Chapter 4.3- - Peace in the Dalampasigan ='D

594 7 0
                                    

            "HINTAYIN mo 'ko!  How dare you nerd ka!  Tulungan mo ako!  Gosh.  Pinabibilad mo sa araw 'tong gandang 'to?  At ginawa mo pa akong kargador ha!"

            Wala siyang narinig na sagot dito.  Sa halip, nagpatuloy lang ito sa paglalakad papunta sa dalampasigan.  Bigat na bigat siya sa pagdadala ng dalawang gitara; classical guitar and an electric guitar.  Teka, electric guitar?  Sa dalampasigan?  Wow.   Aba'y nakakamanghang nakaya niya talaga iyong dalawa.

            "Hoy!  Nerd!  Kasalanan mo 'to!  Kung bakit kasi gusto mo lang ng isang kagrupo.  Hindi ka na naawa.  Siguro sinadya mo talagang ako ang makagrupo no?  Binayaran mo 'yung instructor natin!  Eeeww..!  You will never be a gentleman in front of others!!" ang lakas ng boses niya.  Sobra.  Biglang lumakas ang hampas ng alon sa may dalampasigan.

            Pero tila kumakausap pa rin siya sa hangin.

            "Hi gwapo.  ang bait mo naman.  Pati yaya mo, tuturuan mo ng paggigitara?  Mr. Gwapo, kami nalang." hinimas himas nito ang braso ng bintana, este..binata.  "Tutal, mas bagay naman kaming maggitara kaysa sa kanya eh."

            Ang mga pating.  At nakaabot pa talaga sila dito sa may buhangin ha?  At,.. meron na palang pating na naggigitara ngayon?  New generation na talaga.

            "Sige na..."  pag-aanyayang boses ang narinig niya.  Naiirita siya.

            Gesshh... Sa dami kasi ng mapipiyestahan, sa pag-aari ko pa?  Auhhmmm...Teka-teka nga.  Pag-aari?  Anong pag-aari?  Nababaliw na ba ako?  Ako?  Magkakagusto sa kanya?

            "Hoy!  Mga alimango!  Sinong may sabing yaya ako?  Heh.  Kung yaya man ako, hindi ako papayag na 'yan ang aalagaan ko.  Spoiled brat iyan eh!"

            Tumingin ang mga babae sa kanya.  "Yaya, shut up.  We're talking to this good looking boy."

            "Oo nga." hirit 'nung isang matabang kasama niya.  "Extra ka lang dito.  Kaya, tumahimik ka na." inirapan pa siya nito.

            "Extra?  Ikaw, Hindi?  'Di ba, EXTRA large ka din?"

            "Abay------"

            Napansin niyang nakatingin na si alex sa kanila.  Sa pagiging tulala nito mula kanina pa, himala talaga.  "Enough!  You people are like kids!  I went here to have peace in mind.  Tapos ganoon din pala ang mangyayari dito!  Hell."

            Ngayon lang niya ito nakitang galit na galit.  Natahimik silang lahat.  Napabuntong hininga naman ito.  "Sorry girls.  I just hate noise.  I want to have peace---"

            "In the world" dugtong niya.  "So, magsilayas na ang mga alimango rito.  Tutal,  FISH naman pala ang kailangan ng lalakeng 'to.  We will practice here kasi eh."

            Wala siyang narinig na sagot mula rito.  Naglakad na ang mga ito papalayo.  Ngunit nag-flying kiss pa 'yung isa.  "See ya, Gwapo."

            At 'yung isa rin. 

            Dinama niya ang simoy ng hangin na nagmula sa hampas ng mga alon.  Nilapitan niya si Alex na umupo sa may batuhan.

            Tumikhim siya.  "So,  auhmm...  Anong kakantahin natin?"

            Pinatong nito ang gitara sa kanang hita nito.  "World Behind My Wall."

            "Kanta ba 'yun?  Ah! Tama.  I remembered it.  Paano pa nga 'yon?"

            "Ang gulo mo." tinugtog nito ang gitara. 

            Beautiful.

            Wow.

            Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang napakatalented na kapatid ni Xander Castillo, na siyang lalakeng pinapangarap niya at inaasam na mahagkan.  Habang buhay.  Sa dulo ng walang hanggan.

            It's really perfect.  The tune of the song 'The World Behind My Wall' is really similar on what tune he is playing.  She love the chords.  She really love it.  Feel niya siya ang nasa music video.

            "Ang galing..."

            "Don't praise me.  Just sing." ipinagpatuloy pa rin nito ang pag-strum ng gitara.  Ngunit nakabaling na ang tingin nito sa kanya.

            Sinabayan niya ng kanta ang ang tugtog nito.  Pero parang wala sa kanta ang concentration niya.  Hindi niya alam kung bumabagay ba ang weird na boses niya sa tugtog.  Mukha kasing hindi fit ito.  Masyado lang ROCK ang sa kanya.

            At nakatitig pa rin ito sa kanya.  Hindi niya maintindihan ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

            Ano ka ba Eliza.  Si Xander lang nga ang soulmate mo.  At hindi 'tong kapatid niyang hot na kasama mo.  Bawal ang matukso.  Hindi siya ang gusto mo.  Hindi.  No.

            Huminto ito sa pagtugtog.  Dahil doon, napahinto rin siya.  Ang ganda na nga ng moment eh.

            Ngunit...lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.  Napatitig siya rito. 

            What is he doing? Nakatitig lang ito sa kanya.

            "Eliza,..."

            And that hand.  Anong- - - -

            "Nagugutom na ako.  Nasa kamay mo na ang pera.  Bumili ka ng makakain natin." pagtanggal ng kamay nito, nakadikit na ang pera sa palad niya.  Magic?

            "Ha?  Ah!... Oh sige.  Teka, hin-hindi ko alam ang gusto mo."

            "Ikaw na ang bahala."

            "Eh mahirap kaya pumili, ano nga?  Ano nga ang gusto mo?"

            "Ikaw." ngumiti ito sa kanya.

            Natigilan siya.  What is the... What is happening?  Oh my gulay.  Ano daw? 

            Gusto niyang ngumiti.  Pero, napatalikod siya bigla.  Nagsimula siyang maglakad at tumingin-tingin sa paligid kung may tindahan.

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon