Pam and Jair

1.4K 55 14
                                    

In Love With You, Pare 2

"Pam, kailangan talaga namin ng laborer. 'Yong kayang magbuhat ng mabigat. Si Jair lang ang taga dito na kayang gumawa."

"Ay, hindi po siya weightlifter."

Napairap ang kausap niya sa kanya. Sakto naman dumaan ang katabi niyang pwesto sa karenderya na mukhang alam kung ano ang pinag-usapan.

"Naku, Tisay! Pinagdadamot niyan si Jair! Feeling jowa, hindi naman babae." Singit nito.

Napataas ang kilay niya. Oo nga't may lawit pa siya pero sa laki ng ginastos niya para magmukhang babae, aasarin lang siyang ganoon?

"Excuse me, Manang. Di hamak na mas maganda ako sa 'yo."

"Maganda nga pero may talong." Pang-aasar pa nito.

Aba't!

Ngumiti siya dito ng peke. Kasing peke ng boobs niyang perpekto.

"Alam kong maganda talaga ako. Kaya nga 'yong asawa mo napapadalas sa karinderya ko."

"Aba't! Ikaw na gaga ka!" Asik nito sabay lapit sa kanya.

"'Yan ang gusto ko, tinatawag akong gaga hindi gago!" Sabay tayo rin niya at sinalubong ito.

Bago pa man sila magsambunutan ay agad na dumating si Jair at pumagitna sa kanila.

"Naku, Jair! Masyado kang nagpapabilog sa baklang 'yan. Marami kang opportunity sa Manila. Huwag mong sangayin dahil lang binibigyan ka ng pera ng jowa-jowaan mo!" Inis na singhal nito.

"Tara na, Pam." Sabay hila sa kanya ni Jair sa loob ng kusina.

"Napapadalas na ata 'yang away mo." Sita ni Jair sa kanya. Nakakunot na ang noo nito.

"Alam naman nilang akin ka na, inaagaw pa rin." Inis na sabi niya at uminom ng tubig.

Napangisi si Jair.

"Talaga? Sa 'yo ako?"

Nabilaukan siya sa iniinom.

"Tubig lang 'yan nabilaukan ka na. Paano na lang kung tite." Sabi ni Ckim sabay tapik sa likod niya.

"Gaga!"

"Ang tanong, aabot ba hanggang throat?" Pang-aasar pa ni Ckim sabay pabalik-balik ng tingin sa kanila ni Jair.

Namula siya sa pang-aasar nito. Wala talagang preno ang bibig ng impakta! Kung hindi umiiyak at nagtatrabaho, inaasar naman sila ni Jair.

Ngumisi si Jair.

"Si Pam lang mamakasagot niyan." Pagsasakay ni Jair sa panunukso ni Ckim.

"Magtigil nga kayo!" Baka totohanin ko 'yan, kabahan ka, Jair.

Kinindatan siya ni Ckim. She mouthed thank you to her. Grabe talaga ang wingman niya. Umalis na ito sa kusina. Sakto kasing tanghalian na kaya maraming tao. Kailangan na siya bilang cashier.

"Hay, naku. Sinasakyan mo na naman ang trip ni. Ckim. Kaya tayo inaasar n'on." Naiiling na sabi niya kay Jair.

"Ano naman?"

Ano naman? Wala itong pake kung aasarin sila ni Ckim? Oo nga naman, asar lang naman. Biro lang hindi naman totohanin. Okay lang talaga siguro dati kasi wala namang totlll

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon