Pam and Jair

2.4K 94 29
                                    

"Sure ka na ba talaga sa 'kin?" Tanong niya kay Jair.

"Tsk! Sampung beses na tanong na 'yan. At nasa eroplano na tayo, ha. Isang tanong pa hahalikan na kita." Banta nito.

Nahihiyang tinampal niya ito sa braso dahil may nakarinig sa kanila.

"Ang negosyo mo? Tsaka tatlong buwan ako doon." Nag-aalalang sabi niya.

"May tauhan ako, nabilin ko na na ang 30% na income ay sa kanila. Apat na buwan tayo. 1 month ang honeymoon." Ngisi ni Jair.

"Totoo ba talagang papakasalan mo 'ko?" Paninigurado pa niya.

Jair sighed. Napasinghap siya ng hawakan nito ang mukha niya at siniil siya ng halik. Mabuti na lang at nasa first class seat sila. Namumulang tinampal niya ito.

"Jair!"

Ngumisi lang ang binata.

Bago sila bumiyahe. Naulit pa talaga ng tatlong beses. Kung hindi lang siya nag-aalala na mali-late sila ay hindi siya titigilan ni Jair.

"Masakit pa rin?" Masuyong tanong nito habang hinahaplos ang kanyang hita.

"Masakit pero gustong-gusto ko."

Jair groaned.

"Inaakit mo na naman ako, Pedro Ambrosio."

"Pam na nga!" Reklamo niya.

"Tsk. Ikaw pa rin ang Pedro Ambrosio ko." Sabi nito at ninakawan siya ng halik.

Nagharutan lang sila buong biyahe. Pagkarating nila sa Thailand, tumuloy sila sa hotel ng mga Benjamin doon. Nagpahinga muna siya bago sumabak sa opera.

"Be strong, okay? Aalagaan pa kita." Bilin ni Jair at hinalikan pa siya sa noo.

Tumango siya. Nagyakapan muna sila bago siya tumuloy sa operation.

The surgery felt so long. But she wanted this. Tiis ganda muna ang Lola niyo.

When the operation is done, doon sila sa hotel. Heilan shouldered all their bills when he's notified they're staying at their family hotel.

"Anong gusto mo? May gusto ka bang kainin?" Masuyong tanong ni Jair.

She---she...finally she's a woman. A transwoman. And Jair made her feel more like a woman because he knew this is what she wanted. Ang babaeng kaluluwang nakatago lang sa loob niya dati ay tila nakatakas. She felt free. She felt confident. Natupad na rin ang matagal niyang pinapangarap.

"Fruits, please." Paglalambing niya dito.

Jair nodded and left him. She's done resting and since Jair left, na-bored siya so nag-phone muna siya.

May nag-message sa kanya sa Messenger. Tumaas ang kilay niya ng makitang si Aljan 'yon. Ang kapatid ni Blair. Ang magkapatid na bully sa kanya dati.

Aljan:

Hi. Balita ko basa Thailand ka?

Anong kailangan nito? Mangungutang na naman ba? Dati n'ong hindi pa nagtrabaho si Jair sa kanya dahil nagsisimula pa ang binata sa negosyo nito kaya palaging nag-aaligid sa kanya si Aljan para mangutang. Dalawang buwan din 'yon pero natigil ng dumating si Jair.

Hindi niya mahindian si Aljan dahil natatkot siyang gamitan siya ng dahas. Ayaw niya rin ng gulo sa buhay niya kaya nagpapautang siyang hindi nababayaran.

Pam:
May importante ka bang sasabihin?

Aljan:
to naman parang walang pinagsamahan. Kayo na ba ni Jair?

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon