Pam and Jair

2.9K 75 19
                                    

🌈

Bakla. Bayot. Salot sa lipunan. Mga makakasala. Ilan lang 'yan sa mga naririnig ni Pampam o Pedro Ambrosio Santos mula pagkabata hanggang paglaki.

Pero keribels lang 'no! Dedma sa mga bashers! Ang importante maganda ang ating fez!

"Go, Jair! I. L. O. V. E. Y. O. U!" Tili niya habang winagayway ang banner.

Matagal na niyang crush si Jair. Jair Garcia. School heart rob. Basketball player! Matangkad, mabango! Pak na pak! At higit sa lahat, saksakan ng gwapo!

"Grabe ka talaga makatili, iba naman ang i-di-date ni Jair mamaya." Sita ng kaibigan niya.

Napairap siya. Waley siyang pake! Mahalia Jackson niya si Jair! De bale na may anaconda sila parehas!

"Okay lang, 'no! Mahilig kasi siya sa bilat and it's okay. Gusto ko lang i-express ang feeling----"

Seconds ago, he was talking to Reya and another second, umiikot na ang mundo niya.

"Baks!"

"Pampam!"

Natamaan siya ng bola ni Jair. Pero keri lang! Ibang bola naman sana next time!

"Pedro, okay ka lang?" Jair asked worriedly.

Tanginang Jair 'to. Naka-make up na siya't mahaba ang buhok, Pedro pa rin tawag.

"O-oo..Oo."

Jair guided him to stand up. Napalunok siya ng magsayad ang kamay nila. Tila biglang tumigil ang mundo niya.

"Pasensya na. Nadulas sa kamay ko." Paghingi ng pasensya nito.

"Okay lang! Basta ikaw." Pagpapabebe niya.

"TANGINA mo, ah."

Napangiwi siya ng itulak siya nito sa dingding. Hindi naman siya parehas nito na malaki ang katawan. Soft girl ang dating niya, 'no! Anong laban niya sa muscles nito?

"A-ano bang kasalanan ko?"

"Papansin ka kanina. Nagseselos ang kapatid ko sa 'yo. Hoi, bakla! Hindi papatol si Jair sa 'yo. Sinadya mong magpatama ng bola." Gigil na sabi ni Aljan, kapatid ng ka-M.U ni Jair.

Akmang sasapakin siya nito ng may humablot kay Aljan at sinuntok ang lalaki. Napasinghap siya sa gulat.

"Jair!" Agad na pigil niya dahil mukhang wala itong plano na tigilan si Aljan.

"Mananapak ka?! Gago ka, ah!" Inis na singhal ni Jair at sinipa si Aljan.

"Dapat lang dahil bakla 'yan! Babakla-bakla."

Muli itong sinuntok ni Jair.

Sanay naman siya. Ilang beses na siyang kinukutya ng mga tao pero kasi...sinasanay ba talaga ang sarili? Hindi ba...Hindi ba darating ang panahon na matatanggap siya? Matatanggap ang mga bakla? Tao rin naman sila... May feelings. And right now, nasasaktan siya.

"Huwag kang umiyak. Mahal ang make up mo." Seryosong sabi ni Jair at inabutan siya ng panyo.

Hindi tuloy natuloy ang paglaglag ng luha dahil sa ginawa nito. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon.

"S-salamat..." Lagi na lang.

Magkababata sila ni Jair. Dati n'ong closeted pa siya, super close talaga sila like ganito 🤞🏻. Pare pare pa ang tawagan nila dati kaso n'ong mag trese anyos siya, doon na niya pinahaba ang buhok at babae na kung gumalaw. Friends pa rin naman sila pero hindi na katulad ng dati. Siya na rin naglagay ng boundary bago pa ito kusang lumayo. Kaya nga crush na crush niya ito dahil savior niya pa lagi!

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon