Chapter: 25

143 0 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 25

"Babe!" Tawag ni Leonard 

Agad na lumapit si Daphne. "Pasensya na, na-late ako may biglaan kasi na meeting si Uncle. Pero susunod daw siya."

"It's okay babe, halika ipapakilala kita sa ibang relatives namin." Yaya ni Leonard.

Sumunod na siya sa nobyo, hindi niya talaga alam kung anong mayroon ngayong gabi, pero mukhang special ang party nang pamilya ni Leonard. Saglit na huminto si Leonard at agad siyang hinarap, nagtataka pa siya nang lumayo ang mga tao.  Tila nasa gitna na pala silang dalawa.

Nang biglang may pumasok na mga bata at isa-isang lumapit kay Daphne, tila inaabutan siya ng red roses. 9pcs iyon, na nagsisimbolo na siyam na taon na sila. Nilingon niya si Leonard.

"Look at them." Bulong nito.

Muling tumingin si Daphne sa mga bata, at napansin niyang may hawak na itong mga flack cards na nakasulat ay "Will You Marry me." Pumatak ang luha ni Daphne at muling nilingon si Leonard.

Lumapit ang isang bata at inabot ang box kay Leonard, lumuhod na siya sa harapan ni Daphne at binuksan ang box.

Ang eksenang iyon ang naabutan ni Charles, pero mabilis siyang nagtago. Pinanuod na lamang niya ang ginagawa ni Leonard na propose para kay Daphne.

"Daphne, since we decided to be a couple. Bakit hindi natin, idiretso na habang buhay magkasama." Seryosong wika ni Leonard

Napatitig si Charles kay Daphne, kitang kita niya ang mga mata nito na masayang masaya. 


Ngumiti si Daphne.

"Will you marry me?" Tanong ni Leonard.

"Yes!" 

"Yes?" Tila tanong ni Leonard.

Tumango si Daphne at inilahad ang palad na tila ba pinapasuot niya ang singsing. 

Mas lalung sumaya si Leonard kaya nagmamadaling tumayo, at sinuot ang singsing sa kamay ni Daphne. "Thank you Daphne " 

"Ako dapat magpasamat, dahil minahal mo ako ng totoo." Tugon ni Daphne.

"Kisss!!!" Request ng mga tao duon.

Natawa silang dalawa, ngunit naghinang din ang kanilang mga labi.

Lumabas na si Charles, tila hindi na niya kakayanin pa ang eksena nang mga oras na 'yun. Pagkalabas ay mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse. Bigla niya naalala nuon ang sinabi kay Daphne, na dapat kalimutan niya ang taong hindi siya kayang mahalin, at mag pokus sa taong tunay na nagmamahal sa kanya. Tila ngayon ay naging sampal sa kanya ang mga katagang iyon. Napailing si Charles at pumatak ang luha niya, isinandal niya ulo sa upuan at napapahinga ng malalim. "Ito ang ginusto ko, kaya dapat wala akong pagsisihan." Bulong niya at pinaandar na ang kotse.




******


Gabi na nang makauwi si Daphne, napansin niyang nasa garden ang kanyang uncle. "Uncle!" Tawag niya

Lumingon naman si Charles at tumayo. "Oh, dear. I'm very sorry na hindi ako nakasunod, sobrang dami ko pa kasi ginawa after meeting." Alibi niya lang ito para hindi mag isip si Daphne.

Huminto si Daphne, ngayon ay magkatapat na sila. "Sayang, di mo nakita."

"Ang— alin?" Kunwa'y niyang tanong.

Excited na pinakita ni Daphne ang singsing sa kanyang uncle. "I'm getting married, uncle!" Tili niya sabay yakap dito.

Hindi agad nakaimik si Charles ng yumakap si Daphne.

"Haisst sa wakas." Bulong ni Daphne. "Are you mad ba uncle? Parang wala kang imik?"

Pumatak ang luha ni Charles.

Kumalas si Daphne at napansin niya ang itsura ng uncle niya. "Uncle?" Tila tanong niya

"Masaya lang ako." Tugon niya at ngumiti ng pilit. "Finally, you found the right man. Yung lalaking, talagang kaya kang mahalin at ipaglaban." 

"Sinunod ko lang advise mo, remember sabi mo. Magpokus ako sa taong, mahal ako at kayang— suklian ang pagmamahal na pwede kong ibigay. And now, kay Leonard ko naramdaman 'yun. I love him uncle at sigurado ako, hindi niya ako sasaktan."

Mas lalung nag unahan ang luha ni Charles kaya saglit siyang napayuko at tila umiwas nang tingin. Natawa na lang siya para hindi mahalata ni Daphne, pero ang sakit ng mga nadidinig niya. Sumingahap siya, sabay muling tingin kay Daphne. "Talagang— talagang kaya mo na sarili mo. And i'm proud of you." 

"Dahil din sayon 'yun uncle, ikaw ang dahilan ng lahat." Hinawakan niya ang mga kamay ni Charles. "Wag ka na umiyak, hindi pa naman ngayon ang kasal. Thank you talaga, sige magpapahinga na ako." Sabay halik sa pisngi nito at tumalikod na.

Naiwan si Charles at tila napapahinga nang malalim, tumalikod siya at nagtungo sa pool.

Huminto si Daphne at nilingon ang kanyang uncle. "Sorry." Bulong niya at pumatak na ang luha, pero mabilis niyang pinunasan iyon at nagmamadaling pumasok na sa loob.



*****



#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon