Chapter 1.4~.~"Kaya ko 'to!"

1K 19 4
  • Dedicated kay Jeraldine Tan
                                    

  pls. support po! :)

At nakababa na nga si Josie mula sa lagusan na iyon. Si Elai nalang ang naiwan sa mataas na makitid na lagusang iyon. 

Kakayanin ko kaya 'to? Gosh! ... Nakakatakot pala dito.... My God,.... pwedeng bumalik nalang si bes dito? O.O 

At walang nakakaalam maliban sa bestfriend niya na nandoon siya.  So 'pag habang buhay na siya doon, wala ring nakakaalam. Sinabihan pa mandin niya ang bes niya na huwag na 'wag sabihin kahit kanino, cross her heart.  My gosh!  Tiningnan niya ang wristwatch niya.  Malapit nang magsimula ang concert! 

Kaya ko 'to!  Walang takot!. - - -feeling brave =)

Pero, huwag lang sanang lumapit sakin si sadako, kundi, ihuhulog ko talaga siya pabalik sa balon... ^_^ Hmm ... remember... try to check my hair kaya? I'm the new sadako here this time! XD  

After a few years... 

Ilang taon na yata pero, gapang pa rin siya nang gapang. :"< Hindi niya kasi alam kung saan ang punta niya.  

Lord, nakalimutan ko po kasing gumawa ng mapa. 'Yung parang kay Dora...'yung sa cartoons... huhuhu...:">  Hindi ko kasi malaman kung saan ako bababa... :O 

Hirap na hirap na talaga siya.  Paano ba siya makakaalis sa lugar na iyon?  Lord, help me...  Lumingon-lingon siya sa liwanag mula sa ibaba.  Marami pang tao sa ibaba.  Paano na? 

After a few minutes... 

Napansin ng balat niya na tila yari na sa kahoy ang ginagapangan niya.  Mukhang marupok.  Hindi nalang niya inintindi ito.  Pawis na pawis na siya.  Nakaligo yata siya ng wala sa oras.  Hindi rin biro ang greenhouse effect sa loob ng lagusan.  

Nagdesisyon siyang huminto muna.  

Magpahinga sandali.  Napagod na yata ang mga cute muscles niya.  Matapos ang ilang segundo, may narinig siyang nakakasakit na tunog na ikinagulat ng buong kaluluwa niya.  Bumilis ang heartbeat niya.  Hindi na niya maipaliwanag ang mga nangyayari.  

Mahuhulog ba siya mula sa lagusan? 

Lord! Mamamatay na po ba ako?  

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya. 

Oh my God!... I think this is the end of me.... Pls. forgive me Lord for all my sins..  and. . . 

Aaaaaaaaaaaaah! :O 

"AAAHHH!!!..." napapikit siya. 

This is it Lord.  Katapusan ko na yata.  Goodbye Philippines. 

Ngunit,----laking gulat niya. Hindi man lang siya nagalusan.  Sinagip ba siya ni Superman?  Kung hindi eh sino?  

Xander Yadiel Castillo. 

Mahihimatay yata siya sa nakita niya.  

Gosh!  Si Xander ba ang nasa harap niya?  Ang sumagip sa kanya?   

Kinusot niya ang mga mata niya.  Baka sakaling nananaginip lang siya.   

Xander Yadiel Castillo. 

Pero, kitang-kita na niya ang gwapong mukha nito.  'Yung lalaking minsa'y pinangarap niyang makasama habang buhay.  Her Ultimate Crush.  Hindi siya makapaniwala.  Ito ba'y isang anghel na bumaba sa langit?  

At karga-karga siya nito.  Na parang napakagaan niya na kayang-kaya siya nitong dalhin.  

Oh my God! Napaamoy tuloy siya sa mabangong pabango nito.  Ano bang nangyayari sa kanya?  Nananaginip lang ba siya?  Mali.  Hindi siya nananaginip.  The reality is in front of her right now... 

