Childhood Sweetheart 7

8.3K 192 53
                                    

Nanubig ang kanya matang nakatingala sa binata.  Sinubukan niyang pigilan ang pagluha pero kusa ring tumulo mula sa mata niya.

Napahikbi siya at napatakip ng mukha. Naramdaman niya ang patayo sa kanya ni Long at niyakap siya nito.

"I'm sorry..." He apologized.

Hindi niya alam kung oara saan ang sorry na 'yun. Kung nag-sorry ba ito sa pang-iiwan nito dati o nagsosorry ito dahil iiwan na naman siya nito ngayon.

But that sorry made her calm down a bit.

"U-umalis ka na, please lang.." Pagmamakaawa niya.

Kasi kung magtagal pa ito ay hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang palayain ang binata ng hindi nagmamakaawang manatili ito sa Gondo, sa tabi niya.

Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Long. Tila takot rin itong pakawalan siya.

"No...Hindi, hindi kita iiwan."

"Pero aalis ka pa rin!" Singhal niya.

Humiwalay sa yakap ang binata at pinahid ang luha niya. Seryoso lang ito. Dahil sa pagiging malapit ng katawan nila ay mas lalo niyang nasilayan ang kagwapuhan ng binata. Mas naiyak tuloy siya kasi ang iiwan siya nito! Edi, wala na siyang gwapong ex na umaastang jowa niya.

"Huwag ka ng umiyak, bebe. Para naman akong mag-a-abroad nito." Pagpapatahan sa kanya ng binata na para siyang bata.

Sinamaan niya ito ng tingin.

Long sighed.

"Dito pa rin naman ako sa Gondo, eh. O hindi kaya bibisita ako."

Pero iba pa rin...iba pa rin kung narito ang binata. Mas kampante siya. Mas kampante siyang sa kanya lang ito dahil siya lang naman ang pinakamaganda sa Gondo.

Paano kapag may makilala itong mas maganda sa siyudad? Mas matalino sa kanya? Mas maputi? Paano kung matulad dati? Iniwan siya nito dahil nga bata pa sila, kahit hanggang ngayon ay bata pa rin naman sila. Disi-otso pa, at saka paano kapag magkikita ito at si Ricci? 'Yung crush nito pagkatapos ng hiwalayan nila?

Mas lalo siyang napaiyak.

Hindi naman niya pwedeng mabulsa ang binata. Hindi niya pwedeng ipagdamot ito lalo na't kailangan nitong makipagsapalaran. Mag-aaral ito sa Benj U, bagay sa katalinuhan nito. Para rin 'tong lahat sa kinabukasan ng binata. Kaya hindi siya pwedeng maging makasarili.

Napahagulhol siya at muling napaupo sa kama. Napatakip siya ng mukha kasi kahit papaano nakakahiya namang umiiyak sa harap nito. Baka pangit siyang umiyak.

"U-umalis ka na, Long. Sige na..." Pagmamak-awa niya ulit.

Napasinghap siya ng makarinig siya ng kalabog. Sinipa ni Long upuan sa silid nito.

"L-long.."

"Walang aalis." Mariing saad nito at naghubad ng pang-itaas nitong damit.

Napalunok siya. Akala niya ano na pero humiga ito ng kama at tinakpan ang mata sa matipunong braso nito. Natutulog.

Tangina?

"H-hoy! Tumayo ka nga diyan!" Inis niyang hinila ang paa nito pero masyadong mabigat ang binata.

Nanatili itong nakaganoon. Inis na bumuga siya ng hangin. Tangina, nag-i-emote pa siya, eh.

"Aalis na ako." Sabi niya at tumayo.

"Subukan mong lumabas sa kwartong 'to, Melchara, maaga kang magdadala ng anak ko."

Putangina.

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon