Chapter: 2

230 4 0
                                    

Tonigth I Celebrate My Love For You

Chapter: 2

"Hey Daphne, why you didn't attend last night?" Agad na bungad sa kanya ng kaibigan at naupo sa tabi niya.

Hindi umimik si Daphne at tinuloy lang ginagawa sa kanyang notebook.

"Mukhang nahuli siya ng uncle niya?" Sabat ng isa at nag crosshand pa

"OMG!" Tila iling naman ng isa.

Padabog na binagsak ni Daphne ang ballpen sa kanyang notebook at tumingin sa tatlong babae. "What?!" Mataray niyang tanong sabay tindig. "Yeah, tama kayo sa lahat ng hula ninyo, Oo nahuli ako ni Uncle, pakiramdam ko talaga na nakakulong na ako sa bahay namin!" Naiinis niyang sabi at mabilis na dinampot ang mga gamit at nagmamadaling lumakad palayo sa mga kaibigan.

Hindi naman talaga gimik ang pupuntahan niya kagabi, ang totoo sumasali kasi siya sa mga car race na may malalaking pustahan. Hindi niya sinasabi sa uncle niya ang totoo at sigurado na lalu naman siyang hindi papayagan, marahil dahil sa takot nito na matulad siya sa mga magulang. Naupo siya sa bakanteng pwesto sa kanilang unibersidad, may puno na tila nagbibigay lilim sa mainit na panahon. Napahinga siya ng malalim, gusto niya kasi na tumulong sa mga kabataan na wala na ding mga magulang kaya ang pustahan sa racing na 'yun sana ang balak niyang i-donate. Ilang beses na kasi siyang nanalo, kaya laging may humahamon. Pero ilang beses na din siyang nahuli ng uncle niya tumatakas, kaya eto... Hindi niya magawa ang gusto niyang gawin. "Haisst, nakakainis naman si uncle. "Reklamo niya sabay pakawala ng hangin. "16 na ako, pero ginagawa niya pa din akong bata. Nakakainis talaga." Bulong niya. 

"Naiinis ka sakin?"

Agad na napatayo si Daphne nang makilala ang boses, nilingon niya agad ito at saktong malapit lang talaga ang uncle niya sa kanya. "U-uncle?" 

"Galit ka sa'kin? Kaya di mo dinala ang lunch mo?"

Napatingin si Daphne sa dala ng uncle niya, nakalimutan niya sadya ang pagkain niya. Pero may pera naman siyang pambili, ewan ba niya pero lagi pa din nag e-effort ang uncle niya sa kanyang baon kahit ang totoo meron naman siyang allowance. Padabog na kinuha niya ito. "Hindi ako galit "


"Pero naiinis ka?" Muling tanong ni Charles.

"Teka nga, di'ba may work ka? Bakit hindi ka na lang pumasok." Sabay talikod niya.

"Nag day off muna ako, para naman makapag bonding tayo after school mo." 

Napahinto si Daphne at mabilis na lumingon muli sa uncle niya, parang hindi pa siya makapaniwala sa nadinig. "Talaga? Pero, i thought you always busy. And no time na sa bonding?" Parnag medyo nawala ang taray niya at inis, paano ay lagi na kasing walang oras ito sa kanya mula na maging CEO sa kumpanya ng kanyang lola.


"I'm sorry, kung— nawalan ako ng time sa'yo iha. But now, we can go anywhere you want." Sabay ngiti ni Charles.

"Really?" Excited niyang tanong.

Tumango si Charles

"Wait." Sabay tingin ni Daphne sa kanyang relo. "May isang subject na lang ako, then uwian na. Wala kasi kami ngayong music kaya maaga ang uwi namin— ahmm." Tila nag isip si Daphne kung saan niya paghihintayin ang kanyang uncle. "Okay, uncle may malapit milktea shop dito, you can wait me there hanggang sa matapos ang klase ko." 

"Okay." Tugon ni Charles at lumapit kay Daphne. "But you still have 20 minutes para mag lunch, so please take a bite." 

Ngumiti si Daphne sa sinabi ng uncle niya. "Okay, alam ko naman na favorite ko etong hinanda mo." Muli siyang naupo sa ilalim ng puno. Agad na niyang binuksan ang iyon, at bumungad sa kanya ang bread na may palaman na chocolate spread. "Kaya mas lalu ako nagiging hyper."

Natawa si Charles, "ubusin mo 'yan  mamaya mag ice cream tayo."


"Woah, Talaga uncle? Mukhang talagang bumabawi ka ahh?" 

Napailing si Charle na natatawa, "mauna na ako sa sinabi mo na shop, see you later." Paalam niya at tumalikod 

"Uncle!" Habol ni Daphne at mabilis na tumayo sabay lapit at halik sa pisngi ng kanyang uncle, saglit lang 'yun at muli siyang ngumiti. "Thank you!" At isang malapad na ngiti ang pinakita niya 

"Ngayon lang kita ulit nakitang ngumiti ng ganyan." Sabay haplos niya buhok nito. 

"Panu kasi, lagi ka nang busy. Nakalimutan mo na ako sadya." Sumimangot ulit siya at tumalikod. "Sige na— pumunta ka na dun sa milktea-han, baka magbago pa isip ko." 

Natawa lang si Charles. "Ok po Princess." At agad na siyang tumalikod.

Mabilis na lumingon si Daphne, pinagmasdan niya ang uncle niya habang palayo na. "Sana di ka mapagod sa'kin uncle, sorry ahh. " bulong niya at mabilis na binitbit ang kanyang gamit, pero di niya nakakalimutan na muling kumagat sa hinandang baon ng kanyang mapagmahal na tiyuhin.






*******


#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon