Chapter 2.7~.~Eeeeee?

860 12 3
                                    

"AKO?  kukunin 'yan? Over my dead body!" angal ni Ramon nang pakiusapan siya ni Eliza na kunin ang bracelet.  Kadiri naman kasi eh.  Ikaw?  Kaya mo ba 'yon?

"Ang arte mo!  Para kang beki!  Heh!"

"Eh, ikaw,  hala sige nga."

"Gesssh!  Enough!  Tama na nga 'yan!" nagulat sila sa biglang pagsulpot ni Jamiella.

"Josie?  Kaya mong kunin 'yung bracelet ko? Yipee!"

"At sinong meh sabi sayo na kukunin ko?  Pumunta lang nga ako rito eh. Coz i'll do samting.  Hep!  bakit nga pala nandito si Ramon?  Where's the privacy of the women!" 

"Shhh!  aalis na nga ako.  Bahala ka na diyan Eliza,  Vavooo."

"Hey!  Ramon! Wait!" 

"I shall not return." at inirapan siya nito.

At sila na nga lang dalawa ni Jamiella ang naiwan sa stinky na CR na iyon.  Bakit kasi sa public school pa siya na-enroll ng Nanay niya,  she hates NO BUDGET!  At ang ka-isa-isang regalo pa ni Xander sa kanya ay nilunod pa sa 'purified' na maduming tubig na iyon.  Gosh!  How can I solve this!

"Jamiella!  Ano ba kasi talaga ang dapat kong gawin?"

"Eh wala nang iba kundi kunin 'yon with your precious hand!  Easy!" 

"Che!  Hindi ka nakakatulong!. "

"Hmm...che din! May make-up ka bang dala?"

"Hmm? At bakit?"

"No need to ask.  Alangan namang paa ko ang make-up-an ko. Shunge!"

"Anong sinabi mo?  Shunge ba kamo?  Ako?"

"Hinde, 'yung bowl 'yung sinabihan ko.  Kasi, nakaw pa siya nang nakaw ng alahas,  eh masasanla ba niya iyon?

"Gusto mo magboxing tayo?  Nakakairita ka eh.  Ano?  Game na?" pumorma siya ng ala-manny poohkyaw ang dating.  

"Kung fu style nalang ang sa 'kin.  Ang sagwa kasi tingnan 'nyang sa'yo."

"Mas masagwa sa'yo!" sumipa siya ng bonggang-bongga pero nailagan lang nito iyon.  "Hiya!!....Hoo!"

At nagboxing nga sila,..este karate.  Heh!  Doon nalang sa dalawa.  Hindi maipaliwanag kung bakit umabot sila sa puntong ganoon.  Mukha silang mga pasyente sa mental hospital na puro mga pasaway.  Mabuti nalang at sila lang ang tao doon.  Maliban nalang kung may OTHERS.

At hindi pa rin tapos ang kanilang bakbakan.  Wala pa ring mukhang dehado sa kanilang dalawa.  Karate doon,  sipa diyan.  Wata!  Hiya!  Wohoo!  "Matatalo din kita!  hindi ako susuko!"  Hindi na mailarawan ang mukhang bumabalot sa kaluluwa nila.  Ang mga emosyon ay halu-halo na.  Para talagang mga baliw.  At mga shunga nga sila, sapagkat ang bracelet na pinoproblema nila ay hindi na nila pinansin.  

Kaya dahil sa kagagahan nilang dalawa, hindi nila namalayang napadpad sila sa isang cubicle kung saan-- doon nahulog ang bracelet ni Eliza kani-kanina lang.  At pagboboxing pa rin ang inatupag nila.  

At hanggang sa------

Nagkaroon ng kakaibang lakas si Eliza dahilan na nahagip niya ang kanang braso ni Jamiella at malakas na pwersang hinawakan ito.  Yow!  Ngunit tila 'di rin siya nakagalaw dahil ginantihan siya nito ng FORCE nito.  Eh, sino pang mananalo niyan?  Habang buhay nalang bang ganyan? Hay... 

Paano kaya nila mailalarawan ang mga sarili nila ngayon?  Mapapansin na JS nga,  pero mukha na silang mga pulubi sa outfit nila.  Wala raw kasi silang pakialam.  Wala silang pakialam na magkanda-dulas-dulas na sila sa lugar na iyon para lang mapatunayan kung sinong mas POWERFUL sa kanila.  Sayang lang at walang nagtataglay ng kili-kili POWER sa kanila.  Kung nagkataon,  tapos na ang party.  

"Matatalo kita Jamiella!  Muta ka lang sa 'kin!"

"At mas lalong super katiting ka lang sa 'kin!  Kayang-kaya kitang patumbahin!  Waaa!..."  at pinigilan niya ang suntok nito.  Hanggang sa lumabas na nga ang mga itinatagong muscles nila sa katawan.  Para na silang mga LALAKE! Astig mga pare!   

Pero kailan ba talaga matatapos 'yon? 

Kailan? 

Hanggang sa madulas na nga sila ng todo-todo ulit? 

Sa high-heels nilang mga shoes?

Tama.   

Hindi nga magiging imposible iyon. 

At ang katotohanan,

Nadulas nga sila dahil sa pagiging mga shunga nila.

Saan ba sila nadulas?

Hmmmm...

syempre,

sa banyong 'yon

SA cubicle kung saan nahulog ang bracelet ni Eliza.

At sa pagtutulakan nila,

nawalan sila ng balanse dahilan na pagkadiretso ng dalawa nilang kamay na magkahawak sa-----

Eeeeee?

At ngayon,  wala na silang poproblemahin pa.  

Nasolusyunan na nilang dalawa ang problem!

Kasi, dumiretso lang naman ang mga kamay nila sa-- -- -- -- --

  

BOWL.

  

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon