Chapter 5.3- - Ang monthly bisita.

518 9 0
                                    

             TINANGGAL ni Eliza ang jacket na nakabalot sa baywang niya at sinabit sa pintuan ng cubicle ng CR.  “ Kung bakit kasi first day ko ngayon!”  Kainis.  Buti nalang may jacket ako.  Kung wala, paano kaya ako makakauwi?

            Inayos niya ang sarili para makaalis na sa marangyang CR na iyon.  Naisip lang niya ang usapan nila kanina ni Alex.

            Naguguluhan lang talaga ako sa ugali niya.  Napabuntong hininga siya.  “Hayy…Ano kayang gagawin niya bukas?  Sorry nalang talaga.  Dahil sa akin, baka bumagsak ang grado niya.  Mabait ba talaga ako?” tiningnan niya ang sarili sa salamin. Hoy.  Eliza.  Why are you just thinking of that guy?  Nung nadapa ka, tinawanan ka niya.  Tapos, iisipin mo pa rin ang kapakanan niya?  Hmm.. In-off niya ang gripo.  Kinuha niya agad ang jacket na nakasabit sa pintuan ng cubicle at lumabas na ng restroom.

            Lalabas na nga lang siya pero hindi niya magawa nang maayos.  Sumabit ang kung anong bagay na nanggagaling sa jacket niya sa pintuan, at tinanggal niya iyon.

            Kairita naman ‘to oh.

            Habang hawak-hawak ang jacket, napansin niya ang kulay pula na mantsa roon.

            “Ano ba ‘to?  Bakit may pulang mantsa?”  napabuntong-hininga siya.  “Haller.  Natapon siguro ‘yung ketsup na nilagay ko sa siopao kanina.”

            Papalabas na siya, nang Makita ang isang lalakeng nakatitig sa kanya nang malalim.  Papalapit ito sa kanya.  Kinabahan siya.  Namumukhaan niya ang lalakeng iyon.

            “Aaaalex?  Bbakit nandito kka?” gulat siya sa nakita.  Naamoy niya agad ang nakakaadik na pabango nito nang lumapit ito sa kanya.  “Sinusundan mo ba ako?” tinabunan niya ng bag ang ibabang likuran niya.

            “Yes.  I hope you don’t mind.  I’m just worried about your jacket.” Pinasok nito ang mga kamay sa bulsa.  “So ano na nga pala ‘yung bagay na papalitan mo?”

            “Ha?”  Ano ba ‘tong mga tanong niya... “Anong sinabi mo?  Paki-ulit nga?  May pagkabingi kasi ako.  Sorry.  Ano nga ulit ‘yon?”

            Ilang saglit pa ay nagsalita na ito, “Let’s practice now, Eliza.” Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya.  Ilang pulgada lang ang layo nila.  Kinabahan siya. 

            Anong ginagawa niya?  Is he-----

            Hindi niya alam kung bakit natutunaw siya.  And those eyes were just so terrifying.  It makes me----

            Bigla nitong ginagap ang baywang niya.  Gosh.  What is he---  “You’re blushing. Bakit?  Sa’yo nalang muna ‘tong coat ko.”  Ibinulumbon nito ang coat sa baywang niya.  “Make sure na maaayos mo ‘yan paglaba.  Baka ‘pag binalik mo ‘to, bakas pa ‘yung pulang bagay..”

            Napahinto siya.  Natigilan siya sa mga salitang binitiw nito.

            Napatingin siya sa mga mata nito.  At ang mga labi nitong parang gustong ngumiti.  Gusto niyang magtaas ng kilay pero mas nangibabaw ang pagkahiya niya rito.  Mas lalo pang nag-iinit ang mga pisngi niya.

            “Alam… mo?”   

            Hindi ito sumagot.  Sa halip, ngumiti ito.  Parang gusto nang mag-collapse ni Eliza. 

            Hinaltak siya nito at hinila para maglakad.

            “Huy!...Saan ttayo pupunta?”

Where is my ULTIMATE Crush? {Unbelievable TRUTH!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon