Chapter: 23

131 1 0
                                    

Tonight I Celebrate My Love For You

Chapter: 23

Napatingin sa paligid si Daphne, tila walang nagbago sa buong kwarto niya. Malinis at nanatiling nakaayos ang dating gamit, pati ang mga naka display ay hindi pinabago. "Wala ka palang— ibinago sa kwarto ko?" Sabay lingon niya sa uncle niya.

"Wala, alam ko na ganitong atmosphere yung gusto mo." Tugon ni Charles at ipinasok na ang mga maleta ni Daphne. "Medyo nadagdagan na mga gamit mo ah?"

"Bumigat ba? May pasalubong din ako sayo." 

He smirked. "Really? Buti di mo ako nakalimutan?" 

Napairap si Daphne at kinuha ang maleta, binuksan niya iyon at may kinuha. Agad niyang pinakita iyon sa uncle Charles niya. 

"Really?" 

"U-uhmm." Tugon ni Daphne at binigay sa uncle niya. "Yan lang nakuha ko na autograph sa idol mo, tapos eto picture namin dalawa. Gwapo ni Tom Cruise." Tila kilig pa si Daphne.

"Mas— gwapo pa sa'kin?" Tanong niya.

"Hmm, konting ligo pa.." Sabay tawa.

Napailing si Charles at natuwa sa bigay ng pamangkin. "Wait."

Napalingon si Daphne at tumingin sa kanyang Uncle. 

"Ahmm, may ibibigay din ako sayo." Nahihiyang sabi nito at tila lumapit kay Daphne. "Ang dami kong utang sa'yo, halos seven years. Am i right?" Napatango lang si Daphne. Ngumiti siya at may inilibas. "For you." 

"Wow, akin talaga eto uncle?" Sabay muling tingin dito.

Tumango si Charles at muling kinuha 'yun. "Turn around." Utos niya.

Excited na tumalikod si Daphne at tila hinawi ang kanyang buhok, saglit na napahinto si Charles napalunok siya ngunit tila pinawi iyon. Agad niyang isinuot ang kwintas dito. 

Napangiti si Daphne nang makitang suot na ang kwintas, rose gold siya na may birthstone sa gitna. A color red stone na tinatawag na Ruby, at ang kwintas na letter D. Nasa gitna kasi ang bato. Muli siyang ngumiti at tumingin sa uncle niya. "Thank you uncle." 

"I'm glad you like it, mahal 'yan." Pagbibiro niya.

"Tulad ng pagmamahal mo sa'kin, tama ba?" 

Nawala ang ngiti ni Charles. "Yes... Like the old times." Tugon niya.

"Ahmm señiorita." 

Napalingon silang dalawa. 

"Yes po?" 

"Andiyan na po si Sir Leonard sa baba." 

Mas lalung ngumiti si Daphne, "sige po." Sabay lingon niya sa kanyang uncle. "Uncle, i need to go now.  Nag promise kasi ako na, sabay kami mag dinner." 

"Okay, halika ihatid na kita. Para makita ko ulit si Leonard." Sagot niya.

Naunang lumabas ng kwarto si Daphne, nagmamadali pa siyang bumaba. "Leonard!" 

Ngumiti si Leonard ng matanaw si Daphne. "Wow, mukhang blooming ka ah?" 

"Loko." Sabay lapit niya at yakap sa braso nito.

"Hello Leonard?" 

"Hello, sir Charles." Bati ni Leonard.

"I'm glad na tinupad mo talaga ang promise mo sa'kin." Tugon ni Charles.

"Yes sir." Sabay tingin kay Daphne. "We're planing also to get settled one day." Dagdag pa ni Leonard at hinawakan ang palad ni Daphne.

Nakatingin lang si Charles duon, at tila tumingin sa dalawa na masayang nagtatawanan.

Lumingon si Daphne sa kanya. "Aalis na kami Uncle." 

"Ah, ahh. Yahh." Tugon niya.

"Sige po sir." Paalam din ni Leonard at naunang lumabas ang dalawa na halos magkahawak ang kamay.

Nakasunod lang ng tingin si Charles. "Settled?" Bulong ni Charles. 


*****

Hindi nagawang matulog ni Charles, inabangan niya kasi na makauwi si Daphne. Nasa terrace siya nang mapansin ang kotse na huminto sa gate. Nakita niyang lumabas muna si Leonard, at tila umikot para pagbuksan ng pintuan si Daphne.

Nakatingin lang siya sa dalawa, hanggang sa magyakapan ang mga ito at maghinang ang mga labi. Mabilis siyang tumalikod, ayaw niya makita ang ganuong eksena.  Nang madinig niyang nagpaalam na si Leonard ay muli siyang tumingin. Nakita niyang pumasok na si Daphne kaya nagmamadali siyang pumasok sa kwarto sabay lapit sa pintuan para lumabas. 

Basta nagmamadali lang siya bumaba, nasakto na kakapasok lang ni Daphne.

"Hey, uncle. Gising ka pa pala?" 

"Ahmm, nauhaw kasi ako... " pagsisinungaling niya. "Siya nga pala hinatid ka ba ni Leonard?" 

"Yeah, hindi naman ako pinababayaan mag isa ni babe." Sagot niya at ngumiti. "Goodnight uncle." Sabay halik sa pisngi niya at umakyat sa hagdan.

Naiwan si Charles sa baba at bahagyang sinilip si Daphne, nang makitang naka akyat na ito ng tuluyan ay huminga siya ng malalim. "Haiist, nakakainis." Bulong niya at tila dumiretso na nga sa kusina para uminom ng tubig.


*****



#AuthorCombsmania

Tonight I Celebrate My Love For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon