Childhood Sweetheart Ending

9.6K 262 77
                                    

😭Mahal na Mahal kita, Long.😭

______

"Dito tayo titira." Sabi ng binata sabay bukas sa pinto ng condo nito.

Nalaglag ang panga niya at napasinghap sa nabungaran, ngayon lang siya makakatira sa ganitong karangyang lugar! Pangalawa sa marangyang bahay na natapakan niya dahil una 'yung bahay ni Kuya Harvie pero mukhang mamahalin rin 'tong condo ni Long at napakaganda pa ng interior design.

Akala niya simpleng condo lang, 'yung sakto lang sa dalawang tao pero itong condo na 'to, kahit siguro magkapamilya na sila at may sampong anak ay kasyang-kasya.

"H-hindi ba tayo namali ng napuntahan, Long? Ang ganda-ganda!" Usal niya sabay pasok. Manghanh-mangha siyang nakatingin sa paligid.

"Gulat rin ako dahil ganito karangya ang binigay ni Kuya Bing. Kahit sinabi ko na 'yung simple lang pero ayaw  pumayag ni Kuya." Sabi ng binata at pinasok ang maleta sa kwarto nila na nasa itaas, sa second floor ng condong 'iyon.

Agad niyang tinungo ang veranda. Iyon talaga ang pinakagusto niya sa parte ng mga bahay, ang may veranda.

"Oh my gosh..." She gasped upon seeing the city from below. Halos tanaw ang buong lugar, ibig sabihin ay napakatayog ng condo na 'to!

She felt Long on her back. Kinulong siya nito sa pamamagitan ng paglagay ng kamay nito sa veranda sa magkabilang gilid niya.

"Ang ganda naman dito, Long. Parang nakakahiyang tumira."

Coal chuckled and lean on her closer. He let his chin sits on her shoulder. Yumakap na nga ito sa bewang niya habang nakatingin sila sa malawak na siyudad.

"Mas gagandahan natin ang magiging bahay natin, Char. O gusto mo ba ng mansion?"

Natatawang tinampal niya ang braso nito at saka humarap sa binata.

"Grabe, mansion? Parang naman marami tayong titira doon."

Ngumisi ang binata at lumapit ang mukha sa kanya.

"Ihanda mo talaga ang sarili mo, Melchara. Hindi ako papayag na bababa sa sampu ang anak natin." Anito sabay ngisi.

Napalunol siya.

"H-hindi ko yata kaya."

"Kaya mo 'yan, bebe. Ayaw mo 'nun? Marami tayong chikiting naghahabulan sa bahay, hindi sila mabored dahil marami silang maglalaro."

Napailing na lang siya. Bakit ito agad ang pinag-usapan nila? Nahihiya siya!

Long face become serious and look at her. There's an emotion on his eyes that she called love, and maybe her eyes were also showing that emotion.

"This is the start of our new journey, Char. And our journey only stop when we moved out from this place because we're gonna moving in our new house. There are no perfect relationship, mag-aaway tayo, may hindi pagkakintindihan but at the end of the day alam natin kung saan tayo mamahinga. And that is on each other's arm. We'll fight this relationship of us, let our love and faith on Him be the center of our relationship...in that case we'll have an eternity together."

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon