Tonight I Celebrate My Love For You.
Chapter: 42
Hindi din inaasahan sadya ni Daphne ang ginawang pa-party ng kumpanya para sa kanyang pagkapanalo. Ayaw pa nga sana niya pumunta, kaso ay talagang pinahanda ito ni Leonard.
Kadarating niya lang sa party, hindi na nakasama si Charlie isa pa iniwanan na muna niya ito sa magulang ni Anne para kalaro din ang anak ni Leonard at Anne.
Naka black midnight dress siya, may slit ang gilid at backless ang pinaka likuran. Wala din itong manggas, kaya mas lalu lang siya naging sexy sa kanyang suot.
"Congratulations!"
Ngumiti siya ng malapad at nakipag kamay sa mga kasama niya sa kumpanya. "Thank you." Tugon niya at kumuha nang wine glass, uminom siya bahagya at tumingin sa maraming bisitang naroroon.
Nang makita niyang busy sina Leonard, ay tumalikod na siya.
Dala niya ang kanyang baso na magtungo sa pinaka rooftop nang kumpanya, napakadilim ng paligid. Napahinga siya ng malalim at nagsimulang pumatak ang luha, hindi niya maiwasan ang hindi malungkot. Namimiss niya nang sobrs si Charles, pakiramdam niya ay nangungulila siya sa mga yakap at halik nito. "Charles..." Sambit niya, ininom na niya ang laman ng baso at inilapag ito. Pumikit siya at niyakap ang sarili.
Ramdam niya ang hangin na dumadampi sa kanyang balat, malamig ang simoy nang hangin at tila nakaka relax ito sa kanya.
Nang madinig niya ang pamilyar na kanta, ang musika na ibinigay ni Charles sa kanya. Napadilat siya at tila pinakinggan ito.
Tonight I celebrate my love for you
It seems the natural thing to do
Tonight no one's gonna find us
We'll leave the world behind us
Ngumiti siya bahagya, gustong-gusto talaga niya ang kantang iyon. Tugma ito para sa kanilang dalawa, nagsimula ito nang maging mag-uncle sila. Ang lihim nilang pagmamahalan ay tila hindi payagan ng kahit na sino.
When I make love to you
Tonight I celebrate my love for you
And hope that deep inside you'll feel it, too
Tonight our spirits will be climbing
To a sky filled up with diamonds
When I make love to you, tonight
Tonight I celebrate my love for you
And that midnight sun is gonna come shining through
"Gusto ko ulit, maramdaman ang pagmamahal mo Charles." Bulong niya at kagat labing pinipigilan ang maiyak, pero hindi kaya nang damdamin niya.
"Masyadong malamig dito."
Saglit na napahinto si Daphne, hindi siya maaaring magkamali sa tinig na 'yun. Agad siyang humarap at hinanap ang nagsalita. "Sino yan?" Tanong niya, naaninaw niya ang isang bulto na tila nagtatago sa dilim.
"Masyadong malamig dito, lalu sa suot mo." Sabay labas nito sa pinagkublihan...
Muling pumatak ang luha ni Daphne, hindi niya magawang makapag salita. Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. "Cha-charles?"
Ngumiti si Charles at lumapit na din kay Daphne.
Napailing si Daphne at umangat ang kamay niya, hinaplos niya ang mukha nito. "Totoo ba 'to?"
Hinawakan ni Charles ang kamay ni Daphne na nasa mukha niya, sabay halik sa palad nito. Hindi na din nito napigilan ang luha at pumatak.
And soon this old world will seem brand new
Tonight we will both discover how friends turn into lovers
When I make love to you
Tonight I celebrate my love for you
And that midnight sun is gonna come shining through
"Totoo nga." Sambit ni Daphne na naiyak nang tuluyan.
"Sorry, medyo natagalan ako." Sabay yakap niya kay Daphne.
Kapwa na sila naiyak habang magkayakap.
"Diyosko, salamat." Bulong ni Daphne at humigpit ang yakap dito.
"I love you daphne." Sabay kalas niya at titig sa mukha nito. "Tonight, i Celebrate my love for you." At lumapit ang mukha niya para hagkan ang labi nito.
Napapikit si Daphne at tila dinama ang halik nito, muli ay naramdaman niya ang labi ng taong mahal niya. Ang lalaking una at huling mamahalin. At pangako na makakasama sa habang buhay....
******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)
RomanceSince the first day, si Charles na ang nag alaga kay Daphne mula mamatay ang kanyang kapatid at asawa nito. Her niece is like a childish, masyadong stubborn at spoiled. Pero mabait ito at matulungin sa kapwa o sadyang sa kanya lang talaga nagpapasaw...