BastePagkatapos naming mamili ni Katharina kanina ay dumiretso ako sa study room ko dahil may bago akong pasyente. Pinag-aaralan ko ang sakit nito. Dahil ayaw kong may mamatay na naman akong pasyente. Hindi kinakaya ng konsensya ko. Hangga't maaari ay gusto Kong iligtas ang lahat ng mga nagiging pasyente ko pero hindi naman ako diyos para mangyari yun. Kaya para maibsan Ang konsensyang nararamdaman ko ay ibinibigay ko talaga ang lahat para lang gumaling ang mga pasyente ko.
Patapos na ako sa ginagawa ko ng kumatok si Katharina sa pinto ng study room.
" Ahmm, Baste nakapagluto na ako ng mga pagkain. Tara kain na tayo sa baba." tawag nito sa akin.
Agad naman akong tumalima dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Ngayon na lang ulit may nagluto ng pagkain para sa akin. Simula kasi ng umalis ako sa bahay namin ay ako na lang ang laging nagluluto ng mga kinakain ko.
Kare-kare ang niluto ni Katharina. Natutuwa ako dahil makakain na ulit ako ng kare-kare, favorite ko kasi yun.
Sa unang subo ko pa lang ay nanuot na agad sa bibig ko ang sarap ng kare-kare. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong kasarap na pagkain. Sa sobrang sarap nga nito ay hindi ko na namalayan na naubos ko na pala Ang lahat ng niluto ni Katharina.
Ang sarap talaga! Hay, hahanap-hanapin ko ang luto ni Katharina.
Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko ang saya sa mga mukha nito. Na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
'Heart, hinay-hinay lang. Bata pa yang nasa harap mo. Matuto kang maghintay ng tamang panahon.' paalala ko sa sarili ko.
Katharina
Pagkagising ko kinabukasan ay agad kong hinanap si Baste pero hindi ko na siya nakita. Siguro ay umalis na siya. Dahil sa naisip ay bigla akong nalungkot. Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?
Malungkot na dumiretso na lang ako sa kusina at kumuha ng tubig. Sa pagsara ko ng pinto ng ref ay may nakita akong sticky note. Agad kong kinuha yun at binasa.
Katharina,
Hindi na kita ginising dahil alam kong masarap ang tulog mo at napagod ka kahapon dahil sa pamimili natin ng mga gamit mo.
Kapag nabasa mo ito ay tiyak na nasa trabaho na ako kaya huwag mo na akong hanapin.
Mag-iingat ka dyan.
Baste
Pagkatapos kong basahin ang iniwan na sulat ni Baste ay nakaramdam ako ng kasiyahan. Ang bait niya talaga. Hindi niya ako ginising dahil alam niyang pagod ako at nag-iwan pa siya ng sulat para lang ipaalam na nasa trabaho na siya. Kaya ang lungkot na nararamdaman ko kanina dahil akala ko ay hindi siya nagpaalam sa akin ay napalitan ng saya ng malaman ko na nag-iwan pala siya ng sticky note.
Itinabi ko Ang sticky note at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin Ang Isang magandang garden. Hindi ko ito masayadong napagtuunan ng pansin kahapon dahil agad akong pumasok ng kotse ni Baste pero ngayon ay sobrang na-appreciate ko Ang Ganda ng garden. Lumapit ako sa mga bulaklak at pinagsawa Ang aking mga mata sa gandang taglay ng mga ito.
Ang gaganda ng mga bulaklak.
Ngunit napansin ko rin na ang ibang bulaklak ay tuyo na, marahil ay kulang sa dilig kaya napag-pasiyahan ko na magdilig ng mga halaman.
Masaya akong nagdidilig ng biglang may mag doorbell. Lumabas ako para tignan kung sino iyon.
" Hi!" bungad sa akin ng isang magandang babae.
" Hello!" bati ko dito pabalik. Hindi ko alam Ang sasabihin ko. Hindi ko siya kilala. Pero dahil mukhang mabait naman siya ay pinapasok ko siya.
" Ako nga pala si Mariel! Kasambahay ako dyan sa kabilang bahay." pakilala nito.
" Ako si Kathrina!" pakilala ko dito.
" Kasambahay ka Rin dito?" tanong nito.
" Hindi! Pero simula Ngayon dito na ako nakatira. Kaya madalas tayong magkikita."
" Hay, buti naman. Ano kasi, day off ko ngayon. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Malayo kasi yung probinsya namin dito. Hindi kaya kung uuwi pa ako dun. Kaya balak ko na lang sana mag-stay sa mansion pero napansin ko na may nagdidilig dito kaya pumunta ako dito. Naisip ko kasi na baka may kasambahay na Rin ang nakatira dito." mahabang paliwanag niya.
" Ahh, ganun ba! Huwag kang mag-alala matagal akong mamalagi dito kaya kung nababagot ka eh pwede kang pumunta dito." sabi ko.
Ngumiti siya sa akin. " Ang bait mo naman."
" Hindi naman, mabuburyo lang din kasi ako dito sa bahay. Mas gusto ko pa Rin ang may kausap." sabi ko.
Tumingin ako sa kanya ng bigla siyang nanahimik. May nasabi ba akong mali? Tatanungin ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita.
" Ahmm, pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong nito.
" Ahh, Yun lang pala eh! Akala ko kasi may nasabi akong Hindi maganda kaya bigla kang tumahimik. Okay lang, gusto ko rin na maging kaibigan ka." sabi ko.
Matapos ay masaya kaming nag-usap. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Simula kasi ng mamatay Ang mga magulang ko ay nawala na Rin ang mga kaibigan ko.
Masayang kasama si Mariel dahil madaldal ito. Ni hindi nga kami maubusan ng topic. Hindi ko na nga namalayan ang oras at hapon na pala.
" Hala, hapon na pala. Kailangan ko ng magluto para sa dinner namin." sabi ko ng mapansin kong papalubog na Ang araw. " Mariel, gusto mo ba na dito ka na lang kumain?" tanong ko dito. Agad na umiling si Mariel.
" Huwag na, uuwi na Rin ako sa mansion. Baka kasi hinahanap na ako ng alaga ko. Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap at magkwentuhan. " sabi nito.
" Okay!" sabi ko sabay thumbs up. Hinatid ko si Mariel palabas ng bahay.
" Bye, see you later!" paalam nito sa akin.
" Bye din, nag-enjoy akong kasama ka. Sa uulitin." paalam ko sa kaniya.
Nang makaalis na siya ay agad akong nagluto ng dinner. Habang nagluluto ay naglinis na rin ako, hindi kasi ako nakapaglinis kanina dahil dumating si Mariel.
Madali lang naman linisin ang bahay ni Baste dahil malinis na talaga ito. Ni wala nga ako makita na dumi dito. Marahil ay may naglilinis na talaga dito. Tapos na akong magluto at maglinis kaya nagpapahinga na lang ako habang nag-iintay Kay Baste.

YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.