Demure Bitch End

10.2K 259 55
                                    

"Oh, saan kayo pupunta?" Gulat na tanong ng ina ng binata na nakasalubong nila.

"Sumama ka sa amin sa munisipyo, Ma." Seryosong imporma ni Jeimx at tuloy pa rin sa paglalakad.

Gulong-gulo pa rin siya at hindi makatutol hanggang sa isinakay siya nito sa kotse. Kahit ang Mama nito ay naguguluhan rin pero pumasok pa rin ito sa kotse.

"Anong meron, Jeimx at mukhang nagmamadali kayo?"

"Ma, pigilan niyo po siya." Natarantang lingon niya sa mamanugangin sa backseat.

"Ano bang meron?"

"Ikakasal na kami ngayon, Ma."

"Hesusmariajosep!" Bulaslas ng ina nito sa gulat.

"Ma.." Paghingi nita ng tulong.

Parang nag-uusap lang sila kabina tapos ngayon ikakasal na agad? Hindu pa nga sila nakapaghanda!

"Ano ba 'tong kalokohan mo na 'to, Jeimx?" Tanong ng Mama nito.

Pero seryoso pa rin ang binata at nagpatuloy sa pagdrive.

"Seryoso ako, Ma. Magpapakasal kami ni Kat ngayon."

"Aba! Napakabilis naman, wala pa nga kayong napaghandaan. Mabuti pa at pag-usapan niyo kung ano man 'yan."

Pero nagpatuloy lang ang binata sa pagtakbo hanggang sa nakarating sila sa munisipyo. Naunang lumabas ang binata at pinagbuksan siya ng pinto. Ganoon rin nag ginawa nito sa ina.

"Jeimx!" Sita ng Mama nito.

"Ako na ang bahala sa lahat, Ma. At saka magpapakasal naman kami ulit ni Kat sa simbahan." Sabi nito sabay hila sa kanya papasok ng munisipyo.

"Eh, bakit hindi ka na lang maghintay? Ikaw talagang bata ka!"

They went up until they reach the mayor's office. Naroon ang mayor, ang secretary nito at isang pamilyar na tao na minsan na niyang nakita sa elite circle. Sa itsura nito ay masasabi niyang isa itong Phantom.

"Jeimx, ano to?" Mahina at takang tanong ng Mam ni Jeimx ng makita kung sino ang naroon sa silid na 'yun.

"Papa.." Jeimx called the man.

He walks towards him at nagmano. Napangiti naman ang lalaki.

"I've got everything covered, hijo. Mayor, simulan na ang seremonya."

Napasinghap na lang siya at hindi nakatutol sa pangyayari. Gulat pa rin siya at hindi na nakatutol kasi wala naman siyang naramdamang pagtutol sa sarili.

The ceremony is smooth and fast. Nang idineklara na ng mayor na mag-asawa na sila ay hindi na nagpatumpik-tumpik pang halikan siya nito.


"Nawala na ba ang pagseselos mo?" Jeimx asked.

Namula siya at tinampal ito sa balikat.

"Kainis ka! Kailangan talagang pakasalan ako agad dahil lang nagselos ako?" Namumulang tanong niya.

"'Di ba napag-usapan natin dati, pakakasalan lang kita kung mahal na natin ang isa't-isa. At dahil sa pag-seselos mo ay naisip ko na kaya may bumabagabag sa 'yo kasi hindi ko klinaro ang nararamdaman ko. I should have told you that I love you."

Napasinghap siya sa huling sinabi nito. Bumalatay ang matinding saya sa kanyang dibdib..


"Y-you do?"

Tumango ang asawa.

"Gihigugma tika, Kat. Ug mas higugmaon pa tika."

Napangiti siya kahit wala siyang naintindihan. She bet that that he's saying sweet words?

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon