Chapter: 29

121 2 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 29

"Tamang-tama ang dating mo. Dinner is ready!" Masiglang sabi ni Charles at nakangiting tinanggal ang kanyang apron.

Nagtatakang napatingin si Daphne sa mga nakahain sa table. 

"Lahat ng niluto ko, is favorite mo." Dagdag ni Charles, kaso ay napatigil siya nang pumasok si Leonard at umakbay kay Daphne.

"Oh, nagluto pala ang uncle mo? Hindi mo ba nasabi na nag dinner na tayo?" 

Nilingon ni Daphne si Leonard. "Hindi." Sabay tingin niya sa uncle niya. "Kumain na kasi kami ni Leonard sa labas, uncle." 

Napatango na lamang si Charles, at ngumiti. 

"Mauna na din ako babe, see you tomorrow sa pictorial mo." Paalam ni Leonard. 

"Okay." Sabay halik niya sa pisngi ng nobyo at naunang umakyat na.

Napatingin si Leonard kay Charles, natawa siya bahagya. "All one, Mr. Fuentes." Sabay kaway niya at nauna nang lumabas.

Naiinis na naupo si Charles, napabuga siya sa hangin at tiningnan ang mga nakahain. Halos lahat nga nang niluto niya ay favorite ni Daphne, noong hindi pa niya nobya si Terry at hindi pa siya gaanong busy sa office ay ito madalas ang ihanda niya sa pamangkin. Napailing na lanh siya at tumayo, pero napahinto siya nang makita si  Daphne na tila nakapagpalit na nang damit.

"The aroma is so— nice.." Ngumiti siya at tumingin kay Charles. "Hindi mo nakakalimutan ang mga favorite ko." 

Umiling siya. "Never."

"Sa totoo lang— nagutom ako ng maamoy ko sila, lalu itong adobo. Wow, may kare-kare ka pa ahh." Naupo na si Daphne at naunanh sumandok.

Natawa ng lihim si Charles nang makitang magana itong sumandok at kumain.

"Wow, the best pa din adobo mo uncle ahh.." Sabay thumbs up niya at muling sumubo.

Naupo na si Charles at sinabayan na din sa pagkain si Daphne, muntik pa mawala apetite niya dahil sa nadinig pero dahil kumain ang dalaga ay talagang ginanahan na din siya, paano ay gutom din siya sadya.

"Bukas may pictorial ako, kaso ang nakalagay is naka bikini." Tila nagpapaalam siya sa kanyang uncle.

"I see, pwede naman tsaka anduon din ako bukas." Tugon niya at muling kumain.

Napatitig si Daphne dito, tila parang may kakaiba sa ngayon sa uncle niya. Di niya alam kung talagang kinakalimutan nito ang pagtatalo nila noong isang gabi, o sadyang hindi nito naalala.

Lumingon si Charles at napansin niyang nakatitig si Daphne sa kanya. "Juice?" Alok niya.

Ngumiti siya at tumango.

"Wait kukuha lang ako." Tumayo ito at tumungo pa sa kusina.

Nasundan na lang niya ito ng tingin.



*****



"Mas better." Wika ni Leonard at tila tinawag na ang mga photographer.

Nakaroba pa si Daphne nang lumabas, napatingin si Leonard sa nobya at ngumiti.

Sakto naman ang dating ni Charles at nakita si Daphne na nakasalang na sa photoshoot, nakita niyang hinubad na nito ang roba. Napalunok si Charles nang makita ang katawan nito, she looks more prettier, na talagang inalagaan maigi ang katawan. Tila nawala na din ang peklat nito na nakuha sa aksidente. 

He felt something incredible lalu nang mapadako ang tingin niya sa kabuun nito. He smiled, he admire so much Daphne in a first place, at hanggang sa ngayon. Daphne was so lovely. Tila natulala na siya ng tuluyan.

"Mr. Fuentes?"

Parang walang nadinig si Charles at diretso lang sa panunuod sa photoshoot ni Daphne.

"Mr. Fuentes." 

Napakurap siya at lumingon, "oh. Sorry yes?" 

"Paki sign na lang po eto sir." Wika nang assistant sa kanya.

Ngumiti siya at tinanggap ang folder, nang matapos mabasa at mapirmahan ay nakangiting binigay na muli ito. Nilingon niya muli si Daphne, napansin niyang nakikipag usap na ito kay Leonard, at pansin niya din ang titig nito sa babaeng mahal niya. Mabilis niyang dinampot ang roba. "Excuse me." Singit niya sabay suot ng roba kay Daphne. "Malamig ang aircon baka mapulmon ka." Sabay tingin kay Leonard at ngiti.

"Thank you uncle."

"Andiyan pala kayong tatlo." Lumapit sa kanila ang vice president ng Elle. "Hello Daphne." Bati nito.

Ngumiti ng magiliw si Daphne.

"Mr. Fuentes, gusto ko sana na kayo na ang mag asikaso para sa pictorial beach ni Dapnhe sa Calatagan."

"Sasama na din ako." Prisinta ni Leonard.

"Sorry Leonard, pero kailangan ka dito sa staff. 5 days lang naman sila duon isa pa, uncle naman niya kasama niya. " tumingin ito kay Daphne. "Okay iha, gudluck." At iniwan na sila nito.

Ngumiti si Daphne at tumingin sa dalawang lalaki, "magpapalit lang ako." Paalam niya.

Nang tumalikod na si Daphne ay agad na napatingin si Leonard kay Charles. "It this your plan?"  Halos pigil ang boses niya.

"Well, may the best man win." Sabay tapik ni Charles sa balikat ni Leonard at naunang lumakad.

Napahinga nang malalim si Leonard at naiiling na binagsak ang magazine sa sahig. "Damn." Bulong niya.




*****


"Nag impake ka na?" 

Lumingon si Daphne at tumango. 

"Good, maaga tayo mag biyahe." Sabi niya at tumalikod na

"Uncle." 

Muling lumingon si Charles. "Yes?" 

"You look— different, parang may- may something sayo." 

Ngumiti lang si Charles. "Maybe because, i'm inlove." Lumapad ang ngiti ni Charles. "Goodnight, see you tomorrow." At sinara na ang pintuan ni Daphne.

Napatigil si Daphne sa sinabi ni Charles. "In love siya?" Bulong niya na nagtataka.


*****


#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon