Chapter: 3

188 3 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 3


"Yes, bukas na ako babalik sa office. Paki-check na lang schedule ko at i-reschedule mo tomorrow. Thank you." Agad na itinago ni Charles ang kanyang cellphone at napalingon sa bagong pasok, agad siyang kumaway para mapansin siya ni Daphne.

Napansin naman ni Dapne ang kamay ng kanyang uncle, kaya mabilis na siyang lumapit at naupo. "Grabe ka uncle, almost one hour ka andidito wala ka lang man inorder?" 

"Bakit, kailangan ba kapag umupo ka dito mag mi-milktea ka?" Balik tanong ang uncle.

"Of course, nag occupied ka ng table noh?" 

"Iha, even you occupied the table hindi naman tungkulin na bumili ka. Isa pa, costumer ka you have rights here." Paliwanag niya

"Pero uncle, businee kasi ito. Usapang business, bakit sa company ba ni Lola ganyan din ba mga tao?"

Napahinto si Charles, pa'nu nga ba siya mananalo sa pamangkin niya. Since pa naman bata ito, talagang mangangatwiran ito hanggang sa maging tama. "Fine, what would you like to drink?"

"Yes!" Agad na sigaw ni Daphne at tumayo sabay lapit sa counter.

"Sabi ko na nga ba gusto mo lang talaga uminom." Bulong ni Charles at tumayo na para lapitan ang pamangkin. "May napili ka na ba?" Tanong niya.

"Cream cheese dark choco, double pearl and 75% ang sugar." Sabay lingon ni Daphne sa uncle niya. "What about you uncle?" 

"Nope, di ako mahilig sa tea." Sagot niya at kumuha ng pera sa wallet. "Here." Wika niya sa cashier.


"Eh, anu iinumin mo?" Tanong ni Daphne.

"Kakain pa naman tayo sa labas after mamasyal, saan mo ba gusto una pumunta una?" Agad na tanong ni Charles.


"Kela mama at Papa." Seryoso niyang tugon sabay lingon sa kanyang uncle at ngumiti. "Matagal na kasi tayong— hindi nakakadalaw sa kanila mula maging busy ka, kaya gusto ko muna makapunta tayo sa kanila." 

Napatango si Charles at tila hinaplos ang buhok ni Daphne. "Sure." 



******


Nilapag ni Daphne ang mga bulaklak na binili niya sa lapida ng magulang, umupo pa siya sa tabi nito. Wala siyang pakielam kung malupa o madumi man ang uupuan ang mahalaga ay malapit siya sa dalawang taong kailanman ay hindi na niya nasilayan. "Miss na miss ko na kayo, gabi-gabi ko hinihiling na sana— hindi ninyo ako iniwan agad." Sabay haplos ni Daphne sa lapida at tila may luha na pumatak.

Napasinghap lang si Charles, hindi na kasi sila masyadong nakakadalaw sa puntod ng kapatid. Maliban na lang kapag araw ng patay, pero masyado na din kasi siyang busy kaya wala siyang oras. 

"Bata pa ako nang huli tayong pumasyal dito, nagtagal pa tayo kasi ayokong magpababa sayo." Sabay lingon niya sa kanyang uncle, tumingala siya dahil nakaupo siya sa damuhan. "Napapagod ka na ba na alagaan ako?"

"Iha?" Agad na naupo si Charles sa tabi ni Daphne. "What are you saying? I would never tired, nangako ako na ako ang tatayong magulang mo. At habang nabubuhay ako, mas lalu kitang mamahalin na parang tunay ko pang anak." 

Napatitig si Daphne. "Sorry, kung nagiging pasaway ako."

Umiling si Charles at niyakap ito. "Sshhh, hidni ako napapagod ha. Sorry kung napapagalitan kita. At hindi lang 'yun." Sabay kalas niya sa pagkakayakap dito. "Nawalan na ako ng time sayo, masyado na kasi akong busy."

"Busy ka din sa gf mo eh." Dagdag ni Daphne.

Natawa lang si Charles. "Selosa. Syempre, ikaw naman ang prinsesa ko sa bahay."

"Pero uncle, ayoko sa gf mo. She don't like me either." 

Muli niyang hinaplos ang buhok ni Daphne. "Halika na, mamasyal na tayo. Na-miss ko bonding natin dalawa. Promise, i want you to be happy today, and promise wala na munang kontrahan." Sabay taas ni Charles ng kamay na tila nanunumpa.

Ngumiti lang si Daphne at agad na yumakap sa uncle niya. "I love you Uncle."

"I love you too, iha." 




*****




"Yaya!" Sigaw ni Daphne nang makauwi, halos hinapon na siya dahil marami siyang inasikaso na groupings at sa classmate na bahay na niya siya gumawa. 

"Oh, nakauwi na pala ang spoiled brat na pamangkin ng boyfriend ko." 

Napalingon si Daphne, nagkita na naman sila ng bruhang girlfriend ng kanyang uncle. Nakita niyang nakatayo ito at naka crosshand. "Akala ko, may nakita akong multo, pero tao pala talaga."

"You brat!" Halos pigil nitong sabi.


"Terry?" Saktong labas ni Charles na inaayos pa ang suot na necktie. Pero agad nitong nakita si Daphne. "Hey, iha. Kumain ka na ba?" 

Ngumiti si Daphne at mabilis na lumapit sa uncle niya sabay halik sa pisngi. "Yes po, kila Annie na po ako nag dinner— mukhang may lakad kayo?" 

"May dinner kami ng uncle mo, kaya he's mine tonight." Sabat ni Terry at dinampot ang kanyang pouch. "Let's go Charles." Sabay una nitong lakad 

Naiinis si Daphne na tingnan ang girlfriend ng uncle niya. 

"Daphne?"

Agad na siyang humarap sa uncle. "How i wish, you would not marry her."

Ngumiti lang si Charles. "Pahinga ka na, late na ako makakauwi."  Humakbang na si Charles at sumunod na kay Terry.

Naiwan lang si Daphne, naiinis talaga siya sa bruhang gf ng uncle niya. "Hmm, date pala ahh?" Tila may naisip siyang plano. At nagmamadaling umakyat sa hagdan.





******



#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon