Chapter 2.5~.~After 2 years...=)

870 14 0
  • Dedicated kay Iwillbeloved Wattpad
                                    

After 2 years... =)

"HAYAAN mo anak,  pag-graduate mo ng highschool eh ipapatapon na kita sa tiyuhin mo sa Maynila.  'Di na kita pababalikin dito!  Doon ka na magkokolehiyo!  Magsama kayo ng ultimate crush mong si Xandir!" 

"Xandir po 'Nay?  Ansaveh!  Kayo po talaga 'nay, ang ganda-ganda ng name niya tapos gaganyanin niyo lang. Xander po 'Nay, Xander!  At 'Nay,  totoo ba talaga na sa Maynila ako magka-college?" 

"Heh!  Xandir kung Xandir!  Oo nga!  doon ka na nga magkacollege!  Basta,  maghanap ka ng paraan para magkapera,  MANGHOLDAP KA! o kaya'y,  MAMALIMOS!" 

"'Nay naman oh.." 

"Sus 'nak,  hindi ka na majowk.  Oh siya, lumayo ka na dito nang makaconcentrate ako ng todo-todo sa ginagawa ko.  Che!" 

"Pinapaalis mo'ko 'Nay?" 

"Ai, hindi, hindi.  'Di ba?  Kasasabi ko lang nga na LUMAYO ka?" 

"Heshh.. Mabuti nga talaga at hindi ako nagmana sa iyo 'Nay.  Thanks Lord." 

"Ano kamo?  Pakiulit?" 

"Wwala po.  Sige po 'Nay,  lalayo na po ako.  Baka maistorbo ko lang po kayo.  I shall return!" 

"......"  hininga lamang nito ang narinig niya. 

Ang hirap ding mag-move on no?  Kasi hanggang ngayon ay laman pa rin ng kokote niya ang 'di nakakasawang pagmumukha ni Xander.  Ilang taon na ring hiniling niya na sana ay magtagpo sila ulit nito.  Pero,  wala talaga!  Sa pagkainip niya,  parang lalong tumagal ang pagtakbo ng bawat segundo.  Ano 'yun, pagong?  Loading pa? 

Bakit kasi ang tagal-tagal mo! 

Ilang taon ka nang late oh! 

Bilis at may appointment pa ako! 

Uy,  habang nandiyan ka pa, pwede bang alagaan mo nang mabuti ang puso ko? 

Just a simple wish. 

Sana ay matupad mo! 

Hindi pa kasi ako nakontento sa bracelet mo eh. 

Kulang pa iyon. 

Mukha kasing peke.  Jowk! 

Binabalaan kita,  'pag hindi pa kita makikita ngayong taon, 

gagamitin ko na talaga ang karate skills ko sa'yo!  Wah! 

(nagtutula ba siya?)

Third year na pala siya.  Ay. palaka.  Ang tagal pa pala niyang makakagraduate.  Akala niya bukas na iyon.  Geshh..  Patience! Patience!  Easy!  2 years nalang nga oh!  Enjoy life!  Lalu pa't JS prom na bukas!

+++++

"Oh, ano Elai?...excited ka ba para bukas?"  

"Aba, oo naman!" 

"Aba, himala yata.  Basta kasi mga program sa skul eh hindi ka talaga interesado.  Ngayun lang." 

"Sus,  baka malabo lang ang mata mo sis,  Hayaan mo at reregaluhan kita ng salamin mamaya." 

"Excuse me! 'Di malabo mata ko no!  Wala sa lahi namin iyon." 

"Baka ampon ka?  Hmm?" 

"Sis!  Ano ka ba?" 

"Tao.  Malay mo,  ampon ka lang pala.  Accept the truth!" 

"Heh!  Diyan ka na nga!"

"Okey.  Hep!  Ikaw ang maiwan dito. Bahay mo 'to eh.  Sige, bye!" 

At bukas na nga ang JS Promenade nila.  Excited ba talaga siya?  Medyo.  She's really not interested on any parties in the school. Basta about sa school.  Yun na nga!  Lalung-lalu na 'nung malaman niya kung sino 'yung makakapartner niya.  

SINO? 

. . . . . . . . .

"ANG ganda-ganda mo anak!  Manang-mana ka talaga sa akin!"

"Kaplastikan po.  Hmm.... sabagay.  Pero mas maganda po ako ng konti." 

"Tama na ang ayos sa buhok at baka mahuli ka pa doon!" 

"Eh ikaw kasi 'Nay eh!  'Di ko maintindihan kung anong HAIRSTYLE ang ginawa mo sa'kin." 

"Heh!  'Yan ang uso." 

Aba'y mas alam pa pala ni Nanay kung ano ang uso?..Geshh.."Sige na nga 'Nay.  I accept it.  Ganito pa rin talaga 'to kahit ano gawin ko.  See ya 'Nay!"  

Sumakay na siya sa Limousine niya.  Este sa tricycle pala.  Keh haba-haba rin ng biyahe niya.  Halos daanan na ng bagyo ang hair niya.  Ewan nalang niya kung anong face niya pagdating doon. 

Nang makarating na siya.  Siyempre, bababa muna 'di ba? So bumaba siya.  Ala prinsesa ang dating? Ewan.  Bakit ba pati pagbaba niya pinapansin pa? 

Napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao?  

Anong meron? 

May dumi ba sa face niya? 

She really don't know. 

But isang tao ang nagpairita na naman sa kaluluwa niya. 

Si Mr. Ramon Ezekiel Guevara-  ang makakapartner niya sa PROM... 

HMMMMM?

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon