Chapter 4.5- - Shut up.

588 8 1
                                    

            "ALEX?" wika niya habang titig na titig sa mga mata nito.  Kinikilabutan siya. 

            "Mga Bata?  Bakit kayo nandito?" nabaling ang tingin nito sa kanya.  "Gusto niyo ng pagkain?"  kinuha nito ang pitaka mula sa bulsa.  Kumuha ito ng pera.  "Oh." iniabot nito iyon ngunit pinaabot pa mula sa mataas ng bahagi ng ere.  "Abutin niyo kung kaya niyo."

            Parang nag-iba yata ang mood ng mga bagets.  "Akin!"  inaabot nito ang pera.  "Sa akin dapat iyan!" lumundag-lundag ang mga ito.

            "Hindi!  Akin!" tinaasan ng isa ang paglundag.  "Ako ang ah!  Ako ang ledir ng grupong ito! I'm the ledir!"

            "Ledir?" singit ni Eliza habang nakaupo at aliw na aliw na nakatingin sa mga ito. 

            Mukha yatang pinagpapawisan si Alex habang pinagdudumugan ito ng mga bata.  Mapapangiti na yata siya sa kalokohan nito.  Ilang saglit pa ay nabiling ang tingin nito sa kanya.

            Parang ayaw niyang alisin ang pagkakatitig dito.

            Ang init yata ng panahon ngayon ha.  So hot. 

            "Corpuz, nasaktan ka ba kanina?" seryosong pananalita nito.  Nagulat nalang siya sa biglang pagsulpot nito sa harapan niya.

            "Ha?  Ha...  Ako?" hindi siya naging kalmado nang nakatingin na ito sa mga binti niyang puro gasgas.  Napansin niya na unti-unti nang tumutulo ang pulang bagay sa tuhod niya.  At nakaramdam siya ng sakit.  Kakaibang sakit.

            Hindi pa pala sila nakakain.  Dahil sa katangahan niya, baka magkasakit pa silang dalawa.  Ulcer na agad.  At nadapa pa talaga siya.  Malas.

            Gosh.

            Biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya nang nakaramdam nang sobrang pagkagaan sa pakiramdam.  Para siyang lumilipad.  But wait.  Lumilipad siya?  She just noticed herself lifted by a strong man.

            "Hoy! Hoy!  Bakit----"

            "Shut up."

            Natulala siya sa seryosong mukha nito.  Binubuhat ba siya nito?  Parang powers lang kasi ang ginamit nito para dalhin siya.

            Wow.

            Ang she just saw that perfect face of an angel in the nearer part of her sight.  Ang sarap pisilin ang makikinis na mga pisngi nito.  Hindi siya makapaniwalang may kakilala siyang ganito kagwapo.  Kahit nakaglasses lang ito.  At magkamukha talaga sila ng kuya nito.  She just felt that she was in heaven. 

            Ang gwapo.  Super.  Tao pa ba 'to?  Hindi lang 'to basta parang artista.  Pang-ibang level of hotness at kagwapuhan!  Pero, hindi.  Eliza...  Wait.  Hindi tama 'to.  Tama na nga 'tong kahibangan mo.   Hindi ka pwedeng mahulog sa lalakeng 'to.  Haller?  Si Xander ang soulmate mo 'di ba?

            "Alex?  Pwede bang ibaba mo muna ako?" napasinghap siya.  "Sige na.  I beg you." plano sana niyang lumuhod sa harapan nito.  Kaso, dala-dala pala siya nito. 

            Hindi ito sumagot.

            Ano ka ba Alex.  Hoy.  'Pag hindi mo ako ibababa, ihuhulog talaga kita.

            Ihuhulog kita!  Eeeehh!

            Ihuhulog talaga kita... 

            Ihuhulog talaga kita... sa puso ko.

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon