"She's missing." Seryosong sabi ni Heilan pagkatapos libutin ang buong karenderya niya at ang buong wet market.
"Isusumbong na ba natin sa pulis?" Kinakabahang tanong niya.
Heilan sighed heavily and get his phone. Napataas siya ng kilay ng makitang mamahalin at latest model ang phone nito. Yayamanin talaga!
"No need. I know my family hide my wife this time." Seryosong sabi nito.
Tumpak! Mag-asawa nga ang dalawa at trip maglaro ng hide and seek, ngayon nakikisali ang pamilya.
May kinuha ito sa belt bag nito. Dala-dala 'yon ni Heilan para lagyanan ng phone at wallet nito. May isinulat ito saka binigay sa kanya ang pirasong papel.
"Heilan?" Takang tanong niya at tinanggap iyon.
"Thank you for keeping mg wife safe and healthy. If you need help, call me." Sabi nito sabay abot ng calling card.
Gulat na gulat pa rin siya nang magpaalam itong umalis. Nakatitig lang siya sa tseke na bigay nito.
Limang milyon. Nag-pa-give away ito ng limang milyon!
Sinubukan niyang sundan ng tingin si Heilan pero nawala na ito. Hindi naman nito kailangan magbayad dahil tinanggap naman niya ng buong puso si Ckim. Pero siguro gagamitin niya pang-renovate sa karenderya. Para mas bongga na ang eatery niya kung sakaling babalik ang mag-asawa. And she'll do that omce she get back from Thailand after 3 months. Para fully recovered na.
She put the money on his safe. Si Jair mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ba naman sila tumigil sa paghahalikan hanggang sa mapagod sila.
Nakakababae ang halik nito. Sa paraan ng pag-angkin nito sa labi niya ay parang nang-aangkin, na para bang pinagdadamot siya at uhaw na uhaw ito sa labi niya.
Pero syempre! Delulu lang niya iyon. Akala siguro ni Jair si Angelina Jolie na ang kahalikan nito.
"Pam?"
Humarap siya sa binata at ngumiti. Kaswal pero halata talagang masaya siya. Kagigising lang ng prinsepe niya.
"Magandang umaga! Lasing na lasing ka kagabi kaya hindi ka na umabot sa inyo at dito ka na nakitulog. Huwag kang mag-alala, sa sofa naman ako natulog." Sabi niya sabay turo sa sofa.
Pagkatapos nilang maghalikan ay nakatulog na ito. Ayaw niyang sagarin pa ang kasalanan niya kaya sa sofa na siya natulog.
"Pero kama mo 'to..." Jair said with full of concern or more like protesting.
"Naku, okay lang---"
"Jair! Harapin mo ako! Panagutan mo ako!"
Nanlaki ang mata niya ng marinig ang boses ni Blair. Agad siyang lumabas ng kwarto niya at bumungad na agad ang kusina ng karenderya. Lumabas siya at nandoon nga si Blair, kasama ang Kuya Aljan nito na hindi alam kung susuportahan o pipigilan ang kapatid.
"Ilabas mo si Jair, Pampam! Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi, tatakasan niya ako?!" Sigaw ni Blair.
Sumikip ang dibdib niya sa narinig. Kagabi? Kagabi na ang pinakamagandang gabi sa buong buhay niya may nangyari sa dalawa? N'ong...n'ong kumatok ba si Jair sa kwarto niya, tapos na ito kay Blair? N'ong naghalikan ba sila, si Blair ang nasa isip nito?
"Blair..."
"Huwag mo sabihing nakalimutan mo ang nangyari sa 'tin kagabi? Nandoon ka sa kwarto ko at may nangyari sa atin! Lasing ka n'on pero parehas nating gusto!" Gigil na sigaw ni Blair.
"Gago ka, ah! Bakit mo tinakasan ang kapatid ko?!" Asik din ni Aljan kaya pinipigilan na ito ng ibang tao dahil baka magkagulo pa.
"Walang nangyari sa atin." Mariing tanggi ni Jair.
BINABASA MO ANG
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
RomanceThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.