Katharina
Hating Gabi na pero gising pa rin ang aking diwa. Namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa gutom. Nakahiga sa kalye nakatanaw sa aso na kumakain.
" Buti pa ang aso nakakakain samantalang ako heto at nagugutom."
Ako nga pala si Katharina Almazan ulilang lubos nakatira sa kalsada. Ako ay labing pitong taong gulang. Labing Lima lamang ako ng mamatay ang aking mga magulang. Namatay sila dahil sa Isang aksidente. May mga kamag anak pa ako pero pinalayas nila ako. Kaya heto ako Ngayon mag isa at nagtitiis sa malamig na Gabi.
Kinabukasan,
Nandito kami ni Etoy sa palengke nagbabakasakali na makahingi ng pagkain. Si Etoy ay Isang batang kalye din katulad ko.
Maraming tao dito mahirap, maykaya, matanda, at Bata. Nandito kami ni Etoy sa harap ng Isang bakery nag aabang na may magbigay ng makakain.
Pero nagulat na Lang ako ng bigla nalang kinuha ni Etoy ang tinapay na nakalagay sa Isang estante. Inabot ni Etoy sa akin ang tinapay at nagsimula kaming tumakbo ng hinabol kami ng tindera." Magnanakaw! Magnanakaw!." sigaw ng tindera.
Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo nang biglang natalisod si Etoy.
" Ate, tulungan mo ako." Impit na iyak ni Etoy ng Makita Kong hawak na siya ng tindera.
Lumapit ako sa kanila at inabot sa tindera ang tinapay na ninakaw ni Etoy.
" Maawa po kayo! Hindi na po namin uulitin" sabi ko.
"Mga sinungaling! Ang galing niyong magpaawa pero kapag nagnakaw kayo ang lalakas ng loob ninyo." Galit na sigaw ng tindera.
Tapos pinalo niya ng kahoy si Etoy.
" Wag po! Wag po! Masakit po." Sigaw ni Etoy.
" Tama na po!" Sigaw ko bago yumakap Kay Etoy para saluhin ang mga Palo na dapat para sa kanya.
" Tsssk... Dyan na nga kayo mga magnanakaw." Galit na sabi ng tindera.
Ganito lagi...
Palagi na lang ganito, palagi na lang nasasaktan ang mga katulad namin lahat na lang sila ang tingin sa Amin ay basura.
Hindi namin ito ginusto.
Hindi namin ginusto na mawalan ng magulang.
Hindi namin ginusto na tumira sa kalye.
Hindi namin ginusto na magutom.
Tao lang din kami tulad niyo nasasaktan.
Biktima lang kami ng pagkakataon.Tinulungan Kong tumayo si Etoy at dinala siya sa ilalim ng Tulay Kung saan naroon ang aming bahay. Kung bahay bang matatawag ang pinagtagpi- tagping damit at karton.
" Etoy, diba sinabi ko na sa iyo na Mali ang magnakaw. Pero bakit ginawa mo pa Rin?" Tanong ko Kay Etoy.
" Ate, sorry hindi ko naman ginusto na magnakaw pero nagugutom na po kasi talaga ako. Kahapon pa po tayo walang kain. Nag iingay na po ang mga bulate sa tiyan ko." Natawa ako sa huling sinabi ni Etoy.
" Ikaw talagang Bata ka. Basta wag mo nang uulitin yun. Naintindihan mo."
" Opo!" Sabi ni Etoy.
" Oh! Siya dito ka muna at mamalimos lang ako." Sabi ko dito at tumungo na sa labas.
Pumunta ako sa simbahan Kung saan maraming batang kalye ang namamalimos.
" Palimos po! Palimos po! " Paulit ulit Kong sabi lumapit ako sa magkasintahan na nakaupo malapit sa fountain.
" Palimos po!" Sabi ko. Aabutan na Sana ako ng lalaki ng pera pero pinigilan siya ng kasama niya.
