KatharinaHindi ko na alam kung anong oras ba ako nakauwi kagabi. Basta ang alam ko lang ay si Baste ang sumalubong sa akin. Tanda ko pa ang nangyari kagabi.
Flashback
Umuwi akong basang-basa ng ulan. Maputik at putok ang labi dahil sa mga sampal na natanggap ko. Nangingitim din ang leeg ko dahil sa pagkakasakal sa akin ni Cindy.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay ang nag-aalalang Mukha ni Baste ang bumungad sa akin. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, Hindi alintana ang malamig kong katawan na yumakap pabalik sa kanya.
" I thought you left me." sabi nito. Tumingin ako sa mga mata niya. Samu't saring emosyon ang nakita ko doon. Takot, pag-aalala, saya at meron pang isa na hindi ko mawari.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi na lang ako nagsalita takot na baka umiyak lang ako sa harap niya.
Hinawakan niya ang mukha ko. Umarko ang kilay nito. " What happened to this?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang labi kong pumutok.
Nagbaba ako ng tingin, dahil hindi ko kayang harapin ang mapagtanong niyang mga mata. Umiling ako bilang sagot.
" Tell me, maghapon kang wala, tapos pagbalik mo ganyan ang itsura mo. Alam mo ba na sobra mo akong pinag-alala. Ibang klaseng takot ang naramdaman ko, pag-uwi ko kaninang tanghali ng hindi kita madatnan dito sa bahay. Akala ko...... iniwan mo na ako." mahabang litanya nito. Natuwa ako ng marinig kong nag-aalala siya sa akin. Pero hindi ko talaga siya kayang sagutin.
Bumuntong hininga ito ng mapagtantong wala akong balak na sagutin siya. " Fine, Hindi na kita tatanungin." sabi nito at tinignan ang katawan ko, mula ulo hanggang paa.
" Maligo ka na at magbihis para makakain ka na, tapos lilinisan natin ang mga sugat mo. Okay?" tumango ako bilang sagot.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa CR. Isa-isa kong hinubad ang mga damit ko at hinayaan kong mahulog ang mga ito sa sahig. Pagkatapos ay binabad ko sa bathtub ang nabugbog kong katawan. Hinayaan ko ang sarili ko na lumubog sa maligamgam na tubig. Hindi ko napigilan na mapaluha habang inaalala ko ang mga nangyari kanina.
Habang nakababad ako ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng CR. " Kath, buksan mo ang pinto. 45 minutes ka ng nandyan. Hey! Isa, pag hindi mo pa binuksan ang pinto pagkabilang ko ng tatlo, sisirain ko talaga ang pinto." wala na akong nagawa kundi ang tumayo mula sa bathtub dahil mukhang sisirain talaga ni Baste ang pinto kapag hindi pa ako lumabas.
Binuksan ko ang pinto. At Ang nanlalaking mata ni Baste ang bumungad sa akin. Hindi nakatakas sa akin ang ilang beses na paghagod ng mga mata ni Baste sa katawan ko bago tuluyang umalis.
Anong problema nun? Ipapabukas ang pinto tapos iiwan ako. Napailing na lang ako, balak ko pa sanang bumalik sa loob ng CR pero hindi na natuloy dahil bumalik ulit si Baste na may dalang bathrobe. Inabot niya iyon sa akin. " Here, wear this! Ayokong makipag-usap sayo ng wala kang damit ni isa."
Dahil sa sinabi niya ay napagtanto ko na Wala pala akong suot na damit at hubo't hubad ako sa harap nito. Dali dali Kong sinuot ang bathrobe at agad siyang pinalabas para makapagbihis.
Ano ba yan! Napakatanga ko naman! Bakit kasi hindi ako nagdala ng damit pagkapasok ko kanina sa CR? Ayan tuloy nakita niya na ang buong katawan ko. Kaya pala panay ang tingin niya sa katawan ko pagkalabas ko ng CR. Nakakahiya talaga! Nakakainis.
