Chapter 12:

2 0 0
                                    

Baste

I kissed her, I kissed her last night. Shit, talaga. Alam ko na mali yun pero anong magagawa ko? Sobrang naaakit ako sa kanya.

Tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay hindi ko mapigilan Ang mapangiti. Sobrang lambot ng labi niya. I know, that I took advantage of her situation but who cares atleast I already know the taste of her lips.

Kahit na masaya ako ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang itsura niya kagabi. Ilang beses ko siyang tinanong pero ayaw niyang magsalita. Sobrang nag-aalala ako sa kanya. May kaaway kaya siya? May utang na Hindi niya nabayaran kaya sinisingil siya? Pwede naman siyang manghingi ng pera sa akin para mabayaran Yun. Nahihiya ba siya sa akin? Aishhhh, sumasakit ang ulo ko kakaisip.

Habang nag-iisip ako ay hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Katharina.

" Kanina ka pa dyan?" tanong ko.

" Oo, mukha ka ngang tanga eh." seryosong sabi nito.

" Ako? Mukhang tanga? Bakit?" takang tanong ko, dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan ng tanga. At sa taong gusto ko pa. Oo gusto ko si Katharina, at napatunayan ko yun kagabi ng hinalikan ko siya.

" Kanina ka pa kasi nakangiti tapos biglang sisimangot, tapos magsasalita ng mag-isa. Akala ko nga may kausap ka kanina eh." sabi nito.

Shit, nakita niya yun? Nakakahiya, paano na yan balak ko pa naman magpa-pogi points kaso ang tingin na sa akin ni Katharina ngayon ay baliw.

Hay, ano kaya ang pwede kong idahilan sa kanya para mawala na sa isip niya ang pinaggagawa ko kanina.

" Iniisip ko lang ang nangyari kagabi." sabi ko.

" Ka-kagabi? Yung kiss?" namumulang tanong ni Kath.

" Hindi, ano... yung nangyari sayo......
marumi ka kasi kagabi tapos puro ka pa sugat...iniisip ko lang kung ano ba talaga yung nangyari? May kaaway ka ba?" tanong ko. Bumuntong hininga ito. " Wala!" maikling sagot nito.

" Kath, kung may problema ka wag kang mahiyang magsabi sa akin. Handa akong makinig dito ka nakatira sa bahay ko kaya responsibilidad kita." sabi ko.

Tumingin ito sa akin at bahagyang nag-isip.

Katharina

Nag-isip akong mabuti kung sasabihin ko ba kay Baste ang nangyari o hindi. Sabi ng isip ko huwag pero sabi ng puso ko sige. Ano ba yan ang hirap namang mamili.

Sa huli, sinunod ko pa rin ang aking puso. Habang sinasabi ko ang lahat ng nangyari ay umiiyak ako. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.

Sinabi ko ang lahat ng nangyari kahapon, wala akong itinirang detalye. Kung paano ako pumunta sa ilalim ng tulay kung saan ako nakatira hanggang sa makapunta ako sa libingan ng mga magulang ko pati na ang pananakit sa akin ng pinsan ko at ni Tiya. Nang mailabas ko na lahat ng hinanakit ko ay nakaramdam ako ng ginhawa na para bang natanggal na ang malaking tinik sa aking lalamunan.

" Pasensya na....dahil nabasa ko ang damit mo....pasensya ka na rin dahil nadadamay ka sa problema ko. Nakikitira na nga lang ako dito binibigyan pa kita ng sakit ng ulo." mahinang sabi ko at pinunasan ang mga luha na patuloy na lumalandas sa pisngi ko.

Niyakap ako ni Baste. " It's okay!" dahil sa yakap niya ay lalo lang akong naiyak." Hush, don't cry please. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka. Huwag ka nang umiyak. Hindi kita papabayaan, hindi ko na hahayaan na saktan ka pa nila uli. Hangga't buhay ako ay walang makakapanakit sa iyo. Pangako yan." sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Bakit kaya ang bait sa akin ni Baste? Lagi niya na lang akong tinutulungan.

" Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin, Baste. Wag kang mag-alala balang araw ay makakabawi din ako sa iyo."

" Maging masaya at ligtas ka lang ay ayos na sa akin." nakangiting sabi ni Baste. Yung ngiti na puno ng assurance na para bang sinasabi nito na hinding-hindi ako nito papabayaan.

Hayy, Baste wag kang masyadong mabait sa akin dahil baka ma-inlove ako sayo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay nagpasya akong magpahinga.
Nakaramdam kasi ako ng sobrang pagod sa hindi ko malaman na dahilan. Pagkatapos kong magpahinga ay nagluto naman ako ng Sinigang na Hipon, para sa hapunan. Favorite kasi yun ni Baste, gusto ko kasi siyang pasalamatan sa ginawa niyang pagtulong sa akin kanina. Oo nga at nakinig lang siya pero para sa akin ay malaking bagay na iyon. Dahil siya lang ang nag-iisang tao na nakinig sa mga hinaing ko sa Buhay simula ng mawala ang mga magulang ko.

" Ang sarap talaga ng mga luto mo. Pwede ka ng mag-asawa." puri nito sa luto ko.

" Masyado pa akong bata para mag-asawa eh." mahinang sagot ko. Asawa? Sino naman kaya ang gugustuhin na maging isang asawa ang taong katulad ko? Pabigat na nga puro pa problema ang dala.

" Tama, wag kang mag-aasawa dahil bata ka pa. Bawal ka rin mag boyfriend habang nandito ka sa puder ko." striktong sabi nito.

" Wala naman akong balak mag-boyfriend eh." sagot ko. Bahagyang lumambot ang mukha nito at ngumiti sa akin. " Buti naman, dahil akin ka lang." ang unang dalawang salita lang ang narinig ko dahil masyado ng mahina ang boses niya sa mga sumunod na salita. Ano kayang sinabi niya? Bakit kailangan niya pang hinaan ang boses niya? Hayy, hindi ko na lang yun pinansin at mas pinagtuunan ng pansin ang pagkain na nasa harap ko.

Boyfriend? Pag nag-boyfriend ba ako papaalisin na ako dito ni Baste? Wag naman sana. Natatakot ako na maiwang mag-isa ulit. Kay Baste na lang ako nakaramdam ng ginhawa at kasiyahan. Siya na lang ang nag-iisang taong makakapitan ko ngayon. Kaya hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit sa akin ni Baste. Hinding-hindi ako gagawa ng dahilan para palayasin ako ni Baste.

Masaya ako na kasama siya, masaya ako sa piling niya. Sa kanya ko lang naramdaman ang saya na iyon. Iba yung saya pag kasama ko siya. Yung saya na Hindi ko maipaliwanag. Yung saya na hahanap-hanapin mo.






I Love You Doc. De VegaWhere stories live. Discover now