"Preskong bulaklak para sa aking binibini."
She bit her lips as she accept the flowers from Jeimx. Pinipigilan niya ang pagngiti sabay amoy sa bagong pitas na bulaklak.
"Salamat."
"At gatas para sa aking baby." He said and touch her bump as he handed her a glass of milk. Tinanggap niya iyon matapos ilapag ang bulaklak.
"Salamat ulit." Nakangiting saad niya.
"Anong salamat? Kiss gusto ko, 'ga."
Agad na nag-init ang pisngi niya. Hindi pang siya namula dahil sa hiningi nito kung hindi sa pagtawag nito sa kanya.
Pangga? Ano bang ibig sabihin 'nun? Wala siyang alam pero maganda sa pandinig, parang hinehele siya sa tawagang iyon.
"Lumapit ka." Sabi niya.
Ngising aso naman itong dumukwang papalapit sa kanya sa pag-aakalang hahalikan niya ito pero piningot niya lang ang tenga ng binata.
"Napaka-pilyo mo!"
Natatawang napa-igik si Jeimx pero pasimple naman itong humalik sa labi niya saka natatawang lumayo.
Nasa likod bahay sila, may maliit na hardin doon. She felt relax on her surrounding pakiramdam niya ay gugustuhin niyang manirahan dito.
Naramdaman niyang tumabi sa kanya ang binata. Tahimik lang ito mukhang pinapakiramdaman siya.
"Ako si Jeimx Amonte, and even tho how much I deny that a Phantom blood runs within me, I am a Phantom." Sabi ng binata.
Napalingon siya rito, nagulat.
Phantom... Kilala lang pamilya na 'yun, kaibigan ng pamilyang Benjamin. The Phantoms are rich and dangerous too, they're more dangerous than Sebastian but Sebastians has more legal deed and has competitive family.
"Phantom ka... Kung ganoon, bakit ka narito sa probinsya?" Marahang tanong niya.
"Hindi pinanagutan ng magaling kong ama si Mama. Masaya naman kami na kaming dalawa lang, 'yun nga lang may nagpakita sa 'kin na Uncle ko raw, at naghahanap raw si Papa ng tagapagmana."
"Anong plano mo?"
Jeimx sighed.
Nahulog ito sa malalim na pag-iisip saka napatingin sa kanya. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin, hindi niya kaya ang intensidad sa tingin nito.
"You're a heiress, Kat. As much as I want us to build a family here hindi pwedeng iwanan mo ang kompanya mo."
Naguguluhan siya sa sinabi nito. Anong kinalaman niya? Bakit naisingit siya sa usapan? But at the same time she felt happy because he's thoughtful, he understand her situation.
"Gusto ko rin dito, Jeimx. Pinag-iisipan ko pa kung iiwan ko ang kompanya para manirahan dito---"
"Huwag." Agad na pigil nito sa kanya.
"Ha?"
Jeimx held her hand.
"Makikipagsapalaran na ako sa siyudad. Tatanggapin ko na ako ang sasalo sa kompanya ng ama ko."
"Pero Jeimx..."
Ngayon pa man niya nalaman ang tungkol sa buhay ng binata pero kita niya ang pait sa mata nito ng sinabi nito ang tungkol sa ama. He doesn't want to meet his father but what makes him change his mind?
"Tama si Heizer Phantom, kahit pagbali-baliktarin ang mundo. Isa akong Phantom at mananatiling Phantom...At isa pa, ayaw kong isuko mo ang buhay mo doon, ako na lang ang dadayo."
BINABASA MO ANG
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
RomanceThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.