Chapter 2~the tenth part~.~Saan kamo ang classroom?

752 12 0
                                    

Sa wakas! Naka-update rin!

pls. support niyo guys!... thank you :)

"GOSH! Nasaan ba dito ang Freshmen Class-C?"  

"Sinong kinakausap mo?" biglang sumulpot sa kanyang likuran ang isang babaeng naka-uniporme. 

"Ah...sorry miss.  Pwede po bang magtanong?  Nasaan ba dito ang Freshmen Class-C?" 

"Nilipat ang Freshmen Class-C sa groundfloor.  Sa may likuran.  According to Mr. President fafa Blythe, nilipat daw sila dahil kanina lang ay may nangyaring eskandalo. At isang taga-Freshmen Class-C ang may pakana ng lahat,." 

"Ah ganon ba? Sa tingin mo kaya nagkaklase na ngayon?" 

"Wala pa.  Dahil maraming tagaroon ang nasangkot sa eskandalo kanina, ipinagpaliban muna ang klase ng 15 minutes.  Nagmimeeting pa kasi ang dean ngayon at sila." 

"Naku salamat naman.  Sige mauna na ako sa iyo."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nakapasa sa entrance sa Raven Academy at hindi ang bestfriend niya.  At siguro nakakamove-on na nga ang bestfriend niya ngayon.  Pero sabi ng Nanay niya, punta raw ng punta sa bahay nila si Jamiella para lang mabalitaan kung ano ang nangyayari sa kanya.  Wala kasi itong cellphone.  At malayo na nga sila sa isa't-isa.  

And God had given her a chance to live like in heaven.  Isang lugar kung saan puro kaligayahan lang ang madadarama.  At nandito na nga siya ngayon.  Dinarama ang kasiyahang hindi maipaliwanag ng sinumang nilalang sa mundo. 

"Alex!  I love you so much!  Mas mahal na kita kaysa kay Xander ngayon!" 

"Oo nga.  Eh mas magaling ka pa palang magitara't kumanta kaysa sa kuya mo eh," 

"I agree to the terms!"

"I love you talaga!"

"Di ba may date tayo mamaya Alex?" 

"May date kayo ni fafa Alex?" 

"Ow?" 

"Huy! mga malalandi.  As the newly elected officer of freshmen-class-c, dapat ay turuan ko kayong gumalang sa mga matatanda. Kahit papaano ay mas matanda sa 'tin si Kuya Alex.  Diba, kuya?" 

"'Heh.  Bait-baitan ka pa.  I love Alex.  At masagwa pakinggan kung magkukuya pa ko sa kanya.  Remember, pangarap ko siya.  At magiging pantay na ang tingin namin sa isa't-isa sa susunod." 

"Ako ang soulmate niya!" 

"Hindi ikaw, ako!" 

"Ow?" 

"I love you so much beybeh!" 

"Ebidensya ko nasa bag." 

"Oiist! Tumahimik nga kayo! Ako ang peace officer dito!" 

Parang tinatamad yata siyang pasukin ang silid na iyon.  Puno ng kababalaghan.  Akalain mo ba namang----- 

Akala niya may malaking tao sa classroom nila.  Wala pala.  Ang engot talaga niya.  Pero mas engot ang mga magiging kaklase niya.  Nakakagulat ang mga inaasta nito.  

"I'm the PEACE OFFICER here! at ayokong may mag-eeskandalo na naman dito dahil diyan sa mga dinadownload niyong walang kakwenta-kwenta!  First day of school pa lang nga pero 'yan na ang bumulaga sa akin.  Gusto niyo isumbong ko rin kayo kay Sir o kuya Blythe?  Dahil sa mga video ni Kuya Alex na pinagkukuha ninyo sa Senior Class-A?  'Yun ba ang regalo niyo sa kanya kasi birthday niya?"

"Nakakainlove talaga ang mga tinig niya." 

"Sana nga magkausap kami kahit isang word lang ang masabi ko." 

"Ang galing niyang tumugtog...kahit drums, piano.  Kaya niya.  Matalino pa.  Tao pa ba siya?" 

Sino kaya 'tong pinag-uusapan ng mga 'to?  Alex? Sino 'yon?  Gwapo ba iyon?  Kaano-ano kamo ni Xander?  Naku.  Parang gusto ko na yatang makita ito agad-agad ha.  I wanna know the truth.  Kung nasaan na ba talaga ito. 

May klase pa kaya?  Ano nalang ang matututunan ko nito?  Tsismis?  May quiz ba tungkol doon?  Raven Academy--para sa mga tsismosang kagaya nila.  Siyempre hindi ako kasali doon. 

At papasok pa lang nga siya.  Baka magulat nalang ang mga bagong kaklase niya kung gaano siya ka-late.  Pero sa sandaling iyon, may pwersang tumulak sa kanya.  Doon lang niya namalayan na nakabangga siya ng isang di kilala.  Pero tama naman ang ruta niya.  Nasa gilid lang siya ng hallway.  Biglang nagsalubong ang mga kilay niya. 

"Hey...what---" 

"Naku, sorry miss.. May tinatakbuhan lang kasi ako."  Nakatitig lang ito sa kanya.  

Binaling ng binata ang tingin sa may hallway.  Malayo ang tingin nito.  Kaya tiningnan niya na rin para magkaalaman na. 

Jesus Christ!  Our Savior!  Bakit nagsisitakbuhan ang sandamakmak na mga babae?  At may mga regalo pa.  Ano ba talagang nangyayari?  End of the World na ba? Sino ba kasi 'tong lalaking tumatakbo? Aba'y parang mga sisiw na hinahabol ang ina ha.

"Alex!  Isang kiss lang sige na!" 

"Birthday mo naman eh!  Sige na!  Pagbigyan mo na kami!..." 

"I love you so much!  Idol na idol na kita...Isang performance lang...sing to us..." 

"Alex!  Hintayin mo kami!  'Wag kang tumakbo!" 

"May regalo ako sa 'yo Kuya Alex!  Sige na, isang kiss lang..." 

Isang baranggay yata ang nakita niyang mga babae.  At patuloy pa rin nitong hinahabol yung lalaki.  Nang makadaan na ang lahat ng mga babae sa kinatatayuan niya, may napansin siyang isang babaeng sa halip na tumakbo kasama ng mga iyon..eh naglakad nalang.  Mukhang may katawag ito. 

Napasulyap ito sa kanya.  Pero binawi na rin agad.  "Haha, Kuya Blythe.  Dapat lang kasing matuto si Kuya Alex.  Dapat pagbigyan niya ang mga fans niya sa labas.  Kaya, hayun.. Nandito na nga sila sa loob ng campus.  Palalabasin ko rin sila agad.  Bago sila pinapasok, siniguro kong wala silang magagamit na bagay pampanira sa Raven.  Kahit papaano ay mahigpit pa rin naman ang security kahit pinatakbo ko ang mga fans niya papunta sa kanya.  Guards are still watching them.  Ingay?  Don't worry brother.  5 minutes lang naman.  Hindi mapapahamak si Kuya Alex.  Marami siyang friends.  I just want to make his fans happy.  At nararapat lang 'yun sa kanya.  Tumaba yata siya eh." 

At nararapat lang 'yun sa kanya.   

Mataba na ba tawag doon? 

Pwedeng HOT muna? 

I don't think na mataba siya.  Promise.

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon