Chapter 7. - -My last glance... of you.

311 8 1
                                    

Hindi maaari...

Huminto ang oras.  Hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman niya.  Kitang-kita mismo ng mga mata niya ang napakaamong mukha nito.  Dinig na dinig niya ang malaanghel na tinig nito.  Hindi siya nananaginip.  At...kilalang-kilala niya talaga ang mga matang iyon...  

Xander...

"May I know kung anong pangalan ninyong dalawa?"

Sumagi ang mga mata nito sa kanya.  Bigla siyang nakaramdam ng takot.  Natatakot siyang baka kinalimot na nito 'yung pinakamaligayang oras ng buhay niya, nang makilala niya ito.  Pero hirap siyang harapin ang kasinungalingan.  Sapagkat ito mismo ang nagpapamukha sa kanya ng totoo.  

"I'm Elaine." sabi nung isa.

At sigurado siyang nasa kanya na ang atensyon nito.  

"At ikaw?"

Ibang-iba naman talaga ang buhay nito... sa kanya.  Malayong-malayo talaga sa kanya.  At ito iyong taong... wala ka nang hahanapin pa.  Para itong prinsipe.  Ang prinsipeng nahahanap mo lang sa mga palabas o sa isang napakalayong lugar.  

At ang tanging magagawa mo lang ay ang titigan ito, dahil 'pag hinawakan mo ito, para ka na ring tumakas sa realidad.  Para mo na ring niloko ang sarili mo sa pag-iisip ng mga pangyayaring hindi naman talaga mangyayari.

"Ah..Eliza.  Eliza ang pangalan ko." at tumalikod siya.  Gusto na niyang umuwi sa dorm.  Marami pa siyang gagawin.  Hindi pwedeng palagpasin ang tumatakbong oras sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.  Lumakad siya.

"Miss.  Sandali."

Natigilan siya.  Bumaling uli siya rito.

"Anu?"

Napansin niya ang unti-unting pagbuka ng mga labi nito.  "It's nice meeting you.  I'm Xander." iniabot nito sa kanya ang kamay nito.

"Yeah.  Nice to meet you too.  Sige.  Mauna na ku." at nagpatuloy na siya sa paglalakad.  Hindi siya pwedeng lumingon pabalik.  Baka madapa na naman siya at baka masugatan pa ang tuhod niya.

Pero naisip niya, naka-mascot naman ang buong katawan niya except sa ulo kaya okay lang.

Nilingon niya ulit ito. 

My last glance of you.

Hindi niya namalayang unti-unti na palang tumutulo ang mga luha niya.  Dahil na rin siguro ay itong araw na ito ang maaring huling pagkakataon na makikita niya ang lalaking iyon.  

Napangiti siya.

*********

*********

                                                   -~;'Chapter Seven':~-

 Ilang linggo na rin ang lumipas at hanggang ngayon, nag-eensayo pa rin sila para sa performance sa musical show.  At medyo hindi na siya naninibago habang kasama si Alex pagdating ng hapon, araw-araw.

At masaya siya, na kahit wala si Xander Castillo sa harapan niya ay nandito naman si Alex.  She really felt the air.  Raven Mirth Compass is such a wonderful place.   At magkaibigan na nga sila ni Alex hindi tulad ng dati na puro bangayan at siraan ang nadadala sa usapan. 

Iniabot ni Alex sa kanya ang kape habang magkaharap na nakaupo sa canteen.  "Naku, Salamat!" nakangiting sabi niya.  "Ano? Kamusta 'yung pinopormahan mo?"

"Ha?  Anung pinagsasabi mo diyan?"

"'Yung babae sa pilahan, hmm.. aminin mo na.  May pa-akbay-akbay ka pang nalalaman.  Kitang-kita ko 'yung mukha mo.  Parang palaka."

"Ha?  I don't understand.  The girl with the pink hair clip?  Haha.  I think you're jealous.  Kapatid lang turing ko dun."

"Ah..  ganun ba.  Ang lagkit kasi ng tingin mo kanina eh.  Nakakatawa lang tingnan.  Haha."

"Hmm... Just eat.  Maybe you're just crazy looking at me kanina kaya kung ano na 'yang nakikita mo.  Woah.. Ang sarap neto ah!." nilamon nito ang one-fourth ng burger na hawak-hawak nito.  Kinilabutan siya. Ngunguya-nguya ito.  "ShJaaapatt kashii huwag kang mashyadong magpapaniwala sha mga nakikita mo.  Malay moo, iba pala ang ibigg shabihin..  Alam moo- -"

"Uminom ka nga!  Huwag kang mag-inintsik!"  idinoot niya ang isang boteng mineral water dito.  Tinanggap naman nito iyon at hinayaan munang makababa ang kinain.  "Pwede bang 'wag kang magsalita nang ganyan?"

"Bakit naman...sweetie?"

Nagulat siya sa salitang iyon.    "ANONG- - " itinutok niya ang tinidor dito.

Natigilan ito.  Nilamon naman nito ang isang malaking slice ng chocolate cake na inorder niya.  Nandilat ang mga mata niya nang makita iyon.  

"HUY!  BABOY KA RIN ANO?  KANINA PALAKA, NGAYON BABOY.  HAHA.  ANO KA BA TALAGA?"

"Alam mo Eliza," napabuntong-hininga ito. "Gusto kong mag-sorry sa'yo sa lahat ng nagawa ko dati.  Badmood lang ako minsan kaya nagagawa kitang sigawan.  Imposible naman na sa kagwapuhan kong ito, hindi ako mukhang anghel, 'di ba?"

"Ano ka ba?"  naihagis niya ang tissue na pinahiran niya kanina ng patay na langaw.  Aapir kasi siya rito.  "Ang astig mo nga tingnan!  Para kang si Daniel kung pumorma!"

"Ha? Daniel?  Daniel Padilla?"

"Hindi!. Anu ka ba?  'Yung si Daniel.  Daniel Guidotti.  'Yung sa 'Walang Hanggan'!  Nung nasa bukid pa siya.  Pero ang astig na siya 'yung yumaman siya ah.  Ang gwapo niya talaga!  I remember the nights when I'm watching that soap at napapansin ko pang tumutulo ang laway ko!  Oh!"

Hinawakan nito ang kamay niya.  

Parang may kuryente yatang pumasok sa braso niya.  Napatitig siya rito.

"Pwede ba kitang yayain magdate?"

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon