KatharinaIsang buwan na rin ang itinagal ko dito sa bahay ni Baste. Alam ko na ang bawat sulok ng bahay na ito. Masasabi ko rin na kilala ko na si Baste. Sa isang buwan na pamamalagi ko dito ay lalo ko lang napatunayan na mabuting tao si Baste. Lagi niya akong binibigyan ng pasalubong tulad ng chocolates at donut. Binibigyan niya ako ng time para makapag-usap kami. Pinagluluto at pinapasyal niya ako tuwing day off niya at marami pang iba. Minsan nga ay naiisip ko na nililigawan na ako ni Baste pero impisibleng mangyari yun, likas lang talaga na mabait si Baste.
Kasalukuyan akong nanonood. Wala kasi akong magawa kapag wala dito sa bahay si Baste. Alangan namang araw-araw akong maglinis diba. Kaya nililibang ko na lang ang sarili ko. Pero sa araw na ito ay ibang klaseng pagkabagot ang nararamdaman ko. Pinatay ko na ang TV dahil nabuburyong na ako. Ayoko ring magbasa. Hindi ko naman pwedeng kausapin si Mariel dahil may trabaho din ito.
Hayy, ano kaya ang magandang gawin para maibsan ko Ang aking pagkabagot.
Isip, isip, isip
Ting....
Tama, gagawa na lang ako ng diary. Isusulat ko na lang ang naging karanasan ko simula ng mawala ang mga magulang ko.
Diary? Diba may diary si mama?
Teka, nasaan na nga pala ang diary ni mama. Agad kong hinanap ang diary ng mama ko. Mahalagang mahanap ko yun dahil doon nakasulat ang lovestory at ang trahedyang nangyari sa pamilya namin. Napakahalaga ng diary na yun para sa akin. Pati na rin sa mga magulang ko.
Lungkot at takot ang naramdaman ko ng hindi ko mahanap ang diary ni mama.
Nasaan na Yun? Naiiyak na bulong ko. Kailangan kong mahanap yun. Yun na lang ang nagsisilbing alaala ko sa mga magulang ko.
Nahalughog ko na Ang buong kwarto ko pero hindi ko talaga mahanap. Nanghihinang napasalampak ako sa sahig.
Wala na! Wala na ang bagay na siyang mag-papaalala sa akin sa mga magulang ko.
Gusto kong maglumpasay at magwala. Pero napigilan ko ang aking sarili ng maalala ko na Kung saan nakalagay Ang diary ni mama. Bakit ko ba kasi dito hinahanap eh nasa ilalim nga pala ng tulay yun kasama ng iba ko pang mga gamit. Hindi na nga pala ako nakabalik sa tulay simula ng tumira ako dito sa bahay ni Baste.
Sa kagustuhan Kong makuha agad Ang diary ni mama ay agad akong umalis. Ni hindi na ako nag-abala pang mag-iwan ng sulat na aalis muna ako, dahil babalik din naman ako agad.
Sa aking paglabas ay nakasalubong ko si Mariel. Halatang galing ito sa palengke dahil sa mga Dala nito.
" May lakad ka?" tanong nito.
Tumango ako at agad na umalis. Hindi ko na nga narinig ang mga sunod nitong sinabi dahil sa pagmamadali.
Sana nandun pa Yung diary ni mama.
Piping dasal ko.Lumipas ang halos isa't kalahating oras bago ako makarating sa ilalim ng tulay. Agad akong dumiretso sa Lugar kung saan ako natutulog at laking pasasalamat ko dahil nandun pa Rin ang mga gamit ko kahit na isang buwan na akong Hindi bumabalik dito.
Inayos ko ang mga gamit ko at inilgay iyon sa Isang plastic. Unti lang naman ang mga gamit ko. Puro damit nga lang yun.
" Katharina? Ikaw ba yan?" tanong ni Aling Memang, Ang matandang babae na nakatira sa tabi ng tinutulugan ko. Siya at Ang Asawa nito Ang tumulong sa akin na dalhin si Etoy sa hospital.
Kakaibang sakit ang naramdaman ko ng biglang dumaan sa isip ko ang maamong mukha ni Etoy.
" Opo, ako nga po ito." sagot ko dito.
" Hay, salamat sa diyos at nakabalik ka ng ligtas. Ang Akala namin ng asawa ko ay may nangyari ng masama sa iyo dahil isang buwan ka ring Hindi umuwi." sabi nito.
" Salamat po sa pag-aalala niyo. Ipinagpapasalamat ko po na nakilala ko kayo." buong puso na sabi ko at niyakap ito. Binigyan ko rin siya ng pera, pasasalamat sa mga naitulong nila sa akin nung mga panahong lugmok ako sa hirap.
" Para saan ito?" tanong ni Aling Memang. " Pasasalamat ko po sa inyo yan." sabi ko.
" Naku, salamat dito ah."
" Wala po Yun, kulang pa nga po Yan sa mga naitulong niyo. Tsaka baka ito na Rin po Ang huli nating pagkikita."
" Bakit? May matutuluyan ka na ba?" masayang tanong nito. Na para bang masaya siya na may maayos na ako na matitirahan.
Tumango ako bilang sagot. " Kaya lang naman po ako nandito ay dahil kinuha ko ang mga gamit na naiwan ko."
" Masaya ako para sa iyo. Sana ay magtuloy-tuloy na Ang magagandang pangyayari sa Buhay mo." bakas ang saya sa tuno nito.
" Sana nga po!" sabi ko. " Aling Memang, napansin ko po na parang Hindi niyo kasama si Manong Waldo."
Bumakas Ang lungkot sa Mukha ni Aling Memang na siyang ipinagtaka ko. " Isang linggo, simula ng mawala ka na parang bula ay inatake sa puso ang aking asawa. Tulad Kay Etoy ay tulong-tulong din kami sa pagdala sa kanya sa hospital nagbabakasakali na maililigtas pa Ang aking asawa mula Kay kamatayan. Ngunit parang bato ang puso ng mga doktor doon. Hinayaan lang nilang maghirap at mamatay ang asawa ko." naiiyak na kwento ni Aling Memang.
Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil parang pangalawang ama ko na Rin si Manong Waldo. Nalulungkot ako dahil sa nangyari sa kanya.
Mga walang puso talaga Ang mga doktor. Hindi sila tutulong kung walang kapalit. Dahil sa nangyari kay Manong Waldo ay lalo lang nadagdagan Ang galit ko sa mga doktor. Hindi dapat sila hangaan dahil imbes na magdugtong ng Buhay ay hinahayaan lang nilang mamatay ang mga tao. Hindi naman namin kasalanan na ipinanganak kaming mahirap. Hindi namin ito ginusto ngunit bakit kung tignan kami ng lipunan ay para kaming mga salot.
" Nakikiramay po ako sa inyo. Sana ay nasa maayos na lagay na po si Manong Waldo." sabi ko.
" Kung nasaan man ang aking asawa ngayon ay tiyak na masaya at binabantayan niya ako." nakangiting sabi ni Aling Memang na para bang sinasariwa ang pagmamahalan nila ni Mang Waldo.
Nagkwentuhan pa kami ni Aling Memang. Masayang kinuwento sa akin ni Aling Memang ang pag-iibigan nila ni Manong Waldo. Ramdam ko Ang saya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Aling Memang. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip at magpantasya.
Ako kaya? Kailan kaya ako makakaranas ng tunay na pag-ibig? Pag-ibig na tulad ng kay nanay at tatay pati na rin kay Aling Memang at Manong Waldo.

YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.