Dahil sa inis na nararamdaman ko ay napukpok ko ang ulo ko ng wala sa oras. Ano pa ang mukhang ihaharap ko kay Baste niyan?
Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalabas pa ba ako ng kwarto ko o hindi na, dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Nagpasya na lang ako na lumabas dahil nakaramdam ako ng gutom. Ngayon ko lang naalala na wala pala akong kain buong maghapon. Bumaba ako at dumiretso sa kusina doon naabutan ko si Baste na nag-aasikaso ng pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, pagod na nga siya tapos siya pa itong nag-aasikaso sa akin. Babawi na lang ako mamaya pagkatapos kain. Ako na lang ang maghuhugas ng pinggan. Ganun nga ang nangyari ako ang naghugas ng pinggan. Pagkatapos Kong maghugas ay pinapunta ako ni Baste sa sala.
Nakita ko siya na nakaupo sa sofa at sa lamesa na katabi nun ay may nakalagay na first aid kit. Lumapit ako sa kanya at umupo din sa sofa.
Kinuha niya ang first aid kit at sinimulan na gamutin ang mga sugat na natamo ko dulot ng pakikipag-away ko kay Cindy.
Habang pinupunasan ni Baste ang gilid ng labi ko ay Malaya ko siyang napagmasdan. Totoong gwapo si Baste. Makakapal ang kilay nito at magaganda ang kulay brown na mga mata. Pati na Ang mapupula nitong labi na parang Ang sarap halikan.
Halikan? Hindi pwede. Wala naman kaming relasyon eh. Mabait lang talaga si Baste kaya niya ako hinayaan na tumira dito sa bahay niya.
Erase, erase, erase. Sabi ko sa sarili ko habang tinatanggal sa isip ko ang kagustuhang halikan si Baste. Napapiling na lang tuloy ako sa pinag-iisip ko.
" Aray!" sabi ko ng biglang madiinan ni Baste ang pagkakalagay ng bulak sa labi ko.
" Ayan, malikot ka kasi." sabi nito na parang pinapagalitan ako dahil sa kalikutan ko. Hindi ko naman kasalanan na mukhang masarap halikan ang mga labi mo eh.
Napanguso tuloy ako.
" Kath, tumigil ka nga!" parang naiinis na sabi nito. Tumigil? Wala naman akong ginagawa ah. Hindi na nga ako naglilikot dahil baka masaktan na naman ako eh.
" Hindi na nga ako malikot eh." nakangusong sabi ko.
" That! Stop that!" sabi nito sabay turo sa labi ko.
" Bakit? Ano bang meron sa labi ko?" nagtatakang tanong ko.
" Stop pouting! You're tempting me to kiss you." nagulat ako sa sinabi ni Baste.
Kiss me? Gusto niya akong halikan? Dahil sa naisip ay lalo akong napanguso.
" Hindi ka talaga titigil ah, gusto mo talagang mahalikan ah." sabi nito na nakangisi.
" Hindi ka-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lumapat sa mga labi ko Ang malambot na labi ni Baste. Tama nga Ang nasa isip ko masarap ngang halikan si Baste.
Bahagyang pinisil ni Baste ang baywang ko na naging dahilan ng pagsinghap ko. Kaya tuluyang nakapasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ng mga sandaling yun. Nagtagal ng ilang minuton ang halik na iyon. Kaya ng pinakawalan na ni Baste ang labi ko ay sabay kaming naghabol ng hininga. Pero kahit na tapos na niya akong halikan ay nakayakap pa rin siya sa akin. Naghalikan kami? Pero wala naman kaming relasyon. Mali yun.
Kaya ng matauhan ako ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap ni Baste at tumayo. Kinuha ko rin ang first aid kit.
At nagmamadaling umakyat papuntang kwarto ko. Pero bago pa man ako tuluyang maka-akyat ay sumigaw muna ako." Ako na lang ang gagamot sa sarili ko."
Tumayo ito at tumingin sa akin. " Sige!" pagkasabi niya nun ay dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.
End of flashback-----
Tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay hindi ko mapigilang magharumentado ang puso ko.
YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.