ma-explain kung bakit palala nang palala, sinalubong siya ni Ana May. Naka-full make up ang maarteng teenager. Sa wall clock muna napatingin si Angeline. Ten minutes na lang, eight PM na. Five PM ang labas niya ng office. Sinasayang ng two hours na traffic ang two hours sa buhay niya everyday!

Ang sarap mag-rant at mag-complain nang mag-complain pero hindi na. Sayang ang energy. Nag-change mindset na si Angeline. Naisip niya rin, hindi rin naman mababago ng rant at complain ang sitwasyon. So, ano ang silbi? Wala 'di ba? Stress lang. Mabigat sa puso kaya huwag na. Focus na lang sa mga nagpapasaya—like, hmn?

Ang sister ko.

In fairness kay Ana May, mas gumagaling mag-makeup. Nag-start lang ang kapatid niya sa walang kapagurang panonood ng makeup tutorials, ina-apply sa sarili nang paulit-ulit at oo, aminin ni Angeline na pagdating sa pagpapaganda ng sarili, may talent talaga si Ana May, something na wala siyang interes. Siya, face powder, blush on at lipstick lang ang baon. Okay na siya sa buong araw.

Napatitig uli siya sa mukha ng kapatid. Fifteen lang si Ana May at may galing na talaga. Years of practice pa, baka maging celebrity makeup artist na ang kikay nilang bunso.

"In fairness, ah..." sabi ni Angeline at ibinagsak ang sarili sa sofa sa living room. Inhale-exhale muna siya nang ilang ulit. Just breathe, paalala niya sa sarili. You're not alone in this battle, Geline. Isa pang inhale-exhale. Alam niya na sa halos lahat ng bahay sa parteng iyon ng mundo, may isang family member ang gaya niya—pumasok nang maaga, hinarap ang trabaho maghapon, nakibaka sa traffic pauwi at halos ubos na ang energy nang sa wakas ay nagawang umupo sa living room. Pagod, oo, pero gaya niya rin, matutulog lang nang ilang oras, babangon uli kinabukasan at gagawin na naman ang ginawa ngayong araw. Pagod pero hindi susuko. Hindi susuko kasi may rason para bumangon uli sa umaga at magpatuloy—ang realidad ng maraming gaya niya. "Ang ganda. Mas gumagaling ka, Bal."

"Of course!" ang proud niyang kapatid, mas nagningning ang mga mata. "Nag-attend kasi ako ng workshop ng pro, Ate!"

Nawala bigla ang ngiti ni Angeline. "Nag-cutting class ka?"

"Grabe siya! Ang sama agad mag-isip. 'Di 'no? After class naman. May free pass 'yung friend ko. Sister niya kasi ang friend ni Miss Laya."

"Sino si Miss Laya, celebrity makeup artist?"

"Mga models daw ang clients niya dati, sa mga photoshoot. Super sikat siya sa online tutorials ngayon. Ang galing, eh. A few years from now, magiging gaya niya ako, Ate, promise! Kayang kaya kong gawin ang ginagawa niya. Sisiw lang. Look o? 'Di ba ang perf?" umikot-ikot muna si Ana May sa tapat ng sofa bago inilapit sa kanya ang mukha. "Ganda 'no? Gawin kitang model sa off mo. Try ko sa 'yo 'to. Day makeup lang 'to, ate!" At nag-pout pa. "Sayang nga, eh. May discount 'yong ini-endorse niyang product na bet ko. Hashtag poorita prob! Wala akong pambili."

"Ano'ng ginamit mo diyan sa face mo?"

"Mga dati pa rin. In-apply ko lang 'yong natutuhan ko." At ngumisi. "Galing ko 'no? Ganda 'di ba?"

"Ganda nga. Magkaka-budget ka rin para sa mga gusto mong brands. Tiwala lang, Bal. Nagluto ka na ng dinner? Baka inubos mo lang ang oras sa internet—"

"Ako pa ba? 'Lam kong gutom ka na kaya may food na!"

"Ano'ng ulam?"

"Corned beef."

"De lata lang tayo kahapon, ah?"

"Beef loaf 'yon."

"Same beef sa lata."

"May iba ngayon, Ate."

"Ano? Baka sinigang mo na ang corned beef, loka!"

Ang lakas ng tawa ni Ana May. "Grabe ka sa akin, Ate!"

"Ano nga ang iba?"

Ngumisi si Ana May. "May itlog maalat with kamatis at may steamed kamote tops. Ang mahal nga lang ng bilihin. Two days na allowance ang nagamit ko, Ate."

"'Palitan ko na lang."

"Bumili din kasi ako ng saba at kamote for breakfast. Nagmahal pati bigas, Ate! 'Wag na tayo mag-rice sa breakfast. Paano ka pa mag-aasawa niyan?"

"Food muna ang problemahin natin bago ang asawa, Ana May—o-oh! Shut up. Shut up ka na lang!" dugtong niya agad nang nagbuka ng bibig ang kapatid para magsalita. Nahulaan na agad ni Angeline kung sino ang babanggitin nito.

Nag-zip naman ng bibig ang naughty teenager. "'Sunod ka na! Kain na tayo!" sabi nito nang tumalikod na. "Sasabihin ko lang naman na hinanap ko siya sa social media—"

"Ana May!"

"Wala naman nga akong nahanap! Chill ka lang!" at tumawa na nang-aasar pa. "Gising na naman agad ang puso mo, eh!"

"Ana May!"

"Kalma! Kalma, okay? Kain na tayo, dali!"

Hindi pa dapat babangon si Angeline pero gusto niyang hilahin ang buhok ng teenager na wala nang ginawa kundi ipaalala sa kanya si Phillip Latorre.

Pero natigilan rin siya mayamaya.

Kumusta na nga kaya si Phillip? 

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon