Chapter: 30

122 2 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 30

Napapasulyap si Charles sa katabi niya, pansin niya na tulog si Daphne. Ngumiti siya bahagya, atlis mabuti na lang at nagawaan niya ng paraan para lang makasama si Daphne. "Walang asungot muna." Bulong niya at nagpatuloy lang sa pag drive.

Nagising si Daphne nang maramdaman na huminto na ang sasakyan, napatingin siya bintana. Mukhang naririto na sila sa resort. Pansin niyang nakababa na ang uncle niya kaya lumabas na din siya sa kotse, agad niyang tinanggal ang sunglass halos lahat nang mapadaan ang mata ay sa kanya nakatingin.

"Daphne."

Lumingon siya at nakita ang kanyang Uncle na palapit.

"Kinakausap ko lang yung staff, kaso mukhang isang kwarto lang binigay sa atin. Dalawa naman ung kama." Paliwanag ni Charles.

"Okay lang, mag uncle naman tayo." Kinuha na nito ang bag at isinukbit, nauna na itong lumakad.

"Okay." Bulong ni Charles at kinuha na din ang ibang gamit nila sabay sunod na kay Daphne.




****

Naunang pumasok si Daphne at mabilis na siyang tumungo sa isang kama, pabagsak siyang humiga duon. Nakatulog naman siya sa biyahe pero pakiramdam niya pa din na pagod ang katawan.

Agad naman napansin ni Charles ang itsura nito. "Okay ka lang ba?" 

"Uhmm." Tila ungol ang tinugon niya.

Napailing si Charles at inayos na muna sa tabi ang kanilang maleta. "Bababa lang muna ako para kausapin yung mga staff." 

"Okay." Maikling tugon ni Daphne at mabilis na umikot ng higa, dumapa siya at tila pabalibag na inilaglag ang mga sandals.

Napailing muli si Charles, kahit kelan eto ang hindi nagbabago kay Daphne. "Lalabas na ako." 

"Uncle." Tila may lambing ang tono nito.

"Bakit?" Tanong niya

"Paki-masahe naman ng kaunti ang likod ko, sobrang hurt lang eh." Request niya at bumaling ang tingin sa kanyang uncle. "Please." Dagdag pa niya 

Napalunok si Charles, bago lumapit. Pansin niya pang pumikit si Daphne. "Hindi naman ako— marunong magmasahe." 

"Hindi daw, ginagawa mo nga 'yun nong bata ako." Tugon niya at mulinb gumalaw, bumangon siya bahagya at hinubad ang blouse na suot. 

Napaiwas si Charles ng tingin. "A-anu bang ginagawa mo Daphne." Nagiging sunod-sunod ang paglunok niya.

Tumingin si Daphne ng malagkit kay Charles. "Sana'y ka naman makakita nang ganito sa mga pictorial noh." Muling nahiga si Daphne.

Dahan-dahan na tiningnan ni Charles si Daphne, pansin niyang dumapa na ulit ito. Napapikit na lang siya ng mariin, at  dahan-dahan na lumapat ang kanyang palad sa likuran nito. Nahaplos niya ang makinis nitong balat.

"Uncle, ibaba mo pa ng kaunti." Muling request ni Daphne 

Napapahinga siya nang malalim, hanggang sa bumaba ang kamay niya sa beywang nito. Ang maliit nitong beywang ay nahaplos din niya sa wakas. Napakagat labi si Charles at tila napalunok muli, parang may kakaibang hatid na naman iyon sa kanya. Bigla tuloy siyang pinagpawisan, samantalang malakas naman ang aircon, nagulat pa siya ng gumalaw si Daphne at humarap. 

"Okay ka lang uncle?" 

Napatayo na siya at tumango, "lalabas muna ako." Paalam niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Saglit muna siyang napasandal at tila sunod-sunod na bumuga ng hangin. "Shit, Daphne." Bulong niya.

Natatawa naman si Daphne nang isuot muli ang kanyang blouse. Kinuha niya ang cellphone at humiga. Nakangiti siyang nag dial ng number. 


Leonard:

Hello?

Ngumiti si Daphne. "Hello lover boy." Muli siyang natawa.

Napailing si Leonard. "Baka marinig ka ng uncle mo diyan?" 

"Lumabas siya, so how's the work?" 

Leonard sigh. "Pinahirapan niya ako, ikaw kasi eh."

Muling natawa si Daphne. "Sorry, kaya mo 'yan babe. Ikaw pa." 

"Sige na, baka makaistorbo pa ako sa inyong dalawa." 

Nadinig ni Daphne ang tawa sa kabilang linya. "Thank you Leonard, the best ka talaga." 

"Basta, pagbutihin mo na drama mo. Bye na...."

"Bye...." Nakangiting pinatay ni Daphne ang cellphone at tumayo. "Ngayon, saan kaya tayo mag-start?" Bulong niya.




******


"Talaga?" Di makapaniwala si Terry at tumayo. "May gusto si Daphne sa uncle niya noon, wow malaking scandal iyon ahh. Pero dapat masupresa sila." 

"Sure ka ba?"

"Oo naman, kapag nalaman na mag-uncle nagka gustuhan? Malaking kahihiyan sa company 'yun, at masisira pa nila ang name ng malalaking organization." Sabay tawa ni Terry. "Sa wakas makakaganti din ako sa babaeng 'yun." Mataray niyang dagdag.





*******


#AuthorCombsmania


Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon