Chapter: 43

113 2 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 43

Halos nakayakap lang siya kay Charles at tila ayaw bumitaw. "Kung panaginip lang 'to, ayoko na magising." Sabay tingala niya at muling hinaplos ang mukha nito. Pero tila nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa mawalan nang malay.



*****

Masakit ang ulo ni Daphne nang dumilat, napahawak pa siya sa kanyang ulo at bumangon. Napatingin siya sa paligid, sabay hinga nang malalim. "Nanaginip lang pala ako." Bulong niya at napailing sabay sandal sa headboard nang kama. Pinikit na muli niya ang kanyang mga mata. Nalasing yata siya kagabi, kaya eto kung anu-anu na ang kanyang napanaginipan. 

"Masakit pa ba ang ulo mo?" 

Napadilat siya nang madinig ang nagsalita, agad niyang nakita si Charles na nakatayo at tila galing nang banyo dahil mukhang bagong ligo. Umaalis siya sa pagkakasandal at napilitang tumayo. "Hindi ako— nanaginip?" 

Ngumiti si Charles at tumango. "Buhay ako, buhay na buhay."

"Pero— paano?" Takang tanong niya at muling hinaplos ang mukha nito. 

"Kahit ako, hindi ako makapaniwala na nabuhay pa ako." Sabay hawak sa kamay niya. Tila iginiya niya si Daphne na maupo sila sa kama. "Nagising na lang ako— na nasa isa akong lugar, tapos sinabi nang mga doktor sa'kin na 5 years akong na-coma."

"Pero nilibing ka... Sinabi sa'kin nila Leonard at Anne." Pumatak ang luha niya.

"Daphne, si Leonard ang nagpatago sa akin."

Napatigil si Daphne sa nadinig, saktong pumasok si Leonard sa kwarto nila. Napatingin siya sa kaibigan at kasama si Anne.

"Sorry, hindi namin agad sinabi." Paghingi nang tawad ni Leonard.

"Teka-teka..." Sabay tindig niya, niyakap niya ang sarili. "Sabi ninyo, huminto ang aparato—"

"Huminto nga..." Sabat ni Leonard at lumapit.


*****


Napasandal si Leonard, naiwan siya nang mga doctor. Nang makalabas ang mga ito ay agad na lumapit siya kay Charles. "Ang daya mo naman— panu na si Daphne, kung iiwan mo siya. Isusuko mo na lang ba ang lahat, ha!" Sigaw niya at tila hinawakan sa magkabilang braso si Charles. "Gumising ka! Wag kang maging duwag, huwag mong iwan ang mag ina. Nangako ka sa kanya!" Sabay yugyog niya dito. Nang biglang gumalaw muli ang aparato nito. "Cha-charles?" Pansin niya na may pumatak na luha sa mga mata nito. "Huwag ka mag alala— itatago muna kita." Bulong niya.

Naisip niya na itago na lang muna si Charles, para lamang hindi masaktan si Daphne sa nakikitang sitwasyon ng taong mahal. 

Napilitan siyang gamitin ang bahay-bakasyunan niya at duon dalhin ang katawan nito. Nanatili ang mga aparato ang siyang tumutulong para maging maayos ito. 

Napilitan siyang gumawa nang alibi at magsinungaling na namatay si Charles, alam niya na masakit iyon kay Daphne ngunit kailangan niyang mag tiis para lang sa ikapapanatag ng loob nito. 

Hindi siya totoong nagpupunta sa state, kundi tumitigil siya kung saan naroroon ang katawan ni Charles.

Marami siyang doktor na inokupa para lang magkaroon nang pagbabago sa katawan nito, hanggang isang araw.

"Pwede natin siya operahan."  Suggest ng isang doktor 

Napahinga nang malalim si Leonard, natatakot siya na maka apekto iyon. Ngunit gusto pa din subukan para lang magising na si Charles. "Sige po, halos maglilimang taon na din."

Napatango ito at binigay ang papel para pumirma.


Nagtagumpay ang operasyon kay Charles, ngunit pinalipas pa nila ang isang linggo. At tuluyan na nga itong nagising.

Nang magising ay unang hinanap si Daphne, nahihirapan pa ito magsalita. Marahil sa tagal nang pagkakahimlay nito.

"Miss ko na sila." 

Napalingon si Leonard at nakita niyang pinagmamasdan nito ang litrato na binigay niya. "Bukas, makikipag racing siya. Gusto mo manuod?" 

Tumango si Charles at may inabot kay Leonard. "Ibigay mo sa kanya 'yan." 

Nakita niya ang mini keychain na tila kumpleto ang suot at naka helmet. 

"Pang pa gudluck sa kanya." Dagdag pa niya.

"Makakasama mo na din sila. Kaunting tiis na lang." Sabay hawak ni Leonard sa balikat nito. "Masaya ako na, matatapos na din ang lahat."

"Leonard, napakalaki ng utang na loob ko sayo." Pumatak ang luha niya sabay yakap dito. "Salamat."

Ngumiti lang si Leonard at tila naiintindihan ang sitwasyon ni Charles.


*****

"Sana maintindihan mo'ko." 

Napahinga nang malalim si Daphne at muling sumugod ng yakap kay Charles. "Hindi ko na alam gagawin ko, pero ngayon.. Ngayon sobrang saya ko na."


Niyakap siya ni Charles. "Babawi na ako ngayon, pangako. Para sa inyo ni Charlie." Bulong niya 

Napangiti ang mag asawa nang makitang maayos na ang lahat para sa dalawa, inakbayan ni Leonard si Anne. Para sa kanila, ang pagmamahalan ng dalawa ay wala nang makakatumbas pa.



******


#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon