Chapter 7.4- - What's about the date?

168 6 3
                                    

 :)

Natigilan siya.  At ito ngang lalaking ito ang nasa harapan niya.  Kung bakit kasi meron pa itong dugong Castillo at ganito nalang siya ma-amaze sa lahi nitong kagwapuhan.  At bagay na bagay ang pulang polo nito dito.  And even the scent of his expensive perfume really gives some intense presence in the air.

"Hoy... kinakausap kita."

"Ahh...HEH...anong kanina?  Nagpapatawa ka ba?  Late rin nga ako eh.  Quits lang. :D" ngumiti siya.

Tumawa ito.  

Ang sarap batukan.  Kung hindi lang nakakahiyang aminin ang totoo na kanina pa ako nandito.  Mas maigi pang malaman niya na hindi ako masyadong excited sa date namin.  Hihi!  This is my first date kaya! XD

Tumikom ang bibig nito at lumapit sa kanya ng konti.  "Halika na."  At bigla nalang nitong hinawakan ang kamay niya at kinaladkad este hinila ng medyo may kaingatan.

"HOY!  ARAY!  Saan ba tayo pupunta?"

"Di ba date natin ngayon?" Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya,  "At nakarinig ka na ba ng isang napakagwapong nilalang sa mundo na nakikipagdate sa Manila Bay?"

"Oo naman!"

"Sino?"

"Si..."

"Oh.. wala ka ngang alam eh.  Kaya 'wag kang magmagaling.  Tara." 

At naglakad na sila.  Hindi niya talaga alam kung saan ang punta nila.  Ang klaro-klaro naman kasi ng usapan nila..

"Manila Bay, Saturday, 3 pm. 'Wag kang mawawala."

At ngumiti na naman ito sa kanya.  "Sweetie..  Hawakan mo 'to." iniabot nito ang isang medyo may kalakihang kahon na hindi niya napansin kanina.

O tingnan mo nga naman.,  At may pinapahawak sa akin.  Yaya?  Yaya? :D

"Ayoko.."

"Just open it."

"Yoko.  Malay ko kung ano 'yan.  Bomba? :D"

Ngunit napahinto siya nang makita ang mga seryosong mga mata nito.   

Kinuha nito ang isang kamay niya at pinahawak 'yung kahon.   Binuksan nalang niya iyon at tiningnan.

Isang kwintas.  

"Para.. sa akin.. 'to?"

"Oo."

"Bakit... mo ko.. binibigyan.. nito?"

Hindi niya napigilang mapatingin ulit sa maamong mukha nito.   "Bakit naman hindi?" nakahalukipkip na ito.  "Siyempre ikaw ang date ko ngayon 'di ba?"

Oo nga pala.  Normal lang naman 'yun 'pag may date.  XD

"Amina." lumapit ito sa kanya.  Ilang inches nalang ang layo nito sa kanya.  Inihiwalay nito ang kwintas para maisuot sa kanya.  Mas lumapit pa ang mukha nito hanggang sa malapit nang magkadikit ang mga pisngi nila.

"Oh ayan."

Humarap ito sa kanya.  At ngumiti na naman.

"So,.. tara?" Hinawakan nito ulit ang kamay niya at nagsimula na silang maglakad.

"Tara." =)

ILANG SEGUNDO pa ay parang nakikita na niya ang isang yacht na nakaparada sa may Manila Bay. Sobrang lamig ng hangin. Malapit nang manginig ang mga tuhod niya. Tiningnan niya ang mukha ng makakadate niya.   Mukha itong seryoso.

Oh.. This is a miracle! :D

Kinutuban siya.  All she thinks for is the yacht that is in front of her.  Kinabahan siya.  Eh sa hindi siya sanay makipagdate eh! :D

Mas lalo pang lumamig ang hangin nang makarating sila sa harapan mismo ng yacht. Malamig talaga.  Pero isang hakbang nalang, nasa langit na siya ..este sa yacht pala. Nanginginig na ang mga tuhod niya.  It was her first time to ride on a yacht.

"Giniginaw ka ba?" Tinapik nito ang balikat niya. "Don't worry, hindi ka na giginawin 'pag nasa yate na tayo.  But wait --- " tinanggal nito ang braso sa balikat niya at hinubad ang coat na suot-suot nito. "You just need this anyway."

"Salamat."  Teka, totoo ba 'tong mga nakikita ko? :D

Marami siyang nababalitaan na perfect daw magdate sa isang yacht.  Sa TV, Radyo, at kung saan-saan niya naririnig iyon. Maraming gumagawa na nito, pero.. swerte pa rin siya. Ang gwapo kasi ng ka-date niya ..este... isang Castillo kasi ang ka-date niya.

"Halika." nakasakay na ito sa yacht.  Iniabot nito ang kamay nito sa kanya para makasakay siya.

"Naku, paano kaya kung mahulog ako dito?"

"Edi... tigok ka."

Eliza...'nu ka ba...  be kind... :)

"Halika na. :)" nginitian siya nito.

Oh see! Mabait nga siya! :)   Pero--- - - - -

Mukhang hindi niya mabalanse ang mga binti niya nang umapak na siya doon sa apakan na 'yon... Pinipilit niyang maging isang beauty queen makalagpas lang doon sa level na 'yon.  Level? ..... Laro? Laro? :D

Ngunit, .. ...    "AHHHHHH! " 

natapilok siya.  

"Are you okay?" 

"Oo naman. :D.... .....  hmmm....     OOHHHHH!--- - " napatayo siya.  Nakahawak na pala ang magkabilang braso nito sa baywang niya.

"Mukhang hindi ka sanay.  Hawakan mo kamay ko."  Tumayo na ito.  

 At napahawak siya sa kamay nito.

Ano ka ba Eliza. Mahulog ka na sa tubig, 'wag lang dito.  Remember? Si Xander ang soulmate mo.  :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon