Nang Gabing mamatay ang tatay ko ay isinumpa ko na Ang mga doktor. Mas Lalo Yung nadagdagan ng hinayaan lang din nilang mamatay si Etoy. I loath them.
Pagkatapos ng libing ay naglakad na ako pauwi dahil sa sobrang lungkot ko ay di ko na namalayan ang Oras. Madilim na pala. Nagpasya akong dumaan sa iskinita mas mapapabilis kasi ang pag uwi ko. Lumiko ako sa kanan kahit na madilim ay pinili ko pa Rin itong daanan dahil gusto ko nang umuwi at ipahinga Ang aking Mata. Alam ko na mugto na ito dahil kahapon pa ako umiiyak. Sa paglakad ko ay may nadaanan akong mga nag iinuman. Kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Napatakbo ako ng maramdaman Kong may sumusunod sa akin. Lumiko ako sa Isang iskinita Kung saan alam Kong may mga dumadaan na sasakyan.
" Miss, ba't ka naman tumatakbo" sabi ng Isang lasing. Kinakabahan na ako dahil papalapit na sila ng papalapit sa akin.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko dahil tumatakbo na Rin sila. Lima sila at lahat matanda na. Hindi naman ako Tanga para hindi Malaman ang gagawin nila sa akin. Sobrang bilis ng pangyayari, hawak na agad ako ng Isang lasing.
" Maawa po kayo! Wag po!" Iyak ko ng
bigla na lang akong sinabunutan ng Isang kasama ng may hawak sa akin." Shhhh! Wag kang maingay. Pramis masasarapan ka sa gagawin namin sa iyo." sabi ng Isang kalbong lasing.
Pinagtulungan nila ako. Isa Isang pinunit ng mga lalaki ang damit ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Katapusan ko na. Makakasama ko na Ang mga magulang ko. Hinalikan ako sa leeg ng Isang lalaki alam ko na Ang mangyayari ngayong Gabi mawawala ang puring iningatan ko sa loob ng labing pitong taon. Buti Sana Kung ganun lang. Alam ko naman na balak din nila akong patayin pagkatapos nilang pagsamantalahan ang katawan ko. Binalak Kong manlaban pero sinuntok ako sa sikmura ng kalbong lasing dahilan para mawala ang ulirat ko. Kasabay ng pagkawala ng ulirat ko ay ang pagbalik tanaw ko sa nakaraan.
Flashback
July 12
Ngayon ang huling lamay ni tatay. Nandito Ang mga kamag anak namin at malalapit na Kaibigan. Nakikiramay sa pagkawala ng aking tatay. July 8 nung nangyari ang karumal dumalo na krimen at Hanggang Ngayon hindi pa Rin namin alam Kung bakit nila ginawa yun sa mga magulang ko. At Hanggang Ngayon hindi pa Rin sila nahuhuli ng mga pulis nagpapagala gala at nabubuhay ng Masaya samantalang kami ng nanay ko heto at nagdurusa. Simula din ng araw na iyon ay hindi na muling nagsalita pa si nanay. Na trauma marahil dahil sa nangyari. Nag aalala din ako Kay nanay dahil parati siyang tulala.
" Esme, nakikiramay kami sa nangyari Kay Arman." Sabi ni Tiya Cora kapatid ni nanay nag abot si Tiya Cora ng sobre Kay nanay, marahil ay pera ang laman.
Marami ang nagsabi ng pakikiramay.
Akala ko ay masakit na Ang pagkawala ni tatay yun pala ay may mas sasakit pa. Dahil kinabukasan ay Nakita ko si nanay na nakabitin at tirik na Ang Mata. Nagpakamatay ang nanay ko.Angsakit sakit, iniwan na ako ng mga magulang ko.
" Nay! Bakit mo naman ako iniwan? Nay Akala ko ba magsasama tayo Hanggang Huli? Bakit ganito? Nay! Bumangon ka dyan! Wag mo akong iwan please! Nagmamakaawa ako. Wag niyo naman akong iwan.
