Chapter 6. - -Teddy Bear =">

450 9 0
                                    

 pls. vote! :) thanks! YIPEEE....

                                                       -~;'Chapter Six':~-

           ILANG ARAW na ang lumipas at halos nakabisado na niya ang lahat ng linya sa musical show na iyon.  Malas niya at siya pa ang ginawang Teddy Bear ng show.

            Kairita.  Hindi naman talaga ako mukhang Teddy Bear ah.

         Lubos na lubos din ang kanilang ensayo.  Halos sumakit na ang mga tuhod niya kakalakad kada sabado at linggo para pumunta sa gym.  Para magpraktis.

            At salamat sa Diyos ay natapos na rin ang kalbaryo sa buhay.  Ilang oras nalang at magsisimula na ang show.

          "Hazel!  Nasaan na 'yung mascot para kay Eliza?" malapit nang magsimula ang show," wika ni Drew, kaklase niya.

           Humarap ito sa kanya sabay tapik sa braso,"Eliza, nasa trak daw.  Naka-park sa labas.  Sorry.  I can't go with you.  I have still something to do." inakbayan siya nito.  Si Drew.  Isa ito sa pinakamayayamang nilalang sa Raven Mirth Compass o mas kilala sa pangalang "Raven Island".   

            "Naku, okey na okey brad! Drew!  Ang bait mo talaga." At proud siyang kaibigan ang mabait na mokong na'to.

            "Naku, no problem.  Basta ikaw." ngumiti ito sa kanya.

           Kung wala lang siyang gustong iba, hinabol na niya ito.  Nang sobra-sobra.  Kaso, huli na ih.  Hinatid siya nito sa may pintuan.  Pero---

           "Teka lang Drew.."  napasinghap siya.  Ngumiti, "Nakakainis ka." lumingon-lingon siya sa paligid.  "Kawawa naman ako kung ako lang isang pupunta doon.  Haller... forever...alone?" tumitig siya rito.  "Please?"

            Ilang saglit pa ay tumawag ito ng isang kaklase gamit ang kanyang skills as a man.  And after a few seconds...

            "Yes!  For you Beybeh!"  At pumayag naman ito agad.

            "Aaaapril?  Hindi ka naman busy 'di ba?"

     "Hindi, kaya nga ako pumirma sa contract 'di ba?" napabuntong-hininga ito.  "Pinagbibigyan ko lang iyang fafa na iyan.  It's hard to explain...but...'di ko talaga siya matiis eh..." tinapik siya nito.."Kaya,  tara na... let's go PARTY!" sinakal siya nito papalabas ng classroom.

 ++++++++

            "SIGURADO kang iyan iyon?" tanaw na tanaw niya mula sa gate ang nakaparadang trak sa 'di kalayuan.  Malaki ang trak.  Mukhang walang tao.  Kung walang tao, papasukin niya iyon ng walang pahintulot.

            "Oo!"  at ang bilis nilang makarating sa may trak.

            "Halika na."  yaya niya rito. 

       "Papanik tayo riyan?" tumingin ito sa kanya.  Tinaasan siya ng kilay. "Ayoko...Ayoko..."

            "Halika na." nagtitigan pa sila ng malalim.

            "Ayoko nga..."

            "Halika na NGA SABE!"

            "AYOKO NGA! ... OVER MY SEXY BODY!"

            "CHE!  Mas maganda pa ako SAYO NO!  Pumunta-punta ka pa rito.  Ang dami mo ring naitulong sa akin no?  Can you enumerate each?" hindi na-lock ang likod ng trak kaya mabilis niyang nabuksan ito.  Secured naman ang Raven Mirth Compass kaya walang mga magnanakaw. 

            Maliban sa 'kin..  Bwahaha... "Ayaw mo talaga?  Nakakainis ka."

            "Hindi nga!"

            "MERON KA NO?"

            "Wala...  Ano ka ba... pero... "  napahinto ito pero matapos niyon ay tumalikod ito agad sa kanya. "Tingnan mo nga kung meron ako.  I'm not sure of what I feel right now..."  Nakasakay na si Eliza sa trak. 

            . . . . .

            . . . . .

            "HUY?  Ano?  Meron ba ako?  Sumagot ka nga-----   Huwag mo nga--------EEEELIIIZZZZAAAA......?"

            "APRILLLLL! TULONG!

            Naramdaman ni Eliza na biglang nagstart ang makina ng sasakyang pinapatungan niya.  Kinilabutan siya.

            "ELIZA?.... 'Yuuuuuung......"

            "April!"

            "Eliza..."

            "April!"

            "Eliza..."

            "April!... biglang umandar ang sasakyan.  Gosh.  Unti-unti itong lumalayo mula sa kinaroroonan ng kaklase niya.  Napahinto siya.  Hindi niya alam ang gagawin niya.

            "Eliza...Bakit...umaan-dar?"

            "Ewan ko." nahihilo na siya.  "Tulungan mo 'ko!"

            "Ah.... Pigilan mo 'yung... driver!"

            Tinakbo niya ang kinauupuan ng driver.  Ngunit... saradong-sarado ito at may matatag na salaming nakaharang sa pagitan nila.  Malabong niyang makausap ito.  Trak nga pala ang sinasasakyan niya.

            "Tao po!" 

            (katok...katok....katok...)

            "Sir... Tao po..."

            (knock...knock...knock...)

            "Sir?  TAO PO!"

            (kick...kick...kick...)

            "SIR?  MAY TAO PO."

            (double kick..double kick...double kick...)

            "MANONG!  THERE IS A CUTE GIRL IN HERE!"

            (high kick... high kick...high kick... with flying kick.)

            "MANONG!..." mapapaiyak siya.  "MANONG..."

            Hindi siya pinansin nito.  Kainis.  Napansin niyang naka-earphones pala ito.

            Naka-earphones pala si Manong...  Gosh.  Sinayang lang niya ang... precious voice ko.

             May gusto sana siyang sabihin kay manong kaso naka-earphones lang naman kasi ito.

             "When I see your face,....

                 Its...like the end of the world....."

                          -Just a  combination of the lines of the songs "Just the way you are" and "2012".

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon