Chapter 10:

1 0 0
                                    


Katharina

  Nandito kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Etoy at si Mang Waldo. Matapos namin mag-usap ni Aling Mameng ay nagpasya kaming bisitahin ang dalawang tao na mahalaga sa amin.

Hinayaan ko na si Aling Mameng sa puntod ni Mang Waldo at lumapit naman ako sa puntod ni Etoy. Nilagay ko ang binili kong bulaklak kanina sa puntod nito.

'Etoy, pasensya ka na at ngayon ka na lang ulit nadalaw ni Ate Katharina mo. Masyado kasi maraming nangyari. Pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng maayos na libing. Pasensya na kung hindi kita naipagtanggol sa tatay mo. Pasensya na at hindi kita masamahan kung nasaan ka man ngayon.

Etoy, miss na miss ka na ni ate. Sana kung nasaan ka man ay masaya ka na. Wag kang mag-alala hindi kita kakalimutan. Mahal na mahal kita eh..

Etoy, hanggang dito na lang muna. Wag kang malungkot ah. Dadalawin ka ni ate palagi.

Paalam na'

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng masaganang luha galing sa mga mata ko. Nalulungkot ako habang inaalala ko si Etoy. Napakabata niya pa, para maranasan ang ganitong bagay. Malayo pa sana ang mararating niya pero pinutol iyon ng malupit niyang ama.

Lumapit ako kay Aling Mameng at nagpaalam na aalis na dahil gusto ko ding dalawin ang puntod ng aking mga magulang. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw sa kanila. Malayo kasi dito yun tsaka wala akong pera para sa pamasahe. Kaya ngayon ko na sila dadalawin. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak na dadalhin ko sa puntod nila mama.

Manila North Cementery

Basa ko sa lugar kung saan nakahimlay ang aking mga magulang. Agad kong hinanap ang puntod nilang dalawa. Lumapit ako dun at nagsimulang maglinis. Medyo madamo na kasi doon.

Habang nakatingin sa puntod nila ay nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Ang sakit tanggapin na yung mga magulang mo ay wala na. Na iniwan ka na nila dahil sa sarili mong kagagawan.

'Ma, Pa, pasensya na ngayon ko lang kayo nadalaw. Wala po kasi akong pera pamasahe papunta dito.

Ma, kamusta na po kayo dyan? Ikaw Papa? Ayos lang po ba kayo? Magkasama po ba kayo?

Sana kung nasaan man kayong dalawa  ay masaya at nasa tahimik na kayo.

Ma, Pa, sorry po! Patawarin niyo po ako. Kung sana hindi ako naghangad ng bongga na party ay sana nandito pa rin kayo. Sana masaya pa rin tayo.

Ang daming sana. Sana nag-aaral pa rin ako. Sana natutulog tayo ng magkakasama. Sana hindi ako naghihirap ngayon. Sana may yumayakap sa akin tuwing malungkot ako. Sana kasama ko kayo.

Sorry po dahil naging selfish ako.

Ma, Pa, mahal na mahal ko po kayo!
Sana po mapatawad niyo ako.'

Hinawakan ko ang puntod nilang dalawa at parang bata na umiyak. Ang sakit sobra. Bakit ba kasi lahat ng taong minamahal ko ay agad din na kinukuha sa akin.

Tumayo na ako at nagpasyang umalis.
Sa aking paglakad palabas ng sementeryong iyon ay nakasalubong ko ang taong may matinding galit sa akin. May dala itong bulaklak mukhang dadalawin ang aking ina.

" Anong ginagawa mo dito? Wala kang karapatang magpunta dito." galit na asik ng aking Tiya Cora.

" Dinalaw ko lang po ang aking mga magulang." mahinang sabi ko.

I Love You Doc. De VegaWhere stories live. Discover now