Author's note:
Hehehe, joke lang yung unang note ko. Pero gusto ko po talagang malaman yung reaction niyo about sa story ko so please comment. Feel free to correct me. Kahit isang vote or comment lang masaya na po ako!!!
Bye the way thank you for reading!
____________________
Katharina
Kinabukasan, ay pumunta kami sa mall para mamili ng mga pangangailangan ko. Damit lang kasi ang nabili niya kahapon. Dress nga lang yun eh.Tsaka Isang pares ng underwear. Nandito kami sa mini grocery dito sa loob ng mall. Una kong binili ang mga toothbrush, shampoo, sabon at mga bagay na kailangan ng isang dalagang katulad ko. Nakasunod lang siya sa akin at naglalagay rin ng mga bagay na nagustuhan niya sa cart. Nahinto kami sa lugar na may mga gel. Yung nilalagay sa buhok. Nakita ko siyang pumili ng kulay orange na gel. Papaya yung flavor. Binasa ko yung pangalan 'pH care natural intimate wash papaya extract ' yung nakalagay. Pinanood ko siya habang binabasa yung description. Kung paano ata gamitin. Binigay niya yun sa akin " Do you want this?" tanong niya. Hindi ko siya naintindihan bakit ko naman gugustuhing gumamit ng gel eh panglalaki yun. " Ayoko! Hindi ako naglalagay ng gel sa buhok ko panlalaki yun eh." sagot ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. " Gel?"
" Oo, gel ito diba." tukoy ko sa hawak ko. " No it's not! It's a feminine wash."
Feminine wash? Ano yun?
" Ano yung feminine wash? Nakakain ba yun? Naiinom? Iniinom ba ito? Akala ko kasi gel eh. Mukha kasi siyang gel eh."
Napailing siya at kinuha ang hawak ko. " It's use to wash your private part."
Ahhh, panghugas pala yun ng private part. Teka, ano nga ulit yung private part? Biglang nanlaki ang mata ko nang maintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Panghugas ito ng ______. Hindi ko na sasabihin alam niyo na yun. Dahil sa naisip ay bigla kong hinawakan ang sensitibong parte ng katawan ko. Na para bang nais ko iyong takpan.
" Hey, why are touching your private part in a public places?" tanong niya.
" Ah eh, nabigla lang ako, nung naintindihan ko na yung ibig mong sabihin." nahihiyang sabi ko. Hindi ko naman kasi alam na feminine wash pala yung ginagamit panghugas ng _____ safeguard lang kasi gamit ko.
Tinuloy tuloy na namin ang pamimili. Ngayon nandito na kami sa harap ng mga sanitary pads. Sinabi niya kanina na bumili na kami ng ganito para handa na kung sakaling magkaroon man ako ng menstruation. Nahihrapan akong pumili. Maganda kasi lahat eh. Wala dito yung murang napkin na nabibili lang sa tindahan ni Aling Choleng. Nabagalan siguro siya sa akin kaya tumingin-tingin na rin siya. Hindi na ako magtataka kung marami siyang alam sa sanitary pads dahil mukhang marami na siyang naging girlfriend.
" Hey, look! It's a napkin with wings." sabi niya sa hawak niya. Mukha siyang tuwang tuwa sa nakikita. He look amaze.
" Bakit may wings yan? Lilipad ka ba pag ginamit mo yan?" parang batang tanong niya. Napamaang ako, Wala siyang alam tungkol sa mga napkins.
" Hindi!" sagot ko. " Eh bakit nga may wings?" tanong niya.
" Secret!" sabi ko at kinuha ang hawak niya at nilagay iyon sa cart na dala namin. Yun na lang ang bibilhin ko. Matapos mamili ng mga pangangailan ko dumiresto kami sa tindahan ng mga damit at underwear.
Dito ako nahirapang mamili dahil lahat ay mahal. Wala man lang mura. Dapat sa divisoria na lang kami namili eh.
Kaya pinili ko na lang ang mga mura. Hindi ko naman kailangan ng mahal ang mahalaga lang naman sa akin ay may maisuot ako.
Patapos na akong mamili ng makita ko siyang tumitingin sa mga sexy na damit. Yung parang swimsuit pero pangtulog. Lingerie ata tawag dun. Pinagmamasdan niya yung kulay pulang lingerie na para bang gusto niya iyong bilhin. Hindi nga ako nagkamali dahil binili niya iyon at ibinigay sa akin.
Anong gagawin ko dito?
" It's for you! Ahmm, sabi kasi nila komportable daw matulog ang babae kapag ganiyan ang suot." sabi ni Baste. Agad ko iyong tinanggap kahit na hindi ko naman isusuot yun mas komportable kasi ako sa pajama lang.
Matapos mamili ng mga gamit ko ay namili na rin kami ng mga pagkain. Sapat para sa isang linggo. Umuwi na rin kami. Dahil madami daw siyang aasikasuhin dahil sa susunod na araw ay may pasok na siya sa trabaho.
Pagkauwi namin ay dumiretso ako sa kwarto kung saan ako namamalagi. Agad kong inayos ang mga gamit na binili namin ngayon. Sinalansan ko iyon. Matapos ay bumaba na ako para magluto. Balak kong iluto ang specialty kong Kare-kare. Sinarapan ko talaga ang luto ko dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya. Kung nasarapan ba siya o hindi.
Pagkatapos magluto ay agad ko siyang tinawag. Pinapanood ko siya habang nagsasandok siya ng kanin at Kare-kare. Inaabangan ko ang magiging reaksyon niya.
Tumikhim siya pero wala naman siyang naging reaksyon.
Hindi ba masarap?
" Okay lang ba yung lasa? Masarap ba?" hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay tinuloy tuloy niya lang ang pagkain. Wala na rin akong nagawa kundi ang kumain. Natapos na kaming kumain pero wala pa rin siyang reaksyon. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako. Ngayon ko lang ito naramdaman dahil dati naman ay ayos lang sa akin kahit hindi na sila mag react sa luto ko dahil ang mahalaga ay nakakain at napagsilbihan ko sila. Pero pagdating Kay Baste ay iba. Gustong-gusto kong malaman ang reaksyon niya.
Malungkot akong nagligpit ng pinagkainan namin. At dumiretso sa kusina para mahugasan na Ang mga ito pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa kusina ay biglang nagsalita si Baste.
" It's delicious! Yung Kare-kare na luto mo ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko. This is the first time na naubos ko ang pagkaing hinanda para sa akin. So, thank you! Sana magluto ko pa ng masasarap na pagkain para sa akin." mahabang sabi nito.
Sobrang saya ko dahil sa narinig.
" You're welcome! Wag kang mag-alala dahil araw-araw kitang ipagluluto." masayang sabi ko. Dumiretso na ako sa kusina at masayang naghugas. Sa sobrang saya ko nga ay napapasayaw at napapakanta pa ako. Sa totoo lang ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya. Para bang na inspired ako na magluto para lang Kay Baste.
Pagkatapos Kong maglinis ay dumiretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Sobrang napagod kasi ako ngayong araw.
Sana lang ay magtuloy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa buhay ko.
Marahil sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako kinabukasan na wala na si Baste sa bahay. Nag-iwan lang siya ng note na nagsasabing pumunta na siya sa kaniyang trabaho.
YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.