Lord mamatay na po ba ako?  Bakit may anghel po na sumusundo sa 'kin dito? ^_^  

Damang-dama niya ang presensiya ng binata.  Ang problema, aabsent pa ba?  No?  Chance niya na iyon na ibinigay sa kanya ni Lord.  Dapat ay samantalahin niya.  It's destiny!  

Sa kabila ng mga kilig to the bones na tumutusok sa mga nadislocate na mga buto niya,  kinakabahan pa rin siya.  Hindi niya alam kung paano kakausapin ito.  Paano nga ba?  

After five minutes... 

Limang minuto na silang ganoon pa rin ang sitwasyon.  Tahimik. Tila nasa isang painting na perpekto ang mga anggulo at hindi gumagalaw.   Kinakain ng pagkahiya ang buong face niya.  Sa kahihiyan kasi na nagawa niya kanina, may mukha pa ba siyang maihaharap sa binata?

 

*********

"AH!..AUHM."  napangiti na lang siya. Hindi niya alam kung paano magsasalita.  Lalu pa't nasa harapan niya ito. :) 

Dinig na dinig niya ang tibok ng kanyang puso.  Hanggang ngayon,  kitang-kita pa rin niya ang gwapo at maamong mukha nito.  Balak sana niyang tapikin nang mahina ang pagmumukha niya para lang malaman kung nananaginip siya.  Kaso huli na- - - 

"Hmm.  Miss? Okay ka lang ba?" nginitian siya nito. Sweet. 

Miss? Tinawag mo akong miss? Hindi bata? Hindi hoy?  Tinatanong mo ba ako kung okay lang ako?  Eh paano ako magiging okay? Karga-karga mo kaya ako!  ^_^ 

"Bakit ka nasa itaas kanina? You don't look good.  I must call a doctor."  hindi pa siya binibitiwan nito.  

Huwag mo akong bitiwan!  Huwag!  Please!  Huwag ka ring tumawag ng doctor, okay lang ako! I look good!  

"Dadalhin nalang kita sa clinic." nakatitig pa rin sa kanya. 

Hindi maaari! Huwag sa clinic! Mabubuking ako! Baka magtaka na lang ang doctor kung bakit ako nanggaling sa itaas.  Anong isasagot ko kung sakaling tanungin ako ng doctor? 

Agad siyang tumayo.  Nakatitig pa rin ito sa kanya.  "Ah! Naku 'wag na po! Okay lang po ako!"   wala na siyang masasabi pa.  

Ang ganda ng mga mata niya.  

"Are you really okay?  Pinagpapawisan ka." 

"Okay lang po talaga ako." Eh sa init ba naman sa lagusan.... sinong hindi pagpapawisan! Hihi. 

"Hindi mo sinagot 'yung isang tanong ko, bakit nasa itaas ka kanina?" 

"Ahmm.."  Anong isasagot ko? Na dahil gusto kong makita ang concert niya? Siya? Ano nalang ang iisipin niya? 

"Hindi kita pipilitin.  Namumula ka." 

Namumula ako?  Ako?  Eh sino pa ba?  "Auhm.  Kasi po, eto po iyon, pakinggan niyo po ako---"  huminga siya nang malalim.  Napatitig siya rito.  

"Sa pagnanais kong makita kayo ng personal,  nag-isip po ako ng paraan para makapasok dito.  Sorry po talaga.  Wala po talaga kasi akong pera eh.  Idol na idol ko po kayo.  Paborito ko ang lahat ng mga palabas ninyo, teleserye, at kung anu-ano pa.  Hindi po tama ang ginawa ko. Dahil sa ginawa ko, nagalit si Lord sa akin.  Kaya bilang parusa,  heto ako ngayon.  Nakita ka na parang wala nang natirang kahihiyan sa buong pagkatao ko.  Sorry po talaga.  Sana mapatawad mo po ako Sir Xann----"

 

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon