"Jeimx.."
"Ma, si Katarina. Kat, si Mama." Pagpapakilala ni Jeimx pagkatapos magmano sa ina.
Lumapit siya dito at kinuha ang kamay nito saka nagmano.
"Magandang gabi po." Bati niya.
After hours of riding, they finally get into their province. Kinakabahan rin naman siya pero pinaalahanan niya ang sarili na maging totoo siya.
Tumikwas ang kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pero kumunot ang noo nito ng makita ang maliit na umbok sa kanyang tiyan.
"Jeimx, huwag mong sabihin na totoo ang hinala ko." Hindi makapaniwalang saad ng ina ng binata.
"Buntis siya, Ma. At ako ang ama." Sagot ng binata.
"Hesus, ginoo ko!" Napa-sign of the cross ang ina nito.
"Ma..."
"Aba, Jeimx! Niadto lang ka ug Manila kadtong niagi tapos pag-uli nimo naa nakay dala baye na imong nabuntisan?" Pumunta ka lang ng Manila 'nung nakaraan ta's pag-uwi mo may dala ka ng babaeng nabuntisan mo?
Halos mahimatay na ito sa nalaman kaya pinaupo ito ng binata sa upuan.
"Ma---"
"Totoo bang si Jeimx ang ama niyan, hija? O baka naman pinaako mo lang? Ganyan ba talaga ang taga ciudad, akala nila mabibilog ang mga probinsyan---"
"Ma! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Kat--"
"Nag-aalala lang ako, Jeimx baka naman nagpa-uto ka dahil maganda siya." Mataray na sabi ng ina nito.
Napahilamos lang sa mukha ang binata. Halata ang pamumula ng pisngi at tenga nito.
"T-tita, hindi ko po inuuto si Jeimx. Hindi ko naman siya pinipilit sa reaponsibilidad kung ayaw niya. Napag-usapan na po namin ito."
Natigilan ito saka napatingin sa kanya.
"Ano nga ulit pangalan mo?"
"Katarina. Katarina Ruez." Sagot niya.
"Ilang buwan na ang bata?"
"Tatlo na po."
Tumikwas ang isang kilay nito saka napatingin sa anak nito.
"Tatlong buwan? Hindi ba inutusan kitang tingnan lang ang negosyo natin sa Manila? Humirit ka pa talagang bata ka!" Kinurot nito si Jeimx aa bewang kaya agad na lumayo ang binata.
"Hindi pwedeng hindi kayo magpakasal."
"Kaya nga dinala ko dito si Kat, Ma. Para makasal kami agad."
"Di pwede na dili ta mamuhang. Maulaw ka sa iya ginikanan." Hindi pwedeng hindi tayo mamamanhikan. Mahiya ka sa kanyang magulang.
Napatingin si Jeimx sa kanya tila na naghihintay na may sabihin sa ina nito. Pero wala siyang maintindihan! Tinatanong ba siya? Hindi siya marunong mag-bisaya!
"H-hindi ko naiintindihan." Bulong niya sa binata.
Bumaling si Jeimx sa Mama nito.
"Wala na siyang magulang, Ma. Pumayag naman na siyang magpakasal sa akin."
Natahimik ang ina nito at malalim na napaisip. Kinabahan siya ng tinitigan siya nito ng seryoso.
"Hindi ka ba napipilitan na magpakasal sa anak ko?"
"Po?"
Bumuntong hininga ang ginang.
"Ayokong dumating sa panahon na magkasakitan kayo dahil nakakulong kayo sa isang kasal. Paano kung may isa sa inyo ang magmahal ng iba? O kayong dalawa mismo?"
BINABASA MO ANG
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
RomantizmThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.