Chapter: 35

131 1 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 35

Pansin ni Charles na tila madaming tao sa harapan ng kanilang bahay, hindi lang 'yun dahil pansin din nila ang mga reporters na tila may sadya talaga.

"Anung meron?" Tanong ni Daphne.

"I don't know."  Tugon ni Charles, binuksan niya ang pintuan.

"Si Mr. Fuentes!" Sigaw ng reporter.

Mabilis na tumakbo ang mga ito palapit sa sasakyan, nataranta tuloy si Charles kaya muli niyang sinara ang pinto.

"Mr. Fuentes totoo ba, na may relasyon kayong mag uncle!" 

Naguguluhan na napapatingin sila sa mga ito, hanggang sa umagaw ng pansin ang tila picture na pinakikita ng mga reporter. Litrato nila na kuha sa tabing dagat at magkahinang ang mga labi.

"Pakisagot po kami! Bakit kayo may ganitong pictures?"

"Di ba mag uncle kayo?" 

"Hindi ba kayo nahihiya sa mga kumakalat na issue?!"



Mabilis na pinaandar ni Charles ang sasakyan, inatras niya bahagya para makalayo sila. Ang iba ay tumatakbo para sundan sila pero pinaandar na ito nito ni Charles ng mabilis para makalayo agad.

Saktong nag ring ang cellphone ni Daphne kaya mabilis itong sinagot. "Leonard."

Leonard:

Magpupunta ang mg reporter sa bahay ninyo. Huwag muna kayo tumuloy.

"Galing na kami duon, dinumog nga kami. Anu ba nangyayari? Bakit, bakit may picture kami na hawak nila." Naguguluhan na tanong ni Dapne.


Leonard:

Hindi ko alam kung saan nag start ang source, pero bigla na lang kumalat ito sa internet. Then may mga iba't - ibang caption. Naapektuhan ang Elle, gusto nila magpatawag ng meeting.

Napahinga nang malalim si Daphne, na ikinalingon ni Charles. "What is it?" Bigla nitong tanong.

"Leonard, pwede bang duon muna kami sa place mo?" 

Leonard:

Sure, papunta na ba kayo?

"Oo, duon na lang tayo mag usap. Bye..." Pinatay na niya ang cellphone at tila napasandal.

Nag aalalang nilingon ni Charles ito, kaya mabilis na hinawakan ang kamay. "Wag kang magalala, malalampasan natin 'to. Just trust me."


Hindi umimik si Daphne at tila sumandal na sa upuan.



*****


"See how it works!" Tila natatawa si Terry nang makita ang mga kumalat na photos at video ng dalawa sa internet. Hindi lang 'yun dahil nilagya nila ito nang kakaibang trending na caption.

"Nakakadiri lang." Tila irap na sabi ng kaibigan niya. "Mag uncle sila, pero nagawa nilang maghalikan. "

"Kaya nga selos na selos ang babaeng 'yan nuon sa'kin. If i know, pinahiya niya ako nuon. Kaya now, siya naman ang mapapahiya. At talagang nakakadiri." Sabay sindi niya ng sigarilyo, humithit siya. "Ngayon, tingnan natin kung may mukha pa siyang ihahharap sa Elle." At natawa siya habang pinagmamasdan ang mga litratong kinalat nila.


*****


"Okay ka lang ba?" Tanong ni Leonard.

Tumango lang siya at niyakap ang sarili, nasa sala sila habang si Charles naman ay tila tinawagan si Sheryl para ayusin muna ang ibang kakailanganin habang umiiwas sila sa mainit na issue.

"It's getting worse." Sambit ni Daphne nang makita sa internet ang tungkol sa kanila ni Charles. "Ito na nga ba sinasabi ko, kapag pumutok ang ganitong issue. Madami agad ang manghuhusga.." 

Kinuha ni Leonard ang cellphone na hawak niya. "Huwag mo na basahin." Saway nito. 

"Bakit ba— hinugushan nila kami agad?" 

"Daphne listen to me, you don't need to be afraid. Dahil hindi kayo magkadugo. Palilipasin lang natin ang mainit na issue ninyo, bago kayo humarap ni Charles."

Pumatak na lang ng kusa ang luha niya at napayakap kay Leonard. "Sorry, pati ikaw nadamay."

He chuckled. "It's okay, hindi ako masyado nag woworry sa sarili ko. Pero sa inyong dalawa, sobra ako nag aalala." 

Kumalas siya at pinunasan ang luha niya. "Kailangan ko makahinga ng maayos." Sabay talikod, sakto na nasalubong niya si Charles pero agad na siyang lumabas patungong Garden.

"Daphne." 

"Hayaan mo na lang muna siya, she need some air." 

Nilingon niya si Leonard. "Thank you."

Ngumiti si Leonard. "Iniisip ko kung— sino may pakana lahat ng ito, meron ka bang kaaway?" 

Napaisip din si Charles. "Not sure, pero maybe sa company." Tugon niya at naupo.

"Nahihirapan si Daphne, i know na may solusyon dito." 

Tumango si Charles. "Hindi namin kailangan mag adjust ni Daphne, wala kaming ginawang masama. Nagmamahalan lang kami, kaya wala akong nakikitang masama."

"Alam ko maayos mo eto, ito na lang ang bawi mo sa lahat nang pinagdaanan ninyong dalawa." Tugon ni Leonard.

"Thank you Leonard, hindi talaga ako nagkamali sayo."

Ngumiti si Leonard at napabuntong hininga.



******

Hindi pa magawang makatulog ni Daphne, kaya nasa terrace siya at nagpapahangin. Nang biglang may yumakap mula sa kanyang likuran. Napasandal siya kay Charles. 

"Hindi ka pa ba inaantok?" 

Umiling siya. "Bakit kaya ganun? Bakit kaya, hinusgahan nila agad tayo."

"Hindi natin kailangan magpaliwanag sa kanila. Ang mahalaga, mahal natin ang isa't-isa." Tugon niya 

Nilingon ni Daphne si Charles. "I'm afraid. What if— may kapalit lahat ng kaligayahan natin?" 

Umiling si Charles at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Daphne. "Nothing will happen, i promise." Sabay halik sa noo nito at niyakap na ito.




******


#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon