Kanina pa nakakunot ang noo niya habang pinipilit na magbasa. Pabalik-balik ang tingin niya sa dalagang abala rin sa pagbabasa at sa librong binabasa niya.
"Char, ano bang---"
"Huwag kang maingay, nasa library tayo." Mahinang sita ng dalaga ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Bahagyang umigting ang panga niya. Nauubusan na siya ng pasensya sa inaakto nito. Nitong nakaraan pa ganito ang dalaga. She's distant, at kunti na lang talaga ay iisipin niyang iniiwasan siya nito. Palagi na lang may palusot para makatakas sa kanya.
Nandito na si Kuya Harvie, gusto na niyang makipagbalikan dito pero ewan at ito naman ang lumalayo.
"Ihahatid kita mamaya." Saad niya pero hindi siya nakakuha ng sagot mula rito.
Nang hapon ay nasa bukana lang siya ng gate naghihintay sa dalaga. Sabi nito may isasauli lang ito sa library, hindi pa siya nito payagang sumama.
Umiiwas nga sa kanya ang dalaga. At bakit naman? Nag-bago na ba ang isip nito? O baka naman nauntog at natauhan kaya lumayo sa kanya?
"Naku, Jake, palabiro ka talaga."
Napalingon siya sa gilid ng marinig ang tumatawang si Melchara Akino. Halos umusok na siya ng apoy ng makitang kasama nito si Jake.
"Melchara." Tawag niya sa dalaga.
Napalingon ito sa kanya at nawala ang ngiti nito. Pati ang kislap ng mata ay napalitan ng lamig.
"Nandiyan ka pala.."
Nandiyan ka pala?! 'Yun lang? Yun na 'yun?
Halos hindi mapaghiwalay ang pagkabuhol ng kanyang kilay. She's testing his patience which is obviously short.
"Sinabi ko sa 'yo kanina na ihahatid kita." Mariing saad niya rito at naglakad papalapit sa dalaga.
"Salamat sa paghihintay pero pasensya ka na at may pupuntahan pa kami ni Jake." Sagot ng dalaga at nagsimulang maglakad.
That's it. Naputol na ang kahuli-hulihang lubid ng pasensya niya. Hinuli niya ang braso nito at hinila pauwi.
"Long!" Piglas ni Char pero walang saysay dahil sa lakas niya.
"Mag-uusap tayo, Melchara." Mariing saad niya.
Sinubukan pa ring magpumiglas ng dalaga.
"Bitawan mo nga ako!" Buong lakas siya nitong itulak kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang bitawan ito.
Napatigil silang dalawa. Char was catching her own breath while glaring at him.
"Ano bang kasalanan ko, Melchar?" Marahang tanong niya.
Umiwas ng tingin ang dalaga.
"Wala kang kasalanan. Ano bang pinagsasabi mo, Long?" Pilit nitong pagkaswalin ang boses pero bakas ang pagka-ilap doon.
"Iniiwasan mo 'ko, eh."
Umiling lang ang dalaga at nagsimula ng maglakad. Agad naman biyang pinantayan ito.
"Ah, bukas Sabado hindi muna ako makakapag-review." Aniya.
Ihahatid niya lang ang ate niya sa bahay ni Kuya Harvie. Iyon ang plano niya, tapos babalik siya rito sa Gondo.
Tumango lang ang dalaga at hindi na umimik pa. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nito ay pumasok na ito ng hindi nakapagpaalam.
He sighed. This is torture.
"MAY problema ba, Long?" Tanong ng Ate Leng niya ng mapansin sigurong may bumabagabag sa kanya.
He sighed.
"Si Melchar, ate..."
Gusto niyang makapag-paalam bago umalis. Mangangakong babalik naman siya pero hindi sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Pinuntahan niya ito sa bahay nito pero maaga raw na umalis ang dalaga.
Saan naman 'yun nagupunta?
"Nakausap mo na ba?" Marahang tanong nito.
Napailing siya
"'Yun na nga, eh! Isang linggo na niya akong iniiwasan, ni hindi ko nga mahagilap."
Nakabusangot na reklamo niya.Hanggang sa lisanin nila ang bahay ay si Melchara lang ang nasa isip niya. Hindi niya alam kung namamlik-mata lang ba siya pero nakita niya si Melchara...at kasama pa si Jake!
Anak ng.
Jealousy eat his system. May naramdaman siyang pagtatampo, galit at sakit. Gusto na lang niyang suntukin si Jake sa mukha dahil tangina nakikisali pa sa love story nila!
Mabibigat na hakbang na kinain niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Agad niyang hinaklit ang braso nito.
"L-long!"
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? At hindi pa kita makita-kita nitong buong linggo!" Inis na palatak niya
Ano bang meron at pinaparusahan siya ng ganito? Siguro karma na rin niya dahil sa pang-iiwan niya rito dati.
Nawala ang emosyon sa mukha ni Char at binawi ang braso mula sa kanya.
"Umalis ka na." Malamig na saad ni Char at tinalikuran pa siya.
"Mag-uusap pa tayo." Mariing saad niya.
So that's her problem? Kaya ba ito lumalayo dahil aalis na naman siya? Was she scared that he might dump her kaya ito na lang kusa ang lumayo?
They really need to talk.
Pero tinitigan lang siya ng malamig ni Char. Gone the eyes that twinkles upon seeing him. At gusto niyabg ibalik ang kislap sa mga mata nito. Sabihin lang nitong manatili siya ay mananatili talaga siya.
"Pre, umalis ka na raw." Singit ni Jake.
"Huwag ka ngang makisali!" Inis na singhal niya.
Nakiki-sali sa away mag-asawa. Tsk.
"Long, ano ba..." Sinubukan pang hilahin ni Char ang braso pero talagang mahigpit ang pagkakahawak niya.
At sa tingin talaga nitong papakawalan niya ang dalaga? He would never do the sane mistake again.
"Mag-usap tayo." Mariing saad niya.
"Wala naman dapat pag-usapan."
Tumiim lang ang bagang niya. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang katigasan ng ulo.
Alam niyang kanina pa naghihintay ang ate niya pero hindi naman siya maalis kung ganto niya maiiwan ang dalaga. He wants to settle things first with his woman.
"Long, I'll sent another car here to fetch you. Sunod ka na lang mamaya." Sabi ni Kuya Harvie.
"Salamat, Kuya." Sagot niya habang nakatingin pa rin ka Melchara, dahil baka umiwas lang siya ng tingin ay mawala ito.
"Ano ba, Coal, umalis ka na nga! Iniwan ka na, oh!" Inis na palatak ni Melchara pero hindi niya pinansin ito bagkus ay kinarga niya na tila isang sako ng bigas.
"Hinding-hindi ako aalis kung hindi ka rin kasama." Aniya sabay lakad pabalik sa bahay nila ni Ate Leng niya.
"Coal!" Pagpiglas ni Leng.
Pero wala na itong magawa hanggang sa dumating na sila sa bahay. Pumasok siya sa silid niya at binagsak ang dalaga sa kutson na kama niya.
Sinamaan siya nito ng tingin.
"Ano bang trip mo sa buhay?!" Galit na bulyaw nito.
"Ikaw."
Mas lalo lang atang nagalit ang dalaga kaya tumayo ito.
"Aalis na ako!"
Akmang aalis ito ng itulak niya muli ito sa kama.
"Walang aalis ng bahay. Naiintindihan mo, Melchara?"
BINABASA MO ANG
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
RomanceThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.