Ngayong araw ang libing ni nanay, tulala lang ako sa Isang tabi. Hindi alam ang gagawin. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Kung paano na ako? Bakit nangyari sa Amin ito? Bakit kami, naging mabuting pamilya naman kami, tumutulong naman kami sa kapwa namin.
" Kawawang Bata, namatay Ang mga magulang." Bulong galing sa aking likuran.
" Sino ang mag aalaga dyan?" Bulong ulit nila.
" May mga kamag anak naman kaya baka kupkupin na lang nila."
" Kath! Sa bahay kana tumira pagkatapos ng libing ng nanay mo." Sabi ni Tiya Cora.
Tango lamang Ang aking naisagot.
Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat. Unti unti ko na ring natatanggap Ang pagkawala ng mga magulang ko.Akala ko ay ayos na mabait sila Tiya Cora at Ang mga anak niya sa akin pero Isang araw nagulat na Lang ako ng bigla akong pinapalayas nila Tiya.
" Lumayas ka dito. Ikaw Ang dahilan Kung bakit namatay Ang kapatid ko." Galit na sigaw ni Tiya.
" Ano po ang ibig niyong sabihin? Paanong naging ako Ang dahilan ng pagkamatay ni nanay? " Tanong ko habang pinupulot Ang mga damit ko na itinapon nila.
Binato ako ni Tiya ng Isang papel.
" Basahin mo Yan!"
Sinunod ko si Tiya. Binasa ko nga Ang papel na naging dahilan ng pagguho ng Mundo ko.
" Esme Almazan
Ako nga pala si Esme Almazan. June 3 ng humiling sa Amin ng Isang party ang nag iisa namin anak na si Katharina. Gusto namin iyon ibigay sa kanya pero Wala kaming pera dahil natanggal sa trabaho ang Asawa Kong si Arman. Kaya ang ginawa namin ag mahal Kong Asawa ay nangutang kami ng pera sa Isang Bombay. Nangako kami na babayaran namin ang aming inutang sa susunod na buwan. Pinautang nila kami ng singkwenta mil.
June 6
Kaarawan ng aming Unica hija. Masaya kami dahil napasaya namin siya. Nagsimula na Rin kaming mag ipon ng pera pambayad sa Bombay. Maayos na Ang lahat nakakaipon na kami bente mil na lang ang kulang makukumpleto na namin ang bayad. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay kinailangan naming gamitin ang pera dahil bigla na lang nag collapse ang Asawa ko dinala namin siya agad sa hospital. Nagastos namin lahat ang ipon namin. Kailangan na naman naming mag ipon. Dumating ang araw ng aming bayaran ngunit kulang pa ang aming ipon nakakalimang libo pa lang kami. Nakiusap kami sa kanila na baka pwede pa nila kaming bigyan ng palugit. Pero hindi nila kami pinakinggan bagkus ay binugbog pa nila Ang aking Asawa at sinaksak ng kutsilyo. Itinali nila ito sa upuan at hinayaang umagos ang dugo nito.Akala ko yun lang ang gagawin nila pero nagkamali ako lumapit sila sa akin at pinunit ang damit ko ginahasa nila ako sa harap ng Asawa. Nagmamakaawa siya sa kanila na itigil na nila ang ginagawa nila sa akin pero hindi nila pinakinggan ang Asawa ko. Hindi ko alam Kung ilan sila ang alam ko lang pinagpasapasahan nila ako.
" Yan ang napapala ng hindi nagbabayad ng utang " sabi nila bago tuluyang umalis. Nandidiri ako sa sarili ko"
Kasalanan ko!
Kasalanan ko Kung bakit namatay Ang mga magulang ko dahil hinangad ko na magkaroon ng Isang party ang naging kapalit ay ang Buhay ng mga magulang ko. Nang araw na iyon ay umalis ako sa bahay nila Tiya at nagsimulang manirahan sa kalye.
YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
عاطفيةKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.