Chapter: 11

135 2 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You


Chapter: 11

"Tahimik ka yata?" Tila tanong ni Charles nang ihinto na ang kotse.

Lumingon si Jamie at ngumiti. "Wala naman, naalala ko lang si Daphne, she really love you. Siguro nahihirapan 'yun na magka-girlfriend ka at magkaroon ng sariling pamilya balang araw." 

Ngumiti si Charles. "Nasanay na kasi siya nasa tabi ko palagi, and— ayoko din talaga siya mawalay sakin."


Ngumiti si Jamie, "I know that, kumbaga naging anak mo na si Daphne, and gusto ko din na maging close kaming dalawa. Kung sino ang mahal mo, mamahalin ko din." 

Lumapit si Charles at hinagkan ang labi ni Jamie, saglit lang iyon, kumalas na siya at pinagmasdan ang nobya. "I knew it for the first time i saw you, na ikaw ang pag ibig ko." 

"Charles." 

Inayos niya ang buhok ni Jamie, "Matapos ko lang maayos lahat ng huge project ko, then yung atin naman aasikasuhin ko." Tugon niya at kinuha ang kamay ni Jamie sabay halik sa palad nito. "I love you Jamie."

"I'm glad, na nakilala din kita Charles. And i love you too." Sabay yakap sa nobyo.

Ngumiti si Charles at niyakap ng mahigpit si Jamie.



******


Kakauwi lang ni Charles ng maabutan pa si Daphne sa garden, nagtataka siya kaya napalapit dito. "Iha?" 

Lumingon si Daphne at ngumiti. "Uncle! Kayo pala." 

"Why you still awake?" Tanong niya at lumapit.

"Wala pa kasing 12midnight, syempre gusto ko sulitin yung birthday ko noh." Pagbibiro niya

Natawa si Charles. "Halika, duon tayo sa pool." Yaya niya.

Tumayo si Daphne at sumunod sa uncle niya, nang makarating sila sa pool ay agad na naupo si Daphne sa gilid at tila nilagay ang mga paa sa tubig, natawa lang si Charles habang nakatayo. 

"Noong bata ka hate mo sa pool, natatakot ka na malunod." 

Natawa bigla si Daphne, "Ngayon, hindi na." Sabay lingon sa uncle niya. "Mahal mo siya?" 

"Hmm." Tumingin si Charles sa kalangitan at maya maya ay suminghap. "Yes, i love her." Sabay tingin kay Daphne. "What do you think?" 

"Kung masaya ka, bakit hindi?" Pero ang totoo kinukurot na ang puso niya. 

"Talaga? I'm glad na gusto mo siya." 

Ngumiti ng pilit si Daphne. "Kasi— nakita ko yung mga mata mo kanina, kung pano mo siya titigan. Kung aano mo siya ipagmalaki." Ngumiti siya nang malungkot. "Uncle."

"Yes?" 

"Mag asawa ka na, kasi matanda ka na." 

"Aba!" Sabay tawa ni Charles. "Maka matanda ka ha?"  Sabay iling.

Tumayo na si Daphne at humarap sa uncle niya. 

Tila napatigil si Charles ng mapansin ang mukha nito, seryoso ito na para bang hindi talaga nakikipag biruan. "Are you okay?" 

"May gusto akong sabihin na secret eh." 

"Really?" Tila tanong niya at tumitig kay Daphne.

"May, may isa akong taong minahal. Sobra-sobra ko siyang mahal." Hindi niya napigilan ang luha niya. "Kasi— hindi kami pwede kasi, may mahal na siyang iba. Hindi ko maamin, kasi ayokong masaktan." 

"Hey." Sabay yakap ni Charles. "Daphne, wag ka umiyak.

Napahagulgol si Daphne, bakit ba hindi niya masabi ang totoo dahil natatakot siya na baka mag iba ang turingan nila sa isa't -isa. 

"Hindi ko kayang ipadama at sabihin ang tunay kong nararamdaman, dahil sigurado ako. Magiging mali ang lahat." Dagdag niya habang umiiyak.

"Hey, listen." Kumalas si Charles at tinitigan ang pamangkin, inangat niya bahagya ang baba nito para mapagmasdan. "Alam ko na nasaktan ka, baka dahil puppy love lang 'yan. Pero, andiyan naman si Leonard. Mukhang seryoso siya."

"Uncle?" 

"Wag mo sayangin ang sarili mo sa isang tao, hindi kayang tumbasan ang pagibig na kaya mo ibigay sa kanya. Ang mahalaga, may isang taong nagmamahal sayo. At kaya ibigay ang lahat. Duon ka mag focus." Hinaplos nito ang buhok niya. "Haisst, pinaiyak nila ang Prinsesa ko."

Umiling siya. "Wag ka mag alala uncle, maapagod din ang puso ko balang araw. Pero sa ngayon, malabo pa na makalimutan ko siya."

"You must..." Sabay ngiti ni Charles. "Pahinga ka na, and Happy Birthday again iha." Sabay halik sa noo nito.

Napapikit si Daphne at muling pumatak ang luha niya. "Mauna ka na uncle, susunod na po ako."

"Okay, goodnight." Tumalikod na si Charles.

Nakatingin lang si Daphne sa kanyang Uncle sabay talikod. "Sayang, hindi ko masabi ang totoo. Gusto ko mapagod, pero ang hirap. I love you Charles, ikaw yung lalaking yun." Sambit niya at muling naiyak.

Napalunok si Charles sa nadinig, bumalik kasi siya at may sasabihin pa sana dito, nang bigla itong magsalita. Kaya nagmamadali siyang pumasok. Hindi niya inaasahan ang madidinig mula sa pamangkin niya, "No, mali 'yun Daphne." Bulong niya at nagmamadaling umakyat na sa hagdan.


*******



#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon