Nakabalik na ako sa bahay matapos ako kusang i-file ng leave ng mga magulang ako. Nagkaroon ako ng reliever sa oras na may maghanap sa aking pasyente o kaya naman ay magkaroon ng emergency cases.Ang isang araw ay ginawa kong dalawang araw bago kausapin ang nobyo. Nobyo? Big word. Hindi ko na alam kung ano ang itatawag sa kanya.
Ilang beses kong inalis ang daliri ko sa on button ng cellphone bago nagpasayang buksan ito. Alam kong pagbukas ko nito ay mabubulabog ako ng tawag niya. May pinadala siyang tao dito para tanungin ang kalagayan ko na hindi pinagbigyan ng mga magulang ko.
After I told them about the incident that day, alam kong may nagbago na sa pagkilala nila sa lalaki. Hindi man nila sabihin pero ang mga kilos nila kasama na ang hindi pagpapatuloy sa tauhan ni Huxley sa tahanan namin ay malinaw na pagtalikod nila sa kanya.
Nasa ganitong pag-iisip ako nang makatanggap ng inaasahang tawag mula sa Viber. Ilang beses ko itong tinitigan, iniisip kung sasagutin ang video-call nang matapos ang pag-ring nito. Nakahinga ako ng malalim pero ilang saglit lang ay tumatawag na ulit siya. It's now or never.
"Hello." matabang kong sagot sa tawag.
"Goodness! Sumagot ka din! Babe! Ilang araw na kita tinatawagan sa cellphone mo hindi kita macontact and my men who went there hindi pinapasok! Nag-aalala na ako, are you okay? sunod-sunod na sabi niya.
There he is looking bothered, it's unfair on my part to feel attraction towards him, he who has grown stubbles and his disheleved hair didn't help my anger. I love this man very much BUT...
Am I okay? I asked myself.
"How are you there?" I asked him dryly.
"Never been good since our last talk! May kasama kang lalaki nang huli nating usap and after that hindi na kita matawagan, what do you want me to feel huh?!" pagalit na sumbat niya.
"Oh, that guy helped me where I am now." I tilted my head, my eyes avoiding to sin by gazing at him.
"Look at me, napapraning na 'ko dito, nagagalit ka pa din ba? Sorry okay! Nagselos lang ako syempre sino ba naman ang matutuwa. Sorry, namimiss lang kita, I wanna go home now, I want to hug and kiss you."
I am stiffened, feeling dirty with his words of love. My ears still want to hear and feel his sweet words but it doesn't feel licensed anymore.
Hinilamos niya ang mga palad sa mukha niya. "So, ganito na lang tayo? Pagkatapos natin 'di mag-usap ng ilang araw, pagkatapos kong mag-alala na gusto ko nang umuwi dyan para malaman kong safe ka, after ignoring me and my team there? Nang dahil lang sa nagselos ako,ganito na tayo ngayon? Wala nang imikan?! Fuck this!!! Say something or I will go there and take you by force! Hindi na ako mapakali dito sa kakaisip sa 'yo, what do you want me to---"
"She can be pretty, but she's fashionably outdated." me describing his woman and it's breaking me gently.
"What? Sino bang...ano ba ang sinasabi mo?" nalilitong tanong niya sa akin.
"She's the first woman to slap my face, at unang beses ko din manampal." sabi ko sa kanya nang tumatawa habang ang mga butil ng luha ay nagsimulang umalpas.
He turned silent but I think he is processing something. Then I continued.
"Carina...Carina Braun. Sino nga ba sya sa buhay mo?" I asked breaking the news.
Napamaang siya nang matagal. Nakatitig lang siya sa akin habang ang mga mata ay nakakitaan ko ng gulat, takot at lungkot. Napaawang ang kanyang bibig at unti-unting niyuko ang ulo,walang namutawing salita sa kanya habang umiiling-iling.
BINABASA MO ANG
Sun and Moon
RomanceThe brightest star preserves its powerful light. How can the moon shine on its own when its source of light sheds her definable limits? Huxley is the brightest businessman across Asia and Europe. Sahara is a star of its own yet lacking radiance. He...