Buhay na buhay ang buong umaga niya sa kabila ng puyat sa pag-iisip sa dalagang kinawiwilihan. Tandang tanda pa niya kung paano nito pinadausdos ang sariling kamay sa mga hita nito at yumuko, dahilan upang makita niya ang malaking bahagi ng dibdib nito.Kagabi pagdating niya sa bahay habang nasa tapat ng dutsa ay di niya napigilang magpalabas ng init, bagay na hindi niya laging nagagawa dahil mismong mga babae na ang pilit lumalapit sa kanya.
At ngayon, umagang umaga sa tuwing naiisip niya si Sahara ay nag-iinit ang bawat himaymay ng kanyang katawan.
Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman niya ay binabagabag siya ng konsensya niya kapag naalala niya ang kanyang asawa. Hindi naman niya balak magloko ngunit hindi naman niya talaga ginustong ikasal sa kanya. Hindi nga siya ang pumirma at hindi din siya ang dumalo sa kasal na 'yon.
Ngunit,kahit sa papel lang iyon ay totoong kasal na siya at sumang- ayon naman siya kahit labag sa kalooban niya. Paano ba niya paninindigan iyon? Kung sa araw araw ay naiisip niyang mali kahit legal ito.
Yumuko siya hawak ang kanyang ulo. Parang gusto niyang sisihin ang sarili dahil huli na niyang nakita ang dalaga, sana ay nanghingi pa siya ng oras sa mga magulang, sana nag-isip muna siya bago pumayag. Hindi din naman niya masisi ang sarili niya dahil kinasal na siya bago pa niya malaman. Balewala na din kung gusto niyang pigilan ito. Aaaaah! Bakit huli ka ng dumating?
Hindi siya makatutok sa mga gagawin dito sa loob ng opisina. Halo-halo na din ang nararamdaman niya at hirap siya mag-desisyon. Kung naghintay lang sana siya kahit isang araw lang di sana ay nagawan niya pa ng paraan. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata upang makapag-isip nang maayos. Nakayuko pa din siya nang naramdaman niyang bumukas ang pinto.
"Whoa! Dude, okay ka lang ba?! Anong meron, di ka ba naka-score kay misis kagabi?" umpisa ni Hugo.
Umupo ako ng maayos at inutusan ang sekretarya ko na mag dala ng makakain. Tumingala lang akong sinandal ang ulo sa upuan at hindi nag-salita.
"Dinedma ka pre, dalawa lang yan, baka nabitin o kaya nabitin." saad ni Ferris.
Umupo ang mga ito sa harap ng mesa ko at nag-dire diretso sa pang aasar. Nagpasalamat na lang ako at nandito sila upang libangin ako.
I showed my authoritative face to show them I'm serious. "I badly need a piece of advice."
Nagkatinginan ang dalawa at nag-seryoso na din.
"What advice? Kung sa business sigurado kaming di mo na kailangan." tanong ni Ferris na umiinom ng kape.
I took a deep breath and swallowed hard.
"Finder's keepers." I said and stared at them hoping they will remember.
Nanliit ang mata ng dalawa at nangunot noo. Pagkaraan ng ilang segundo ay nanlaki ang mga mata nito at napatayo sa upuan.
"Fuck! Where did you find her???" malakas na tanong ni Ferris.
"Saan?! Damn! pinapaimbestigahan ko pa lang eh! I'm working on it quietly para di nyo ko maunahan." pagtatapat ni Hugo.
"You fool! Kaya pala di mo sinasagot mga tawag ko no?! And you Huxley, taksil kang gago ka, pano mo naman siya nakita? Inunahan mo kami langya naman!"
"Nasira phone ko kaya di mo ko matawagan." pagdadahilan ni Hugo na nasukol ni Ferris. Napaupo silang dalawa.
" Wow nasira ang phone, eh pano ka nakatawag sa kin kahapon na di ko nasagot? Huling huli ka na nagsisinungaling ka pa. Humaba sana ang ilong mong tukmol ka." reklamo ni Ferris.
BINABASA MO ANG
Sun and Moon
RomanceThe brightest star preserves its powerful light. How can the moon shine on its own when its source of light sheds her definable limits? Huxley is the brightest businessman across Asia and Europe. Sahara is a star of its own yet lacking radiance. He...