Chapter 3.2~.~Elevator... Chance na 'to.

731 12 2
                                    

             "ELIZA, NAKUHA mo ba 'yung leksyon natin sa Physics kanina?"

            "Hindi pa masyado eh.  Pero, gusto mong sumama sa 'kin sa library bukas ng hapon?  Titingnan ko ang topic natin.  'Di ko rin kasi masyadong naiintindihan eh."  Tiningnan niya ang wristwatch niya.  Pasado ala-sais na.  Kailangan na niyang pumunta sa dorm at bumaba na sa groundfloor.

            "Sure!  'Pag may freetime tayo, doon ang diretso natin ha?"

            "Oo ba."  Binalingan niya ang daang nilalakad niya.  Malapit na siya sa may elevator.

            "Naku!  Eliza, pwede bang ikaw na muna ang mauna?" masugid na kinalikot nito ang bag.  "Naiwan ko yata ang libro ko sa laboratory."

            "Eh, gabi na ah.  At kakaunti nalang ang tao rito.  Madilim na sa may lab."

            "Okey ang 'yun!  Ako pa!" tinapik siya nito, "Alam ko namang nagmamadali ka eh.  Busy sa studies huh."

            "Heh.  Ngayon lang naman to eh.  College...  Hay." napabuntong hininga siya. 

            "Oh, sige.  Mauna na ako.  Nakakatakot na rin dito."  Lumingon-lingon siya sa paligid,  "Parang tayo nalang ang tao rito ah.  Mag-iingat ka.  Sweet dreams." Nandilat ang mga mata niya habang tinititigan ang kaibigan.

            "Huy.!  'Wag ka ngang manakot! Nakakainis ka!"

            Tinabunan niya ang bibig nito, "Shhh..  Huwag ka ngang maingay...  Baka mamaya, may white lady pala dito." Bumuntong hininga siya, "Sige, mauna na ako."  Kumaway na siya rito at hinintay bumukas ang elevator.

            Mukhang natatakot ito.  "Huwag mo 'kong iwan Eliza!  Not now!" hiyaw nito.  Hinawakan nito ang braso niya habang papabukas na an elevator.

            "Babye  See you tomorrow."  At pumasok na siya ng elevator.  Naglakad na palayo ang kaklase niya.

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon