May nawala na naman sa akin.
Nandito ako Ngayon sa simenteryo kung saan inililibing si Etoy. Naaawa ako sa kanya dahil ni hindi ko man lang siya mabigyan ng sapat at maganda na libing binalot lang namin siya ng telang puti tapos nilagay namin siya sa Isang plastic Wala kasi akong pera pambili ng kabaong. Hindi niya deserve ang ganitong klaseng libing. Hindi niya deserve na mamatay sa batang edad. Hindi siya masama." Etoy, Kung nasaan ka man Ngayon Sana ay Masaya ka. Sana sa pupuntahan mo hindi ka na magutom. Hindi ka na magnanakaw hindi ka na makakaranas ng sakit. Magiging Masaya kana makakasama mo na Ang mama mo. Hindi ka na bubugbugin ng tatay mo. Hindi ka na tatakbo sa ilalim ng Tulay para magsumbong sa akin kasi binugbog ka na naman ng tatay mo. Malaya ka na." Mahinang usal ko habang nilalagay ang bulaklak sa hukay kasama niya.
Hindi ang pagpalo ng tindera Kay Etoy ang ikinamatay niya kundi ang pambubugbog sa kanya ng tatay niya.
Hindi talaga ulila si Etoy pero walang pakialam sa kanya ang tatay niya. Anak kasi si Etoy sa ibang lalaki ng nanay niya kaya ganun na lang Kung tratuhin ng tatay niya . Katulad ni Etoy namatay din ang nanay niya dahil sa pambubugbog ng tatay niya.Nakakalungkot ang pagkawala ni Etoy. Nanumbalik tuloy sa akin ang nangyari dalawang taon na Ang nakalipas.
Flashback
June 03
Tatlong araw na lang at kaarawan ko na maglalabin limang taong gulang na ako. Gusto Kong magkaroon ng party sa birthday ko kaya kinausap ko sila nanay at tatay.
" Nay! Tay! Gusto ko po sanang magkaroon ng party sa birthday ko." sabi ko sa kanila. Nagkatinginan si nanay at tatay.
" Anak gustuhin man namin na bigyan ka ng party ay hindi namin kaya natanggal kasi sa trabaho ang tatay mo kaya hindi na sapat ang kita namin. Alam mo naman na maliit lang ang sweldo ko sa pananahi. Pwede bang maghanda na lang tayo ng pancit at palabok Yung mga favorite mo." Mahinahong sabi ni nanay. Nalungkot ako.
" Pero nakapangako na ako sa mga Kaibigan ko na may party ako sa birthday ko sabi niyo kasi magpapa party tayo." sabi ko.
" Anak, naman intindihin mo naman kami naniningil na din kasi si Aling Tasya sa utang natin kulang na kulang ang perang pumapasok sa atin Ngayon." Sabi ni nanay.
Umiyak ako.
" Sasabihan ako ng mga Kaibigan ko na sinungaling ako kapag hindi Tayo nagpaparty." umiiyak na sabi ko.
Napabuntunghininga si nanay at tatay.
" Gagawa kami ng paraan." sabi ni tatay.
" Talaga po" sabi ko. Tumango sila .
Niyakap ko sila dahil sa tuwa." Da best talaga kayo. Napakaswerte ko dahil kayo ang naging mga magulang ko. I love you Nay! I love you Tay!" Masayang sabi ko.
" Mahal na mahal ka din namin ng tatay mo." sabi ni nanay sabay yakap sa akin.
Mahal na mahal ko sila nanay at tatay
Dumating na araw ng kaarawan ko at tulad ng inaasahan ay mayroon akong party. Dumating ang mga kamag anak namin. Pati na Ang mga Kaibigan at kapitbahay namin ay dumalo. Nakasuot ako ng kulay pink na dress.
Lalong lumabas ang aking Ganda sa suot ko. Bata pa lang ako marami na Ang nagsasabi sa akin na maganda daw ako. Nakuha ko Kay nanay ang malaporselanang balat pati na Ang kanyang maamong Mukha. Nakuha ko naman Kay tatay ang aking wavy na buhok maganda ang pagkakaitim nito.
Hindi din maipagkakaila ang hugis ng aking katawan kahit kasi na Bata pa lang ako ay may kurba na Ang aking katawan. May umbok na Rin ang aking dibdib. Lalong naging mapula ang aking labi dahil sa nilagay na lipstick." Sa lahat ng dumalo sa aking kaarawan nagpapasalamat ako sa inyo. Sa aking mga magulang maraming salamat. Kung hindi dahil sa inyo ay Wala akong party Ngayon. And of course salamat sa poong maykapal dahil binigyan niya na naman ako ng panibagong Buhay. Yun lang Sana mag enjoy kayo ngayong Gabi." sabi ko. Nagsimula ng kumain ang mga bisita. Lumapit ako kila nanay at tatay at niyakap sila.
" Maraming salamat po." sabi ko.
Matiwasay na natapos ang party. Nagsi uwian na Rin ang mga bisita marami akong natanggap na regalo. Pero ang pinakamaganda ay ang Isang Family picture Kung saan naka upo kaming tatlo sa Isang upuan at may magandang ngiti. Paka iingatan ko itong picture na ito.
Lumipas ang Isang buwan. Balik eskwela na Rin kami grade 10 student na ako. Ako ang nangunguna sa aming klase. Mabilis na lumipas ang Oras, uwian na namin. Pagka uwi ko ay nagulat ako dahil maraming tao sa harap ng aming bahay.
" Aling Tasya, ano pong meron? " Tanong ko dito.
" Ang tatay mo binugbog ng mga lalaking naka itim basag nga ang Mukha eh. Atsaka may saksak pa. Ang nanay mo naman ay ginahasa ng mga lalaking naka itim. Dinala sila sa malapit na hospital." Sabi ni Aling Tasya.
Nagulat ako sa aking mga nalaman. Bakit nila gagawin yun? Ano ang kasalanan ng mga magulang ko. Mabuti Silang tao at ni Minsan ay hindi sila napasama sa mga gulo dito kaya bakit? Bakit sila pa?
Nagmamadali akong pumunta sa hospital. Pagkarating ko doin Nakita ko sa may lobby si tatay kasama si nanay na mukhang Wala sa sarili. Halata ang hirap sa Mukha ni Tatay pero kahit na ganoon ay Wala pa ring nag aasikaso sa kanila. Pinapabayaan lang sila na maghirap lumapit ako sa Isang nurse na nakaupo lang.
" Bakit hindi niyo inaasikaso ang nanay at tatay ko? " tanong ko.
" Halata naman kasi na Wala kayong pambayad tsaka mamamatay na yang tatay mo sa sobrang dami ba namang dugo na nawala sa kanya. Ewan ko lang Kung mabuhay pa yan." Sabi ng nurse.
Nagalit ako sa kanya kaya sinabunutan ko siya.
" Wala kang karapatang sabihing mamamatay na ang tatay ko dahil hindi ka Diyos" galit na asik ko. Sasabunutan ko pa Sana ulit Yung nurse ng bigla na lang umubo ng dugo ang tatay ko.
" Tay, ano po ang nangyayari? Tulungan niyo kami." Sigaw ko pero pinagmasdan lang nila kami. Dinaan daanan lang. Bakit? Dahil ba mahirap lang kami. Ganun ba? Wala ba kaming karapatan?
Nang Gabing iyon namatay sa bisig ko Ang aking tatay. At nang Gabing din iyon ay nagsimulang umusbong ang galit ko sa mga doctor.

YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.