" Wag mong bigyan Yan. Tinuturuan mo lang Silang maging tamad. Imbes na magtrabaho para may makain ay mas pinipili pa nilang manghingi ano bang Akala nila pinupulot lang natin ang pera. Mga salot sa lipunan.'' sabi nung babae sabay Hila sa kasama niya paalis.
Nasaktan ako sa sinabi nang babae.
Kung pwede lang magtrabaho ginawa ko na. May tatanggap ba sa akin sa Isang maruming katulad ko. Naiinggit ako sa ibang Bata na kasama pa ang mga magulang nila. Nakakakain ng masasarap na pagkain. May maayos na tirahan. May magandang damit. Nakakapag aral. Maraming Kaibigan. Ang inaalala lang ay Kung paano sagutan ang kanilang mga takdang aralin.Nakakainggit sila. Sabagay kasalanan ko naman Kung bakit namatay ang mga magulang ko. Kasalanan ko Kung bakit naghihirap ako Ngayon. Pero sapat na ba na dahilan yun para mahirapan ako ng ganito Ngayon. Sa pagkakaalala ko naging mabuting anak, Kaibigan at estudyante ako. Pero bakit ganito?
Bakit ang sakit?Ala sais na nang Gabi ng bumalik ako sa ilalim ng Tulay. Dala Dala ang Isang plastik na may lamang pansit. Masaya ako dahil kahit papaano ay nakadiskarte ako.
Pumasok ako sa maliit na bahay na pinaghirapan naming gawin ni Etoy. Pagkapasok ko Nakita kong nakahiga si Etoy. Lumapit ako sa kanya at nagulat dahil sobrang init niya. Mataas ang lagnat niya at dumudugo ang ilang parte ng katawan niya Dala ng pagpalo sa kanya ng tindera kanina.
" Etoy! Gising! Gumising ka, kakain pa tayo may Dala akong pansit diba gusto mo yun. Paborito mo yun." Sabi ko habang umiiyak.
Niyugyog ko ng niyugyog si Etoy pero hindi pa Rin siya nagigising. Nagpasya ako na lumabas na para humingi ng tulong .
" Tulong! Tulungan niyo po kami. Nilalagnat po ang kasama ko."
May tumulong sa akin na dalawang matanda. Agad naming dinala si Etoy sa hospital. Naghintay kami sa waiting area pero ni Isang nurse o doctor ay Wala man lang lumalapit sa Amin. Kinakabahan na ako dahil hindi pa Rin bumababa ang lagnat ni Etoy bagkus ay tumataas pa ito Lalo.
Lumipas na ang Isang Oras pero Wala pa ring lumalapit sa Amin na nurse. Kaya nagpasya na lang akong lumapit sa Isang nurse.
" Nurse, bakit Wala pong nag aasikaso sa kasama namin.'' sabi ko sa nurse pero tinulak niya lang ako.
" Bakit may pera ba kayong pambayad. Tignan mo nga ang SARILI mo ang dungis dungis mo." Inis na sabi ng nurse.
" Kath!" tawag sa akin ni Aling Memang, Yung tumulong sa akin na dalhin si Etoy dito sa hospital.
" Bakit po? " tanong ko.
" Hindi na humihinga si Etoy." nanghihinang sabi ni Aling Memang. Siya kasi ang may hawak Kay Etoy.
" Po? Paanong hindi na humihinga si Etoy? Ano pong ibig niyong sabihin? " sabi ko habang tumutulo ang aking luha, dahan dahan akong lumapit Kay Aling Memang at hinawakan si Etoy. Bakit ganun kanina napaka init niya pero Ngayon malamig na siya.
"Tulong! Tulungan niyo kami." Sabi ko habang walang sawang tumutulo ang mga luha ko. Pero tinutulak lang nila ako.
" Guard, ilayo niyo yang Bata na Yan dito nakakaisturbo lang Yan dito." Sabi nang Isang doktor.
" Doctor kayo diba? Gumagamot kayo ng may mga sakit pero bakit hindi niyo kami tinulungan? Bakit hinayaan niyong mawala si Etoy." ansakit. May nawala na naman sa akin. Iniwan na naman ako.
YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.