Childhood Sweetheart 3

8.7K 208 97
                                    

"The distance between stars is typically measured in?" Tanong niya.

"Light years." Agad na sagot ng binata.

"A nanomaterial necessary to hold or deliver compounds used in cancer treatment that are very dangerous to healthy and non-target cells."

"Fullerenes." He yawned, bored on tge q and a.


Inis na tinapon niya ang reviewer dito.

"Alam mo naman pala, eh. Ako na lang usa ang mag-review." Bagot na sabi niya.

Mukhang umuna na itong nagreview, eh! Hindi talaga siya naniniwalang matalino talaga ito pero sige, matalino nga ito.

"Ako na lang ang tanungin mo." Sabi niya.

Mas maliit na ngisi ang binata sa labi habang nakatingin sa reviewer niya.

"Sige, unang tanong..."

She ready herself to listen. Dapat makasagot rin siya ng mabilis!


"Mahal mo pa rin ba ako?"

"Yes!"

Ay putangina.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?!" Inis na pinagsasapak niya ito havang si Coal ay patawa-tawa na sinalag ang mga tama niya.

"Woi, limang taon na rin 'yun, Melchara. Uso mag-move on."

Bongga niyang inirapan ito.

"Huwag kang mag-alala, Felwis, nabigla lang ako kanina. At saka ano ka sinuswerte? May nanliligaw kaya sa 'kin no!" Pagmamayabang niya.

Nawala ang ngiti nito sa labi. Balik na naman ang seryosong Coal.

"Yeah, I've heard." Usal nito.

At naging awkward na nga ang atmosphere.


"Mag-review na lang tayo." Sabi niya.













Bakit ba kasi siya nag-pekpek shorts?

Kinakabahang tinahak niya ang sitio ng Londo, and katabing sitio ng Gondo. Hindi niya gusto dito kasi kung maraming kawatan sa Gondo, dito naman maraming adik.

"Hi, Miss."

Napapikit siya at lihim na nagdasal.

Sinasabi na nga ba.

Kahit anong hila niya pababa ng shorts ay wala pa ring silbe. Hindi sana siya mamroblema kung may angkas na motor pero dahil malalim na ang gabi ay wala na, kaya wala siyang choice kung hindi ang maglakad.


"Oi, Miss sexy, lingon ka naman."

Mas binilisan niya ang paglalakad.

Sana biglang dumating si spiderman! Pero dahil tatatlong spiderman na, siguradong nagtatalo na ang tatlo kung sinong sasagip sa kanya kaya sa huli ay walang sumagip.

Jusko, ayaw ko pang ma-deds, hindi pa nga kami nagkabalikan ni Long! Kung alam niya sanang ganito ang katapusan niya ay sana sinunggaban na lang niya si Long kaninang umaga.

Napayuko siya at mas binilisan ang paglalakad pero pabilis ng pabilis ang yabag na papalapit.

"Miss! Pakipot ka pa, eh."

Ayan na, huhu.

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa balikat niya para pigilan siya pero bigla ring nawala 'yun dahil sa pagtilapon nito.

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon